Chapter 13

3414 Words
Chapter 13 Happy Mabilis akong naglakad palayo doon. I was heaving and my heart is pounding. Naiinis ako ngayon. Marami akong nakasalubong na mga kakilala habang palabas ng gate pero wala akong pinansin ni isa doon. Isang hila doon sa bag ko ang nagpapigil sa akin pero nang makita si Cupid ay mabilis kong binawi iyon at muli siyang tinalikuran. Tuloy-tuloy akong naglakad nang makarating sa terminal ay mabilis akong sumakay sa isa sa mga trike doon. Masama ko namang tiningnan si Cupid nang tumabi sa akin. “Ano ba?” sigaw ko. Tumingin naman siya sa akin ng mahinahon. “Huminahon ka nga,” mahina niyang sabi na inirapan ko lang. Hindi ko siya pinansin doon at wala din naman siyang sinabi buong byahe. Nang makarating sa bahay ay sabay kaming bumama. Hindi pa ako nakakapasok sa loob ay may trike na ulit na dumating. Si Zeus iyon saka si Ares. “Pag-usapan muna natin ‘to, Psy…” malambing na sabi ni Ares pero hindi ako madadala noon. “Pag-usapan niyo. Ayos naman kayong nakakapag-usap ng hindi pinapaalam sa’kin.” Zeus sighed loudly before looking at Cupid. “Bakit mo ba sinabi?” madiin at parang galit na salita niya. “Hindi ba nag kasundo tayo na huwag muna?” Hindi naman ako makapaniwala doon. “Really, Zeus? Sa harap ko?” “Hindi kasi sana ganito, Psy,” parang nawawalan ng pasensya niyang sabi. “May problema si Priam at hindi ngayon iyong oras-” “Hindi magkaka-problema iyan kung hindi niyo kinukunsinti!” naiinis na sigaw ko. “Psyche…” Ares walked to me. “Huwag na natin pag-awayan ‘to.” Tiningnan ko naman silang tatlo ng masama. Iyong dibdib ko, hingal na hingal sa paghinga. Nagagalit kasi talaga ako. “Mag-usap kayo ng maayos ni Priam-” “Hindi makikipag-usap iyon,” putol ni Zeus kay Cupid. Kumunot naman iyong noo ni Cupid sa kaniya at umayos ng tayo. “Nag-s’suggest lang ako. I’m sorry for telling her, pero kahit anong paraan pa iyong gawin niyo para sabihin kay Psyche magagalit pa din ‘yan,” seryoso at madiin na sabi ni Cupid habang naka-kunot ang noong nakatingin kay Zeus. Napairap nalang ako. “Bahala kayo. Kung ayaw niyong malaman ko iyan. Then I’ll pretend na wala akong alam,” huling sabi ko bago pumasok ng gate namin. Mabilis ang hininga ko nang makapasok sa bahay at makapanhik sa kwarto. I sat down and heave a long sigh. Mga sakit sa ulo talaga. Pinilit kong hindi isipin iyon pero hindi ko kaya. Nag-aalala ako kay Priam. That Aila, his ex-girlfriend, was the worst. I mean, I’m bias pero grabe iyong ginawa niya kay Priam. Naging sila noong first semester ng grade ten. Grade twelve si Aila noon. It was fine. Kahit na hindi kami approve kay Aila. Hindi namin trip iyong ugali niya. I only met her few times dahil noong mga panahon na iyon ay wala naman kami dito sa Batangas. Mahal na mahal ni Priam iyon kahit pa kinukwento sa akin ni Zeus na hindi nga maganda iyong reputation noon sa campus. She jumped from one guy to another, they said. Pero dahil babae ako, I believed it was just a rumor. Dahil mahal siya ni Priam, I trusted her too. Kaya noong bumalik ako sa school noong grade eleven, I was fine with it. Nakikita ko naman sila ni Priam na masaya. Not until we found out that she actually has an affair with her classmate. First year college na siya noon at malayo na sa building namin kaya wala kaming kaalam alam. What worst is that nahuli sila ni Priam na nag k’kiss doon sa building nila. Katarantaduhan di’ba? I should’ve pulled that Aila’s hair that time! Pinigilan kasi ako nila Ares. Si Priam naman, parang namatayan. He stopped going to school and he’s not even eating. Ang tagal bago siya naka move on doon. Isang baldeng pasensya ang ginawa ko para hindi siya sapakain nang matauhan. He’s so miserable that time, kaya ngayon, marinig ko lang iyong pangalan na iyon, nanggagalaiti ako. Alam ko naman na mahirap kalimutan ang first love. Lalo na iyong mga lalaki pero sana may boundary iyon. Kung niloko ka naman ng first love mo?! Kinabukasan masama pa din iyong loob ko. Sabado noon at may practice kami ng Heart Sparks. Tahimik ako buong practice dahil wala talaga ako sa mood. Nakatingin lang ako sa may bintana habang umiinom noong tubig ko doon. Medyo makulimlim sa labas. Hindi kulay abo iyong ulap pero natatakpan nito iyong araw. Ganyan iyong masarap maglakad sa labas tapos mahangin pa. “Ayos ka lang?” Napalingon ako kay Thalia nang tumabi ito sa akin sa pagkakatayo, may hawak ding tubig. Huminga naman ako ng malalim. “Slight,” sagot ko. Alanganin naman siya ngumiti. “So may problema ka? No wonder kanina ka pa tahimik.” Napalabi naman ako, “Hindi ko rin alam bakit ako affected.” Kumunot naman ang noo niya. “Pwede ba akong mag-tanong or…” alangin niyang sabi. Napangiti naman ako. Iyon talaga ang maipagmamalaki ko dito sa pinsan ko. Bukod sa maganda na, mabait pa. “Iyong mga siraulo ko lang na mga kaibigan.” “Sila Ares? Nag-away kayo?” I shrugged. “Hindi ko alam kung away iyon pero parang ganoon na nga.” Natahimik naman siya kaya lumingon ulit ako sa labas. Hindi ko alam kung dinadamayan ba ako ng kalangitan sa nararamdaman ko o ano. “Ice cream tayo mamaya?” masiglang tanong ni Thalia. Napakunot naman iyong noo ko. “Akala ko hindi ka mahilig sa sweets?” Napasimangot naman siya. “Oo nga. Pero kumakain pa din naman ako. Isa pa, I should do that for you, right?” I chuckled and nodded. Hindi naman masamang mag-ice cream. 9 to 4 PM iyong practice namin tuwing sabado. Except nalang kung may announcement na mababago iyon. Sinukbit ko na iyong mini duffle bag ko sa balikat na puno lang naman ng damit. “Tara na?” tanong ni Thalia. Napag-kasunduan naming na sa mall nalang magpunta para malamigan din kami. Tumango naman ako. “Ayos lang bang isama ko si Kurby?” nakangiting tanong ni Thalia na ikina-kunot ng noo ko. “Kurby? Iyong STEM?” “Oo. Iyong nasa singing? Friend ko ‘yon.” “Talaga?” nagugulat kong tanong. “Taga sa amin iyon. Close din nila Mama iyong family nila.” Napatango nalang ako at pumayag na. Bakit naman ako hihindi. Hindi naman ako bad. Slight lang. “Hi!” bati ni Kurby nang makalabas kami. Hindi ko alam saan siya galing. “Hi, Psyche.” Parehas naman kaming bumati ni Thalia. Kurby looks jolly. Iyon ang una mong mapapansin kapag nakita mo siya sa personal. Parang ang friendly. Kabaligtaran ko. Sabay sabay naman kaming naglakad palabas. Nagpunta kaming waiting shed kung saan humihinto iyong mga bus. “Oh, tanga,” hindi napigilan kong sabi noong matalisod si Kurby doon. I pursed my lips and tried so hard not to laugh and… “I mean…” Natawa naman si Thalia habang napangisi si Kurby. Hindi ko naman sinasadyang sabihin iyon. Initial response ko na kasi talaga iyon. Napalabi nalang ako. “Medyo nakaka-hurt iyon,” mahinang sabi ni Kurby. Hindi ko alam kung bakit natawa nalang ako. Nagkatinginan pa kami ni Thalia. For the first time, nahiya ako sa bibig ko. “Tanga mo naman kasi talaga. Saan ka ba nakatingin?” segunda ni Thalia. Umiling nalang si Kurby doon. Sakto naman na may dumating na na bus kaya sumakay na kami. Buti nalang at hindi puno. Nakahap din kami ng pantatluhan. Doon ako sa may bintana syempre. Katabi ko si Thalia tapos ay si Kurby. Medyo mabagal iyong byahe dahil hindi puno iyon bus, madaming hinihintuan. Pero worth it naman nang makarating kami dahil wala lang. Ang saya pa rin naman sa mall kahit madalas kang pumupunta doon. “Bukas ilalabas iyong entrance exam sa UE saka La Salle ah?” mahinang sabi ni Kurby. “Nag-apply ba kayo doon?” Sabay kaming tumango ni Thalia. I personally like La Salle pero kung saan pumasa okay din. Maganda kung UP para iwas gastos. “Kinakabahan nga ako…” sagot ni Thalia. “Saan ka pa nag-apply?” tanong ko. “UP saka UST.” “Same,” sabay naming sagot ni Kurby. Nang makapaglakad lakad ay napag desisyonan naming na kumain na din. Nagugutom na kasi ako at gusto ko ng kanin. Kumain kami sa isang fast food doon at after nalang kami nag ice cream. Madami kaming napag-usapan ni Thalia at Kurby. Makakatulong iyon kay Cupid. Naalala ko na naman si Priam na sabog. Naiinis na naman ako. Naghiwahiwalay na kami noong pauwi dahil ibang way na sila. Pabalik ako at sila naman ay medyo malayo pa. Kurby is nice. Napagtanto ko na iyon. Tama naman si Ares na mukhang mabait naman si Kurby. Nang makauwi sa bahay ay noon ko lang nabasa iyong chat ni Cupid sa i********:. Na-send na daw niya sa group chat namin iyong part niya sa introduction ng thesis. Ni-check ko naman iyong GC namin at iyon lang ang chat. Mga tahimik ang mga kupal. Nang makapaligo na ako at makapag ayos ay saktong nag-chat doon si Cupid saka Ares. Pareho pang sa i********:. Ares: Psy, sorry na. May paawa emoji pa doon. Cupid: Ayos ka lang ba? Una kong nireplyan si Ares. GIF iyon na umiirap. Akala niya ha. Si cupid naman ay nireplyan ko din. Ako: Paki mo? Mabilis naman nag reply si Cupid. Cupid: Mabuti naman at ayos ka na. Napailing naman ako. Siraulo. Kinabukasan ay excited ako dahil uuwi si Papa! Isang buwan din siyang nawala. Maaga akong nagising dahil need naming pumunta ng church. Si Papa naman ay doon na tutuloy pag-kauwi niya saka kami aalis after. “Ganda talaga ng mga anak ko!” bati ni Mama nang sabay kami ni Asha bumaba. I am wearing high-waisted denim pants and long sleeves blouse. Gustong gusto ko din itong long sleeves na ito dahil ang ganda ng details noon. Kulay white lang siya na may lace and cuff. “Tagaytay ba tayo mamaya, Mama?” tanong ulit ni Asha. Tumango naman si Mama habang inaayos iyong buhok niya at nag l’lipstick. Madali lang namin napupuntahan iyong Tagaytay at halos lagi din kami doon pero parang bago everytime. Ang ganda kasi. “Ano kayang uwi sa akin ni Papa?” mahina kong tanong. Kutos naman iyong inabot ko kay Mama. “Diyan talaga kayong excited na dalawa,” akusa niya na hindi ko naman tinanggi. Nakakaexcite kaya ang present kahit ano pa iyon. Hindi naman kami late nang makapunta sa church. Si Papa lang. Halos patapos na iyon nang dumating siya. We decided to eat after, dahil gutom na kaming lahat. Sa may Batangas lang din kami kumain dahil malilipasan kami kung sa Tagaytay pa. I recorded some videos while traveling. Ni-upload ko iyong sa IG story ko. Even a picture of my Papa driving with the caption “miss you”. Hindi magpapatalo itong kulugo na ito, syempre may reply siya. Cupid: Miss u too Ares: Mah family Parehas ko silang nireplyan ng “siraulo”. The trip was nice and comfortable. Dahil kaunting oras lang naman ang mayroon kami, konti lang iyong napuntahan namin pero ayos na iyon. Kahit papaano ay nawala iyong mga iniisip ko saka nag-enjoy ako. “Balita ko may bago kayong kaibigan?” simula ni Papa noong bumabyahe na kami pabalik. Naniningkit ang mata naman akong tumingin kay Mama. “Meron, Papa. Recruit nila Ares iyon. Kulugo din.” Nangiti naman si Papa at tiningnan ako sa rearview mirror. “Kamusta na pala iyong mga batang ‘yon?” tanong niya pa. Napanguso naman ako dahil hindi ko alam ang isasagot doon. Kami hindi ayos pero sila mukhang ayos naman sila. “Ganoon pa din, Pa…” Sagot ko, hindi na alam ang idudugtong. Alas dies na kami noong makarating sa bahay. Kinabahan naman ako bigla dahil kanina pa lumabas iyong result ng entrance exam sa UE saka DLSU. Hindi na ako naghintay pa at umakyat na kwarto ko at ni-open iyong computer. Nakisama naman iyong internet dahil mabilis iyon. Iyong sa UE ang una kong tiningnan. Aragon Aragon Aragon Napakadaming Aragon naman nito. When I saw my full name, napa-yes pa ako doon! OMG. Ayos na ako dito! Kahit bumagsak ako sa iba basta may isa akong mapasahan. Hindi na magiging mahirap iyon. Iyong sa DLSU naman iyong ni-check ko pagkatapos. Nang makita muli iyong pangalan ko tumakbo na ako papunta sa kwarto nila Mama. “Mama! Pumasa ako sa UE saka La Salle!” sigaw ko saka nagtatalbog sa kama nila. “Papa! Nakapasa is me!” Natawa naman silang pareho sa akin. Niyakap ako ni Mama na mukhang proud na proud. “Alam ko nang makakapasa ka. Anak kita e.” Napa groaned naman ako at natawa din si Papa. Papa gave me a high-five. Sakto naman na pumasok si Asha doon. “Congrats, Ate!” I squealed and hugged her. Pinanggigilan ko pa siya. “Doon ka ba mag-e’enroll?” kalaunang tanong ni Papa. Si Mama naman ay nakatingin din mula doon sa vanity niya. “Kung hindi ako papasa sa UP Papa, gusto ko sana sa La Salle. Mas okay iyong walang bayad.” Lumingon ako sa kanila ni Mama. “Kaya ba ng budget iyong La Salle?” Natawa naman sa akin si Papa saka ginulo iyong bangs ko. Napanguso naman ako. “Kakayanin, Psyche. Isipin mo lang iyong pag-aaral mo. Ano bang kurso ang gusto mo?” “Accountancy. Mahirap daw iyon pero bahala na. Kaya naman iyon kung mag-aaral ng mabuti.” “Anak ko talaga iyan!” sigaw na naman ni Mama doon. Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi pa tuluyang sumisikat iyong araw at bumabati sa bintana ko ay nakaayos na ako. Ni-check ko ulit iyong phone ko at nakita iyong mga hindi ko pa na-s’seen na mga chats doon. Puro nag c’congratulate. Hindi ko naman pinost iyong result at hindi naman ako nag status o nag tweet ng kahit ano pero siguro nakita nila iyong name ko. Dahil maaga pa naman, ni-reply ko na sila ng isa-isang thank you. Seven ako lumabas ng bahay para maglakad papuntang gate at makasakay ng trike. Hindi naman ako pawis nang makarating doon. Hindi katulad kapag late ako nag rabe iyong takbo ko dito, kahit hindi namna kalayuan iyong bahay naming sa gate. Sa upuan ako ni Cupid naupo nang makarating sa room. Hindi rin naman nagtagal ay isa-isa nang nagsidatingan iyong mga kulugo. “Doon ka,” bati ko kay Cupid nang naka kunot ang noo niya akong tiningnan. Nakanguso namang nakatingin sa akin si Ares. Si Zeus ay umiwas ng tingin habang si Priam ay dedma. Napakamot nalang sa ulo si Cupid saka sinunod ako. Kinuha ko naman iyong bag ko saka kinuha iyong notebook namin ni Cupid. “Cupid,” tawag ko. Lumingon naman siya agad kaya inabot ko sa kaniya iyon. Tumingin pa siya kay Ares bago iyon binuksan habnag nakaharap sa akin. “Kailan ‘to?” tanong niya. “Magkasama kami noong Saturday.” Nakalagay doon iyong mga bago kong nalaman kay Thalia. Pati iyong size ng paa niya, ginagamit niyang make-up, kung sino iyong mga friends niya, at saan siya madalas pumupunta. “Nalaman mo ‘to noong nagp’practice kayo?” “Hindi. Nagpunta kaming mall.” “Kayong dalawa?” Nag-angat siya ng tingin sa akin. Napakurap naman ako bago mabagal na tumango. “Oo.” Napa-iwas na ako nang tingin ng dumating iyong instructor namin. Hinablot ko na din kay Cupid iyong notebook dahil baka makita pa iyon ng tsismosong si Ares. Natapos iyong araw nang hindi kami nag-uusap ni Priam. Kila Ana saka Klein ako sumabay mag-lunch dahil trip ko. Kung hindi niya ako papansinin e’di huwag. Siya pa iyong galit, siya iyong nanigaw sa akin. Fine. Kung ayaw niya akong makialam sa kanila ni Aila, fine. Hindi ko naman kawalan iyon. “Sinong kasama mo sa concert? Sa Friday na iyon di’ba?” tanong ni Ana habang naglalakad kami palabas ng campus. “Ako lang,” sagot ko naman at hindi ko maiwasang mangiti. “Pinayagan ka?” Tumango naman ako. “Susunduin naman ako ni Mama saka ihahatid.” Tumango naman silang dalawa. “Kapag ni-text ka naman or ni-chat ka ni Marco, i-block mo na ha!” paalala ko kay Klein bago kami makalabas doon. Tumango naman siya ng sunod-sunod. Ganoon dapat. Natututo. Nakwento niya kasing nangungulit na naman sa kaniya si Marco at nag s’sorry. Kapal ng mukha. Buti nalang strong iyong si Klein. Bwisit na Marco iyon ni hindi nga iyon nagparamdam noong pina-guidance kami noong babe niya! Nagpaalam na ako kila Klein noong makalabas ng gate. Nagulat naman ako ng may sumalubong sa akin doon. “Ano?” galit kong tanong. “Bakit parang pati sa akin, galit ka?” malungkot na tanong ni Zeus. Hindi ko naman siya pinansin at naglakad kaya humabol siya sa akin. “Sorry na,” habol niya. “Mali talaga kami doon. Mali ako. Dapat sinabi namin sa’yo. Ayaw kong magdahilan pero hindi kasi namin alam iyong gagawin kay Priam.” “Alam niyo kung ano ginawa noong Aila na ‘yon. At kung anong epekto noon kay Priam.” “Kaya nga hindi naman alam ang gagawin. Kung hindi kami makikialam sa kaniya, hindi iyon magsasabi. Lalo kaming mag-aalala. Kaya pumayag kaming hindi ipaalam sa’yo.” Huminto ako sa may tapat ng trike at bumuntong hininga bago pumasok doon. Sumunod naman si Zeus. Tahimik kami buong byahe hanggang makarating sa bahay. I went out and looked at Zeus after. “Basta… huwag niyo pababayaan ‘yon,” paalala ko. “May pagka-stupid ‘yon.” Tumalikod na ako pagkatapos. For the next days, ganoon ang set-up namin. Sa upuan ako ni Cupid nakaupo dahil dumidistansya ako kay Priam. Ayaw ko na rin siyang kulitin at itanong anong problema niya. Kung gusto niyang sabihin, nag-open up na iyan. Wala rin namang sinasabi si Ares o si Cupid. I tried not to be stress about it. Excited dapat ako sa concert! Kaya iyon talaga iyong pinaghandaan ko. Parehas kaming nakangisi ni Mama noong araw ng Friday. Absent ako syempre, bahala na iyong acads. Makakabawi naman ako doon pero ito, once in a lifetime! Nagready talaga ako doon. I put light make up and ponytail my hair up. Naka jeans lang din ako para komportable ako mamaya, makakatalon saka makakasigaw ako ng walang problema. Halos umabot hanggang tenga iyong ngiti ko habang nakaharap doon sa salamin. Tumingin naman ako sa orasan saka nakita na dapat umalis na ako. Mabilis kong kinuha iyong bag ko, ni-double check ko pa kung nandoon iyong ticket ko saka ako bumaba. Napahinto naman ako ng makita ko doon si Cupid. “Ginagawa mo dito?” tanong ko saka lumingon para hanapin si Mama na wala doon. “Hindi ka nag r’reply e. Pumunta ko, itatanong ko sana kung naka-alis ka na ba.” “At bakit?” “Sasabay ako.” Napakunot naman iyong noo ko at tiningnan niya mulo ulo hanggang paa. Parehas kaming naka jeans at sneakers at naka plain na white shirt. “Saan?” pagtataka ko pa. “Sa concert. Hindi ko ba nasabi sa’yo? Dalawa iyong ticket ko.” Nanlaki naman iyong mata ko saka napabuka ng bibig. “Seryoso?!” hindi napipigilan kong sigaw. Tumango naman siya. “Bakit ngayon mo lang sinabi?! Kinakabahan pa ako dahil ako lang mag-isa!” Siya naman iyong medyo nanlaki ang mata ngayon. Hinampas hampas ko pa siya. “Akala ko magagalit ka?” salita niya na parang nagtataka. “Bakit naman ako magagalit? Mas okay ka na kesa sa walang kasama.” Parang nadismaya namna iyong mukha niya pero abot langit iyong ngiti ko. Napalingon naman ako ng lumitaw si Mama. “Ma! Kasama ko pala si Cupid!” masaya kong sabi. “Oo nga anak, nakikita ko.” Napailing ito sa akin. “Ihahatid ko kayo at susunduin, okay?” paalala ni Mama. Tumango tango naman ako doon habang nakangiti pa din. Kinikilig talaga ako! Kay Shawn! OMG. Makikita ko na siya! Lumingon ako kay Cupid ng nakangiti. Natagpuan ko naman siyang nakangisi doon. Ginulo niya iyong bangs ko saka umiling nang bahagya, “Saya ka?” he asked sarcastically but I nodded, nonetheless. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD