Kabanata 27 Z A C H I A Tanga ba ako para mag-expect na dadalawin niya pa ako sa gabing iyon pagkatapos ng nangyari kanina. Saka anong gagawin ko kung pupunta nga siya dito? Kakalimutan na lang ulit ang ginawa niyang pamamahiya sa kaibigan ko kanina? Pero ano ‘tong ginagawa ko ngayon? Bakit hinihintay ko pa din siyang dumating? Hindi ‘yon pupunta. For sure galit din iyon sa akin. Pero bahala siya. Wala akong magagawa kung ganyan siya. Totoo naman ang sinabi ni Moira, kung may tiwala siya sa akin at sa mga ginagawa ko, hindi niya ako paghihigpitan ng ganito. Pero baka nga wala siyang tiwala sa akin kaya ganito siya umasta. Hindi ko lang maiwasang malungkot at mag-alala, paano kung hindi na talaga niya ako dalawin pagkatapos nito? Paano kung napagod na siya sa akin? Kung ganoon wala na a

