13

2420 Words
UNANG ARAW ni Corrine sa bagong trabaho. Nakakaramdam siya ng pinaghalong pangamba at pananabik. Nang maiayos ang kanyang mga gamit, pinuntahan niya ang opisina ni Dr. Horacio Mendoza. Bago siya pumasok ay nagsagawa siya ng research sa lahat ng mga doktor na nakilala niya at maaaring makatrabaho sa DRMMH. Doctor Horacio Mendoza had a great record. He had been the chief of surgery for almost ten years. Nang mapagpasyahan nitong mag-focus sa research at pamilya ay ibinigay nito ang puwesto sa pamangkin nitong si Mathias. Doctor Horacio Mendoza was one of the great cardiothoracic surgeons in the country. He was also known as the teacher who trained the best surgeons now. Base sa kanyang mga nabasa, nagkaroon ng impresyon si Sybilla na mahusay at epektibo ring lider si Horacio. Nakangiti na sa kanya si Dr. Horacio Mendoza nang magkita sila sa office c*m research lab nito. Mas maaliwalas ang mukha ng matandang doktor nang mawala ang face mask sa mukha nito. May mga puti na sa buhok nito ngunit napakakisig pa rin ng ginoo. He aged gracefully. Napanatag ang kalooban ni Sybilla nang makita ang warmth at adoration sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Itinuro nito ang isang upuan at inudyukan siyang maupo na ginawa naman niya. “Ipapasa ko sa `yo ang isa kong pasyente para may pagkaabalahan ka ngayon at para magkaroon ako ng libreng oras para matulog,” panimula nito sa magaang tinig. “Penetrating aortic ulcer.” Ngumiti si Sybilla. “Thank you, Doctor Mendoza.” “Horacio. Call me Doctor Horacio. People get confused. Sa dami ng Doctor Mendoza sa ospital na ito, nakaka-confuse talaga.” Inabot nito ang tablet sa harapan at may kung anong ginawa. “Okay. Doctor Horacio.” “I sent the patient’s file to your tablet. How’s your teaching skills?” “Good, I think.” Aminado si Sybilla na maikli ang kanyang pasensiya pagdating sa pagtuturo. Ayaw niyang nagpapaulit-ulit. Kung may ipinaliwanag siya, nais niyang makuha iyon kaagad ng intern o ng residente. “It needs improvement po siguro pero kakayanin ko naman,” ang matapat niyang tugon. “That’ll do. I’m assigning some interns and residents to your service. Just teach them how to not kill a patient and we won’t have any problem. Give them hell.” Nakangiting tumango si Sybilla. “Yes, Sir.” Ipinaliwanag nito sa kanya ang ilang special protocols sa departamento nila at mataman siyang nakinig. Karamihan naman sa mga iyon ay nakalagay na sa orientation packet na ibinigay sa kanya ni Mathias noong brief niya. Ipinaliwanag lang nang husto ni Doctor Horacio ang ilang mga bagay at sinagot din ang ilan sa kanyang mga katanungan. Kapagkuwan ay sumandal si Doctor Horacio sa upuan at mataman siyang pinagmasdan. “Bakit ngayon ka lang?” “P-po?” “Mula nang malaman ng lahat ang pagkakaroon ng apo sa labas ni Doctor Romoncito Arqueza, inasahan na naming ilalagay ka niya sa ospital pagkatapos na pagkatapos mo sa med school. He sent you to the best school in the States.” “I kind of also sent myself,” aniya sa munting tinig. “Hinanap ko ang isa sa pinakamahusay na med school at halos patayin ko ang aking sarili para lang makakuha ng scholarship. Bago ko pa man mahanap ang mga Arqueza ay may bunga na ang pagsisikap at paghihirap ko. Kinailangan ko nga lang po ng sustento kaya in a way ay malaki pa rin ang naitulong sa akin ni Lo—ni Doctor Arqueza. Ako rin ang naghanap ng magandang internship program upang matanggap ko ang pinakamagandang edukasyon at training. I worked hard to be in that program. I fought tooth and nail to stay in the program.” “And you became one of the best.” Bahagyang lomobo ang puso ni Sybilla nang mahimigan ang paghanga at pagkamangha sa tinig ni Horacio. “Yes, I am.” “You have a very impressive record, Torres. Aaminin kong sinubaybayan na namin ang career mo residente ka pa lang. Hinihintay namin na ipakuha ka ni Doctor Monching.” “Naghihintay po ako. Walang alok na dumating.” Sinikap ni Sybilla na huwag ipahalata ang nadaramang hinampo at sama ng loob. “Mathias wanted to offer you a fellowship. He presented that to the board.” Hinintay ni Sybilla na magpatuloy ang doktor ngunit wala na itong anumang sinabi. Mas sumama ang kanyang pakiramdam nang mabatid kung ano ang sinasabi nito. Hindi siya nakatanggap ng job offer noong naghihintay siya dahil hindi gusto ng lolo niya na naroon siya. Sinikap niyang magpaskil ng ngiti sa mga labi. “I think things worked out for the best.” “Yes, things worked out for the best. Naisip siguro ng lolo mo na hindi ka pa handa. I’m sorry. Hindi ko alam kung gaano kaselan ang usapin tungkol sa pamilya mo, sa relasyon mo sa lolo mo. Hindi ako makikialam o mang-uusisa. I’m just glad you’re here now. Kailangan natin ng mahuhusay na doktor na katulad mo.” Paglabas ni Sybilla sa opisina ni Doctor Horacio ay nagtuloy siya sa pinakamalapit na banyo. Pumasok siya sa loob ng isang cubicle at naupo sa toilet. Her heart was twisting violently. Sinikap niyang kalmahin ang sarili kahit na tila nais niyang pamasaan ng mga mata. Hindi siya emosyunal na babae. Hindi niya gawaing umiyak sa loob ng banyo sa tuwing masama ang kanyang loob. Tumingala siya at huminga nang malalim. Hindi siya ang babaeng iyon. She’s tough. She’s okay. So what if her granfather didn’t really want her in his dynasty before? So what? She was still amazing. The best. “HOW’S your day so far?” Nginitian ni Sybilla si Astrid. Nadatnan siya nito sa lounge. May pinagkaabalahan siya sa computer doon. Ikalawang araw na niya sa DRMMH. Maayos naman ang lahat so far. Madali siyang nakakapag-adjust. Madali na lang makagamayan ang mga bagay-bagay. May naka-schedule na nga siyang endovascular aortic repair mamaya. “Great,” tugon niya sa tanong ni Astrid. Mabait ang babae. Dalawang taon ang tanda niya rito ngunit mas impresibo ang record nito kumpara sa kanya. Astrid was gifted. Maaga nitong natapos ang pag-aaral dahil ilang beses itong na-accelerate. Astrid was one of the young most promising neurosurgeons in Asia. Na kay Astrid ang lahat ng bagay na mahihiling ng isang babae. Ganda, talino, at yaman. She was too pretty, too talented, and too rich. She even had the perfect set of parents. A neurosurgeon for a father and a general surgeon for a mother. Mahirap mainis o mainggit sa babae dahil sa maganda at palakaibigan nitong ngiti. Tila kasalanang malaki kung pag-iisipan ito nang hindi maganda. Her charm worked that way. Tumuloy si Astrid sa ref. Naglabas ito ng dalawang lata ng softdrinks. Inalok nito sa kanya ang isa na kanyang tinanggap. Naupo si Astrid sa mesa. “Alam mo ba kung ano ang tawag sa `yo ng mga intern mo?” Natawa si Sybilla. “May pangalan na sila para sa akin? Pangalawang araw pa lamang.” “Cardio goddess from hell.” Natawa si Sybilla. “Masyadong mahaba.” Hindi naman siya terror. Masyado lamang intimidating ang dating niya kaya marahil ganoon. Aminado rin siyang hindi gaanong naging maganda ang kanyang araw kahapon at siguro ay nailabas niya iyon sa mga intern na naka-assign sa kanya. Alam ni Sybilla na hindi lang iyon dahil sa kanyang Lolo Monching. Hindi naging maganda ang kanyang araw kahapon dahil hindi niya nakita si Mathias. “Give them a chance. Makakaisip din sila ng creative name for you.” “I bet they love you.” “Naman. Except when I’m in the OR. I’m kind of quirky. Ang iba ay hindi ako masakyan.” Magtatanong sana si Sybilla kung ano-anong quirkiness ang mayroon si Astrid ngunit hindi niya naituloy dahil pumasok sa loob ang isang lalaki. Sandaling napatitig si Sybilla sa bagong dating. He was tall and gorgeous. Isa na namang Mendoza base sa matangos nitong ilong. Isa ring doktor base sa suot nitong pulang surgical scrubs. Tumingin si Sybilla kay Astrid, nagtatanong ang mga mata. Ngumiti si Astrid. “That’s my cousin Garrett.” Nang marinig ang pangalan ay tumingin sa gawi nila si Garrett. Kaagad itong napangiti nang makita siya. Iyong uri ng ngiti na nang-aakit. Mas kumisig ang lalaki. Sana lang ay madama niya ang atraksiyon at paghanga na nadarama niya sa tuwing nasisilayan ng kanyang mga mata si Mathias. This Garrett was definitely an eye candy. Ngunit bigo siya sa nais na madama. Natutuwa lang siyang makita ang guwapo nitong mukha ngunit hanggang doon lang. Wala itong gaanong pang-akit sa kanya. “Hi,” nakangiting bati sa kanya ni Garrett. “You must be the new cardio goddess. The hotshot doctor from Baltimore.” Tumingin si Sybilla kay Astrid. “Smooth-talker.” Tumango si Astrid. May sasabihin pa sana ang babae ngunit pareho nilang ibinalik ang tingin kay Garrett nang bigla na lang nitong hubarin ang pang-itaas na scrubs. Napaawang ang mga labi ni Sybilla. Ano nga ang naging linya ni Emma Stone sa pelikulang Crazy Stupid Love na pilit na pinapanood sa kanya ni Johanna dahil isa iyon sa all-time favorite romantic movie nito? “f**k! Seriously? It’s like you’re Photoshop-ed!” Mas maganda pa yata ang abs ni Garrett sa abs ni Ryan Gosling. And the guy knew that very well based on the way he smiled. Nalukot ang magandang mukha ni Astrid. “Eww, Garrett. You’re so gross. Put some clothes on.” “Sinukahan ako ng pasyente, okay?” tugon ni Garrett habang palapit sa kanila. Nakangiting inilahad nito ang kamay sa kanya. “I’m Garrett Mendoza, general. May gagawin ka ba mamaya? `Wanna go out for a drink?” Mas lumapad ang ngiti sa mga labi ni Sybilla habang tinatanggap niya ang pakikipagkamay ni Garrett. “Sybilla Torres, cardio,” ang tipid niyang tugon. Halatang-halata na sanay ang lalaking kaharap sa mga babae. Hindi na nakapagtataka. Kung sa ibang babae marahil nito sinabi ang linyang iyon ay malamang na kaagad pumayag. Baka nga hindi na nito kailangang magsalita, kailangan lang nitong ngumiti nang nang-aakit kagaya ng ginagawa nito sa kanya ngayon. Too bad she was never the type who fell on playboys’ ploy easily. Garrett may have irrisistible good looks and body but she was made of sterner stuff. Hindi siya madaling bumigay sa mga pang-aakit ng mga lalaki. Maliban na lang kung si Mathias ang nang-aakit. At naghuhubad ng scrubs. Pinaghiwalay ni Astrid ang magkahugpong nilang mga kamay. Nananaway ang mga mata nitong nakatingin kay Garrett. “She’s off-limits, Garrett. Pinagsabihan ka na ni Kuya Mathias. You can’t sleep with anyone who works in this hospital.” Hindi pinansin ni Garrett ang sinabi ni Astrid, nanatili ang mga mata nito sa kanya. “Ako ang magde-decide sa bagay na iyan, hindi si Chief.” “We need good cardio, Garrett. Kuya Mathias is busy with his admin duties. Uncle Horacio needs help. So, behave. Lay your hands off Sybilla, okay?” “What if Sybilla wants my hands on her?” Hindi na napigilang matawa ni Sybilla. “Garrett, you’re beautiful and all pero hindi ako nakikipagrelasyon sa mga katrabaho ko. Pasensiya ka na,” aniya sa naaaliw na tinig. Sinapo ni Garrett ang dibdib, umaktong nasaktan. “Ouch. Really? Bakit hindi mo muna subukan? It can be exciting.” Umiling habang natatawa pa rin si Sybilla. “I’m sorry. The answer’s still no.” “I should just resign then?”anito sa nanunudyong tinig. Maging ang ngiti nito ay naging mapanudyo. He looked so sexy. Sinubukan ni Sybilla na kapain ang damdamin. Bakit hindi siya maakit? “The lady already said no, Garrett.” Napapitlag si Sybilla nang marinig niya ang pamilyar na tinig ni Mathias. Napatingin siya sa pintuan kung saan ito prenteng nakasandal at nakahalukipkip. Nadama niya ang nais niyang madama. Attraction. Tila may nabuhay sa kanyang puso, biglang sumigla. Hindi niya nakikita ang abs ni Mathias ngunit sa kanyang paningin ay mas kaakit-akit ang lalaki kaysa kay Garrett. Sinalubong ni Mathias ang kanyang tingin. Wala itong anumang sinabi sa kanya ngunit pakiramdam niya ay masaya rin itong makita siya. “Kuya!” masiglang bati ni Astrid kay Mathias. “Chief!” bati naman ni Garrett. Inalis ni Mathias ang tingin sa kanya at tumingin kay Garrett. “Put some scrubs on. I need you. We have an incoming. VVIP.” Napapabuntong-hininga na tinungo ni Garrett ang kinaroroonan ng mga cubby nila. “I hope it’s not a politician. I just hate politicians.” “Spouse of a politician,” ang walang anumang tugon ni Mathias. Hindi nagtagal ang dalawa. Tila emergent ang case dahil nagmamadali ang mga ito. Ni hindi nagawang magpaalam nang maayos. Hindi sila nagkaroon ni Mathias ng pagkakataong makapag-usap. “Gorgeous, aren’t they?” “Ha?” nagtatakang usal ni Sybilla. Hindi niya gaanong nawawaan ang sinabi ni Astrid. “My cousins are hot, `di ba?” Ngumiti si Sybilla at tumango. “Very.” “Ilan lang sila sa mga guwapo kong kamag-anak. Isang magazine ang nag-feature sa kanila minsan. We don’t normally do that, let me make that clear first. Pumayag lang sila at ang management ng ospital dahil nangako ang publication ng malaking donasyon para sa indigent wing ng ospital. Kung magiging maganda ang distribusyon, daragdagan nila ang donasyon. Naisip din ng management na magandang PR iyon. Mas makikilala ang ospital, mas marami ang magtutungo rito upang magpagamot, at mas marami ang magdo-donate para sa mga nangangailangan. The feature was entitled ‘Hotshots.’” “Very apt.” Kailangan niya ng kopya ng magazine na iyon. Tumango si Astrid. “Yes. Hotshot doctors with hot looks and body.” “The hospital should have a non-fraternization policy.” “I know, right? I grew up with those people so hindi ko talaga makita kung ano ang talagang nakakaakit sa kanila. I’ve seen nurses and residents go gaga over my cousins. I’m glad hindi ka katulad ng iba na naghuhugis-puso ang mga mata sa tuwing nakikita sila.” “I’m tough,” bulong ni Sybilla, hindi sigurado kung sino ang kanyang kinukumbinsi: si Astrid o ang kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD