14

1199 Words
SYBILLA had missed working. Mahigit isang buwan din siyang hindi nakahawak ng scalpel o kahit na anong surgical instrument kaya naman hindi mapantayan ang pananabik na kanyang nadarama habang naghahanda para sa kanyang unang operasyon sa DRMMH. She was singing in her head while scrubbing. Kailangan niyang makatapos ng dalawang kanta bago matapos. Patapos pa lang siya sa unang kanta nang may tumabi sa kanya sa sink. “Hey,” bati nito sa kanya. Natigil sa paggalaw si Sybilla, napalunok. Kapagkuwan ay unti-unti siyang lumingon. Nabuksan na ni Mathias ang faucet at sinimulan na rin ang scrubbing. Nakasuot na ang lalaki ng scrub suit, maging cap at mask. “You’re scrubbing in?” tanong ni Sybilla kahit na obvious naman na ang kasagutan. “Yes, if you don’t mind,” tugon nito habang hindi siya nililingon. Humugot nang malalim na hininga si Sybilla bago itinuloy ang ginagawa. She was again singing in her head. Pinilit niyang huwag mawala sa konsentrasyon. Binuo niya ang dalawang kanta sa kanyang isipan. Nang matapos ay pumasok na siya sa loob ng OR. Nakahanda na ang circulating nurse para sa gowning at gloving. Naramdaman niya ang pagsunod sa kanya ni Mathias. “The procedure is fairly simple, Chief,” ani Sybilla sa pormal na tinig. “I have done this a couple of times before. I chose a minimally invasive low-risk technique.” “I know. I approve.” “Are you evaluating me?”. “I’m observing. Hindi kita pakikialaman sa mga technique mo, believe me. I just wanna see you work. I will not get in your way.” Magaan ang tinig ni Mathias, kaswal na kaswal. Hindi malaman ni Sybilla ang mararamdaman. Okay lang naman sa kanya na panoorin siya ng Chief of Surgery. Pagkakataon na niya iyon upang makapagpakitang-gilas. Waring hindi lang siya komportable sa kaalamang panonoorin siya ni Mathias. Nais niyang sampalin ang sarili sa itinatakbo ng kanyang isipan. Pakiramdam ni Sybilla ay nagiging ibang tao siya kapag malapit siya kay Mathias. Tila hindi niya makilala ang sarili. At may bahagi sa kanya ang bahagyang natatakot dahil doon. “I hope that’s just okay. Kung hindi ka komportable, maiintindihan ko.” Pumuwesto na si Sybilla pagkatapos siyang masuutan ng gloves. “Don’t be ridiculous, you’re the chief.” Nasabi na niya ang walang pakundangang pangungusap. “I’m sorry. I didn’t mean to sound so rude,” aniya sa mababa at magalang na tinig. Ayaw niyang isipin ng mga taong naroon na hindi siya kumikilala sa awtoridad. Kailangan niyang galangin si Dr. Mathias Mendoza kapag nasa loob sila ng ospital. Hindi siya maaaring lumampas sa linya. “You don’t sound rude,” ani Mathias habang pumupuwesto na rin sa kanyang tapat. “Mas tunog iritado ka, Doctor Torres.” Kahit na may suot na mask si Mathias, nasisiguro pa rin ni Sybilla na nakangiti ang lalaki, nanunudyo. Pruweba roon ang kinang ng mga mata nitong nakatingin sa kanya. “Kinakabahan lang po ako,” tugon ni Sybilla. Siniguro muna niyang maayos ang lahat ng kanyang kailangan bago siya ganap na nagsimula. Mathias softly chuckled. It was a very wonderful sound. Nagpasalamat si Sybilla na hindi nanginig ang kanyang kamay dahil pakiramdam niya ay waring natutunaw ang kanyang puso. “Kinakabahan? I don’t think so, Doctor Torres.” “Why not? You’re the chief,” tugon niya habang nakatutok ang mga mata sa ginagawa. “You can be intimidating, you know.” “Hindi ikaw ang tipo na madaling kabahan o ma-intimidate, Doctor Torres. Sa kahit na sino o sa kahit na anong bagay.” Sandaling pinagmasdan ni Sybilla si Mathias. Wala na siyang anumang sinabi. Tila nabasa naman nitong wala siyang ganang makipagkuwentuhan kaya tahimik na lamang siya nitong pinanood. Tinupad nito ang sinabing hindi siya pakikialaman. He just observed her as she worked. He quizzed her resident and intern who were observing her as well. Nakasagot naman ang mga ito sa mga tanong ngunit hindi nawala ang nginig sa tinig sanhi ng kaba. Matiyagang ipinapaliwanag ni Mathias ang mga bagay na hindi alam ng mga ito. Mathias was a good teacher. He was a better teacher than her. Sybilla missed Johanna. Dahil hindi pa siya gamay ng scrub nurse, kailangan niyang magpaulit-ulit sa kanyang mga kailangan. With Johanna, she didn’t have to talk. Nakahanda na ang anumang kailangan niya hindi pa man niya nababatid na kailangan niya niyon. Hindi siya pinakialaman ni Mathias sa kanyang mga ginagawa. Tahimik lang itong nagmamasid at hindi siya pinupuna. Hinayaan siya nito sa mga nais niyang gawin, sa mga desisyong kanyang ginawa hanggang sa matapos ang procedure. “Impressive,” sabi sa kanya ni Mathias habang naghuhugas sila sa sink. “Thanks, Chief,” tugon niya. She actually felt good about herself. Natutuwa siya na nagawa niyang makasama si Mathias nang matagal at hindi siya nag-freak out. Hindi nanginig ang kanyang kamay. Hindi nablangko ang kanyang isipan. Nagawa niya nang maayos ang kanyang trabaho. Hindi pa rin bumabalik sa normal ang t***k ng kanyang puso ngunit hindi na siya naaalarma. Magagawa niya. Kaya niyang makasama sa trabaho si Dr. Mathias Mendoza. Kaya niyang maging propesyunal. Sumandal si Mathias sa sink habang pinupunasan ng paper towel ang mga kamay. “Totoo ang sinabi mo kay Garrett? Hindi ka nakikipagrelasyon sa katrabaho?” Sandaling natigilan si Sybilla, ipinroseso muna ng isipan ang sinabi ni Mathias. Kapagkuwan ay umabot siya ng paper towel at pinunasan ang basang kamay Hinubad niya ang cap na suot at sumandal din sa sink. “Tama ba ang intindi ko? Tinatanong mo `ko ng personal na bagay?” “Tinanong kita,” walang anuman nitong tugon. Hinarap ni Sybilla si Mathias. “Listen, alam kong superior kita at nirerespeto kita. Pagdating sa trabaho, kapag nasa loob tayo ng ospital na ito, ibibigay ko sa `yo ang lahat ng respeto. Pero hindi mo ako maaaring tanungin ng mga bagay na personal dahil wala akong planong maging kaibigan ka. Hindi ko nakakalimutan kung paano mo sinaktan ang kapatid ko.” Sinalubong ni Mathias ang kanyang tingin. Hindi niya mabasa ang kasalukuyang tumatakbo sa isipan nito. His face devoid of any emotions. “Okay then.” Pagkasabi niyon ay tinalikuran na siya nito at lumabas. Sandaling napatulala si Sybilla sa pintuang nilabasan ni Mathias. Hindi niya gaanong inasahan ang naging tugon nito. Inakala niya na makikipag-argumento sa kanya ang lalaki. Mali pa siya ng inakala? Napasobra ba masyado ang kanyang naging reaksiyon sa pagtatanong nito? Sinusubukan lang ba ni Mathias na maging palakaibigan sa kanya? Baka hindi naman ito talaga interesado sa kanya, nais lamang nitong malaman kung paano siya mag-isip at kung ano-ano ang kanyang mga paniniwala? Nakadama si Sybilla ng panghihinayang kahit na sinasabi ng kanyang isipan na dapat ay nakakahinga na siya nang maluwag. Sinasabi ng kanyang isipan na tama ang kanyang ginawa, ngunit hindi ganoon ang kanyang pakiramdam. Tila nais niyang habulin si Mathias at sabihing hindi ganoon ang kanyang gusto. Nais niyang magkalapit sila. Ngunit pinigilan niya ang sariling kagustuhan. Pilit niyang iginiit na tamang hindi sila magkaroon ng relasyon bukod sa pagiging magkatrabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD