RAMDAM ni Sybilla ang pagod nang makauwi siya. Kapapasok lang niya sa loob ng condominium building. Nais na niyang mahiga sa kama at matulog. Nais niyang matawa nang pagak. Hindi niya malaman kung bakit nakadarama siya ng pagod samantalang wala naman siyang inoperahan sa araw na iyon. Dalawa rin lang ang tiningnan niyang pasyente. Mga post-op patients ni Doctor Horacio. Ginugol niya ang buong araw sa pagpa-familiarize sa ospital at sa ilang patakaran niyon. Hindi naman iyon nakakapagod kung tutuusin.
Marahas na nagpakawala si Sybilla ng buntong-hininga. Ganoon ang kanyang pakiramdam dahil dalawang araw na niyang hindi nakikita sa paligid si Mathias. Nahihiya siyang magtanong kay Astrid kahit na maraming beses na niyang tinangka. Inis na inis siya sa sarili. Iyon ang nais niya. Ganoon ang dapat na mangyari. Hindi tamang hinahanap-hanap ng mga mata niya si Mathias.
Nababaliw na siya. Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ni Sybilla sa buong maghapon. Walang ibang paliwanag kundi ganap na siyang nawala sa katinuan.
“I’m also the most horrible sister in the world,” sabi niya sa sarili habang patungo sa elevator banks.
“Why?”
Napapitlag si Sybilla at biglang napatingin sa kanyang unahan. Napasinghap siya nang makitang prenteng nakasandal sa marmol na pader malapit sa elevator si Mathias. He was looking straight in her eyes.
Sybilla’s heart contracted violently. Tila bigla siyang nakadama ng ibayong sigla sa paghaharap nilang iyon. Waring may bahagi ng kanyang pagkatao ang bigla na lang nabuhay. Naghinang ang kanilang mga mata.
How can this be wrong? Ang naitanong ni Sybilla sa sarili. It just feels so right. How can this man feel so right?
Pilit na ginising ni Sybilla ang sarili sa realidad. Ipinaalala niya sa sarili kung sino ang lalaking kaharap, kung bakit hindi dapat siya nakakadama ng anumang kakaiba. Ibinaling niya sa ibang direksiyon ang kanyang mga mata dahil nahihirapan siyang mag-isip nang tuwid kung nakatingin si Mathias nang ganoon sa kanya.
He was looking at her like he missed her as much as she did. He was looking at her like he wanted her in his arms.
“A-ano ang ginagawa mo rito?” tanong ni Sybilla kahit na hindi niya nakakalimutan na nakatira si Mathias sa penthouse. She doesn’t know why she kept on asking stupid questions.
“Hinihintay kita,” walang anuman nitong tugon bago pinindot ang buton ng elevator.
Hindi gaanong inasahan ni Sybilla ang direktang tugon na iyon mula kay Mathias. “B-bakit?”
He looked at her then he smirked. “Wala na tayo sa ospital, Sybilla. Sa gusaling ito, we’re just neighbors. I think you know why I’m waiting for you.” Bumukas ang elevator at kaagad itong pumasok. Pinindot ni Mathias ang buton upang manatiling bukas ang elevator.
Napalunok si Sybilla. Hindi malaman kung papasok ba siya sa loob ng elevator o hindi. Sumisidhi ang kanyang pagnanais na magpahila na lamang sa puwersang humahatak sa kanya palapit kay Mathias.
“Are you going in or not?” Bakas na bakas sa tinig at mga mata ni Mathias ang paghahamon.
Umiling si Sybilla. Mas maigi nang umiwas. Wala siyang tiwala sa kanyang sarili sa kasalukuyan. Hindi siya maaaring makulong sa loob ng isang makipot na espasyo kasama si Mathias. Hindi niya sigurado kung ano ang maaaring mangyari sa kanila sa loob. Natatakot si Sybilla.
Napapangiti na napapailing si Mathias. Bakas ang dismaya sa mga mata nito. “I never pegged you as a coward, Sybilla. I’m so disappointed.” Inalis na nito ang daliri na nakapindot sa buton. Unti-unting sumara ang pintuan ng elevator.
Hindi pa man ganap na napagpapasyahan ni Sybilla ang gagawin ay naiharang na niya ang kamay sa papasarang elevator. Humakbang siya papasok ng elevator. Mathias smiled in satisfaction. He punched something on the elevator. Her chest heaved in anger. Nais niyang kalmutin ang mukha nito ngunit pinigilan niya ang sarili. How dare he call her a coward!
Nagsimula nang umandar ang elevator. “Wala kang karapatan!” galit na singhal ni Sybilla. Hindi siya nito kilala. Wala itong alam tungkol sa buhay niya, sa pagkatao niya.
Tila hindi apektado si Mathias sa galit na ipinapakita ni Sybilla. Prenteng sumandal ang lalaki sa pader at tumingin sa kanya. He looked so calm and satisfied. He got her where he wanted her.
“You have no right to do this to me! Wala kang karapatang makipaglapit sa akin. Wala kang karapatang guluhin ang sistema ko. Ni wala kang karapatang tignan ako sa ganyang paraan!”
He smirked. “Sa paanong paraan? Sa paraan katulad ng kung paano mo `ko tingnan?”
“Hindi kita tinitingnan!” Maging sa kanyang sarili ay hindi aaminin ni Sybilla ang bagay na iyon.
“Dahil wala kang karapatan?”
Napalunok si Sybilla at hindi kaagad nakatugon sa tinuran ni Mathias. “You’re Corrine’s,” aniya sa munting tinig kapagkuwan.
“I’m not. Hindi na. We’ve broken up.”
“She’s my sister.”
“I know.”
“I can’t look at you. I can’t think about you in a way that’s... I can’t.” Alam ni Sybilla na parang nakikiusap na ang kanyang tinig. Nawala na ang galit sa kanyang boses ngunit nadarama pa rin niya iyon. Hindi niya maamin na mas nagagalit siya sa kanyang sarili dahil pakiramdam niya ay napakahina niyang tao, napakawalang-kuwentang kaibigan at kapatid. Why can’t she resist this man? He was all wrong for her. Maililista niya ang lahat ng mga dahilan kung bakit hindi niya dapat hayaan ang kanyang sarili na maakit kay Mathias Mendoza, ngunit tila lalo lamang umiigting ang panghalina nito sa kanya dahil sa mga dahilang iyon.
Mathias’s eyes turned gentle. Hahakbang sana ang lalaki palapit kay Sybilla ngunit itinaas niya ang kamay upang patigilin ito. Hindi na niya kakayanin kung mas magkakalapit silang dalawa.
“You are the love of her life. Alam mo ba kung gaano katagal ka na niya minamahal, kung gaano katagal ka niya hinintay? Mula nang malaman niya ang depinisyon ng salitang ‘crush.’ Alam mo kung paano gumuho ang lahat ng mga pangarap niya noong magpakasal ka? Kahit na gayon, hindi siya tumigil sa paghihintay. Nagbunga ang lahat ng paghihintay na iyon. She was waiting for you to propose, for pity’s sake! All her life, all she ever wanted is to be your wife.”
“Hindi ako lalaking nararapat para sa kanya,” ani Mathias sa malamig na tinig.
“You bought her a ring! You’re such a jerk!”
“Yes, I bought her a ring. Handa na akong mag-alok ng kasal. Plinano ko na ang lahat. It’ll be on a golf course. Aayusan para magmukhang meadow. Pupunuin ng mga bulaklak. There will be lots of candles. May mga tutugtog ng violin at cello. There will be fireworks. I’m gonna ask her at sigurado ako sa magiging sagot niya.”
“Bakit hindi mo itinuloy?”
“Dahil hindi ako ang tamang lalaki para sa kanya.”
“I can’t believe you.” Hindi na rin niya malaman kung ano ang madarama. May isang bahagi sa kanya ang labis na naaawa sa kapatid. She almost had it. Nais niyang magalit sa katwirang ganoon ni Mathias. Paano nito nasiguro kung sino ang tama para sa kanyang kapatid? Ngunit may bahagi rin sa kanya ang tila nagagalak at nagbubunyi. Lalong sumama ang pakiramdam ni Sybilla. It was confirmed. She was the most horrible sister in the whole world.
“I can’t believe myself either. Corinne is the most perfect. She’s what I’ve always wanted for a wife. She’s perfect.”
“So what happened?”
Mataman siyang pinagmasdan ni Mathias bago siya sinagot. “You. You happened.”
Tumunog ang elevator at bumukas iyon. Hindi iyon gaanong narinig ni Sybilla dahil tila natulig siya sa sinabi ni Mathias. Umiling siya, hindi mapaniwalaan ang anumang narinig mula sa binata. Namali lamang siya ng dinig. O isang panaginip lamang ang lahat ng ito. She had to get away from this man. Nagkukumahog siyang lumabas ng elevator. Huli na nang kanyang mabatid na wala siya sa kanyang palapag. Ibang-iba ang palapag na iyon sa ibang palapag ng gusali. Ang kaagad bumungad sa kanya ay tila foyer at parang wala ng ibang pintuan pa roon.
Shit! This is the penthouse.
Kaagad pumihit pabalik si Sybilla sa elevator. Nakalabas na si Mathias at pasara na iyon. Aabutan pa sana iyon ni Sybilla ngunit hinarang siya ni Mathias.
“You’re not running away from me,” anito sa mariing tinig.
Pilit siyang nagpumiglas ngunit mientras na nagsusumikap siyang makawala ay lalo lamang humihigpit ang braso nitong nakapaikot sa kanyang baywang.
“Let me go,” wika ni Sybilla habang patuloy sa pagpupumiglas. “This is harassment.”
Isinandal siya ni Mathias sa pader. She gasped when he grabbed her wrists and pinned them on the wall. Akmang sisipain niya ito ngunit hindi niya naituloy dahil idiniin ni Mathias ang katawan sa kanya. Dinig na dinig niya ang malakas na kabog ng kanyang dibdib. Nanlalaki ang mga matang napatingin siya kay Mathias.
Napalunok nang sunod-sunod si Sybilla. May bahagi sa kanya ang nais magpumilit makawala ngunit mabilis iyong nasasakop ng bahagi na nais nang bumigay. She was helpless anyway. Mas madali yatang pagbigyan ang sarili.
“Harassment? Really?” Ibinaba nito ang mukha sa kanya, malinaw ang intensiyong gawin.
“You’re her ex,” aniya bago pa man ganap na maglapat ang kanilang mga labi.
Natigilan si Mathias. Gahibla na lang ang pagitan ng kanilang mga labi.
“You’re not just an ex. You are the ex.”
Bahagyang bumalatay ang kalituhan sa mga mata ni Mathias. Hindi marahil nito gaanong naintindihan ang kanyang sinabi. Pinagkiskis nito ang kanilang mga ilong. Wala sa loob na naipikit ni Sybilla ang mga mata. That gesture felt so good, so sweet.
Kapagkuwan ay unti-unti siyang pinakawalan ni Mathias. Dahan-dahan itong lumayo sa kanya. Kaagad nakadama ng kahungkagan si Sybilla. Nais niya itong hilahin palapit, tawirin ang lahat ng distansiyang naghihiwalay sa kanila. Naitanong niyang bigla sa sarili kung ano ba talaga ang mali sa sitwasyon.
“Sa palagay mo ba ay hindi ko ito nilabanan? Sa palagay mo ba ay hindi ko iniisip ang mga bagay na mali sa sitwasyon na ito? Are you really thinking I’m a heartless cruel man who just tossed your sister aside so I could pursue you? Hindi pa kita ganap na kilala, Sybilla, at wala pa siguro akong karapatang sabihin ito pero I kinda know your type. At minsan na akong napaso sa babaeng katulad mo. What I need is a Corrine. I know that. But I have to think of her. Am I the perfect man for her? Maibibigay ko ba ang kanya ang lahat ng nararapat, ang buong puso ko? Ang buong ako?”
Sinalubong ni Mathias ang kanyang mga mata, tila naghihintay ng sagot mula sa kanya. Ibinuka ni Sybilla ang bibig ngunit walang anumang salitang namutawi. Was she supposed to know the answer to that?
Nilapitan uli siya ni Mathias at niyuko. “Mula nang makilala kita, hindi ka na nawala sa aking isipin. Ginulo mo ang tahimik at organisado kong mundo. Ipinadama mo sa akin ang mga bagay na hindi ko nadarama sa ibang babae—sa unang pagkikita pa lang. I tried to stay away. I really, really tried. Pero mientras na lumalayo ako, parang mas lumalakas ang hatak sa akin ng puwersa palapit sa `yo. Mientras na sinusubukan kitang kalimutan, lalo lamang kitang naiisip. Mientras na nilalabanan ko, lalo lang sumisidhi ang nararamdaman ko. Mientras na lumalayo at tumanggi ka, lalong nagniningas ang kagustuhan kong maangkin ka. Kahit na gaano ka kabilis tumakbo, hahabulin kita at sisiguruhin kong aabutan kita, maaangkin. That’s not a conscious choice, Sybilla, it’s something I have to do or I’ll lose my mind. I have to have you.”
Napalunok nang sunod-sunod si Sybilla. Parang sasabog na ang kanyang dibdib. Hindi na niya mapangalanan ang mga damdaming umaalipin sa kanya. Namamangha, nagugulumihan, naliligayahan, nalulungkot, nangangamba at natatakot siya. Hindi niya masiguro kung anong emosyon ang kanyang unang pakikitunguhan. Mathias’s eyes were smoldering with desire and seriousness. He really wanted her.
I want you, too!
Ipinilig ni Sybilla ang ulo. Hindi siya magpapadaig sa kanyang nadarama. Hindi niya hahayaan na matupok siya ng makasalanang apoy. Hinawakan ni Mathias ang kanyang baba at bahagyang iniangat ang kanyang mukha upang maghinang ang kanilang mga mata. Nanlambot ang mga tuhod ni Sybilla. Kanyang nadarama ang unti-unting pagbigay ng kanyang kontrol. Nanlalabo ang kanyang isipan. Unti-unti niyang nakakalimutan ang mga dahilan kung bakit hindi siya maaaring magpatukso sa lalaking ito.
“You can fight this as long as you want, as hard as you can, love. But I’m done fighting. I’m giving in, Sybilla.”
Pagkasabi niyon ay mabilis nitong ibinaba ang mukha at sinakop ng mga labi nito ang kanyang mga labi. Nanlaban si Sybilla sa loob lamang ng limang segundo. Ganoon lang tumagal ang coherent thoughts sa kanyang isipan. She decided to just give in. She opened her mouth and kissed Mathias back. Hindi niya pinigilan ang sarili. She kissed him with equal fervor. Umakyat ang kamay niya sa leeg nito nang pumaikot ang mga braso nito sa kanyang baywang at hinapit siya palapit. Halos wala nang madaanan ang hangin sa pagitan nilang dalawa. Pumaloob ang kanyang mga daliri sa buhok ni Mathias. Nang makipaglaro ang dila nito sa kanyang dila ay napasabunot siya sa buhok nito.
Noon lang naranasan ni Sybilla na mahagkan nang ganoon. She was kissing him frantically. Tila hindi na siya magkakaroon ng ibang pagkakataon. Tila iyon na ang una at huli. It was like her life was depended on it. There were too much heat and passion.
Natutupok si Sybilla at gustong-gusto niya ang pakiramdam. Sa palagay niya ay ganoon din si Mathias. He was kissing her like he owned her. He was kissing her like he had to, na tila mahihirapan itong panatilihin ang katinuan ng isipan kung hindi matitikman ang kanyang mga labi. Hinahagkan siya nito na tila matagal na siya nitong hinintay.
Ayaw pa sana ni Sybilla na tumigil sila, ngunit kailangan na rin nilang huminga. Tila sasabog na ang kanyang dibdib. Pinagdikit ni Mathias ang kanilang mga noo habang kapwa sila naghahabol ng hininga. Tumingin si Sybilla sa mga mata ni Mathias. His eyes were dark with lust. Kahit na hindi niya kasalukuyang nakikita ang sarili, alam niyang ganoon din ang anyo ng kanyang mga mata. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mukha—ng kanyang buong katawan—kaya naman nasisiguro niyang namumula din siya.
Halos wala sa loob na ipinaraan ni Sybilla ang dila sa ibabang labi. Tila nararamdaman pa rin niya ang mga labi ni Mathias roon. Tila natitikman pa rin niya si Mathias. Napatingin siya sa mga mata nito nang marinig ang pagpapakawala nito ng ungol. Mathias’s head swooped down then took her lower lip. Banayad nito iyong kinagat. Hindi na rin napigilan ni Sybilla ang pagpapakawala ng banayad na ungol.
“God, you’re the sexiest,” anito sa tinig na bahagyang namamaos. Bago pa man makatugon si Sybilla ay muli nitong sinakop ang kanyang bibig. Mas banayad ang halik na iginawad nito sa kanya sa pagkakataong iyon. Hindi na gaanong prantiko, hindi na nagmamadali. Tila ninanamnam na lang nito ang tamis ng kanyang mga labi.
Wala nang nagawa si Sybilla kundi ang magpaubaya at tumugon. Hindi na muna niya hinayaan ang sarili na mag-isip. Wala muna siyang naging pakialam sa kung ano ang tama at mali. Pagbibigyan muna niya ang sarili. Hahayaan muna niyang madama ang kaiga-igayang pakiramdam na dulot ng mga halik ni Mathias.
Hindi nagtagal ay naging madiin din ang banayad na halik. Nag-alab. Nag-apoy. Mariing naipikit ni Sybilla ang mga mata habang naglalakbay pababa sa kanyang leeg ang mga labi ni Mathias. Hindi maipaliwanag na masarap na kiliti at sensasyon ang ipinapadama sa kanya ng mga labi nito. He pushed his hips against hers and she just melted. Muling napasabunot ang kanyang mga daliri sa buhok nito.
Nag-angat ng ulo si Mathias at tumingin sa kanya. Malinaw kung ano ang nais nito mula sa kanya. Malinaw na hindi lamang sila matatapos sa halik lamang. His eyes promised her a good, raw and primal s*x. She knew Mathias wouldn’t be like most of the men she had recently been with. s*x with him wouldn’t be an effort. It would be so easy to be with him.
Hinawakan ni Mathias ang kanyang kamay. Unti-unting umatras habang hila-hila ang kanyang kamay. Hindi nagpatangay si Sybilla. Nang tumingin sa kanya si Mathias ay dahan-dahan niyang iniiling ang kanyang ulo. Hindi pa rin siya lubusang nakakalimot. Nahiling niyang sana ay ganap siyang hindi na nakakapag-isip. Tila mas madaling magpatangay sa agos, mas madaling magpatupok sa apoy. Tila mas madaling pagbigyan ang sarili. Ngunit ano ang mangyayari pagkatapos?
Waring hindi malaman ni Mathias kung mapapangiti o maiinis sa kanya. “You can’t just give in, can you?”
Hindi sumagot si Sybilla, bumitiw na lang siya sa kamay nito. Tinalikuran niya si Mathias at hinarap ang elevator. Mabigat ang kanyang loob. Ayaw ng kalooban niyang lumayo ngunit pilit na iginiit ng kanyang isipin na iyon ang tama sa ngayon. Pinindot niya ang buton ng elevator bago pa man niya muling maiwala ang kontrol at kumbiksiyon.
“Ninety-six twenty.”
Nagtatakang nilingon ni Sybilla si Mathias. “A-ano?”
Inulit nito ang sinabi. “Elevator code to get in here. I’ll be waiting for you, love.”
“Huwag mong gaanong asahan, Mathias,” ani Sybilla kahit na kulang siya sa kumbiksiyon. Hindi siya nakakasiguro na hindi niya gagamitin ang code na iyon upang makaakyat muli sa palapag na ito.
Bumukas ang elevator at mabilis na pumasok sa loob si Sybilla, natatakot na magbago ang kanyang isipan.
“Umaasa ako at naghihintay, Sybilla,” anito bago sumara ang elevator.
Nanghihinang napasandal si Sybilla sa pader ng elevator. Nanghina siya sa relief. Nais niyang matuwa dahil nagawa niyang lumayo at tumanggi. Bumigay pa rin siya ngunit hindi ganap. Kinokonsola niya ang sarili sa kaalamang iyon. Masasabi pa rin niya sa kanyang kapatid na hindi siya nagtaksil—hindi siya ganap na nagtaksil.
Talaga? Tuya ng isang bahagi ng kanyang isipan. Hindi pa nga ba siya nagtataksil?
Ang isang bahagi naman ng kanyang isipan ay kumbinsidong hindi siya nagtataksil, wala siyang ginagawang masama. Kung kaya lang sana niyang pakinggan at paniwalaan ang bahaging iyon.