“THEY’VE broken up. But you should really feel bad about it. He’s the ex.” Napabuntong-hininga si Sybilla sa narinig mula kay Johanna. Magkausap sila sa Skype. Hindi siya makatulog at abala man ang kaibigan sa pagpeprepara sa kasal nito ay napaglaanan siya nito ng panahon. Labis siyang nagpapasalamat dahil kailangan na kailangan talaga niya ng makakausap, ng isang kaibigan. Sa pagkakataong ito ay hindi niya maaaring tawagan si Corrine at maghinga ng saloobin. Her sister might kill her if she knew what she did. “Ano ang gagawin ko, Johanna? I can’t seem to take that man out of my system. Iyong urge na sumakay sa elevator at magtungo sa penthouse ay mas lumalakas habang pinipigilan ko ang sarili ko. What is happening to me, Johanna? I’ve never been attracted this much to a guy, to a human

