NAGMAMADALING lumabas ng unit niya si Sybilla nang umagang iyon. Naghihintay na sa baba ang ipinatawag niyang taxi. Ayaw niyang mahuli sa trabaho. Wala siyang ganang magmaneho nang araw na iyon kaya magta-taxi na lamang siya. She impatiently tapped her shoes while waiting for the elevator to open. Hindi gaanong maganda ang pakiramdam ni Sybilla. Wala siyang gaanong tulog. Ngunit sanay siya sa puyat kaya hindi ang kakulangan ng tulog ang dahilan ng hindi maganda niyang pakiramdam. Bumukas sa wakas ang elevator. Hindi makahakbang papasok si Sybilla nang makita kung sino ang solong okupante niyon. Walang iba kundi ang lalaking gumulo sa kanyang isipin. Ang lalaking lumigalig sa kanya sa magdamag. Si Dr. Mathias Mendoza. Kaagad siya nitong nginitian pagkakita sa kanya. “Wow. We should stop

