ISANG babaeng may maaliwalas at palakaibigang mukha ang sumalubong sa kanila sa opisina ni Mathias. Sa tantiya ni Sybilla ay nasa mid-twenties ang babae. Hindi niya ito nakita noong unang beses siyang magtungo sa opisina ni Mathias. Kinuha nito ang satchel ni Mathias kasabay ng pag-abot ng white coat. “Doctor Torress, I believe you haven’t met my very efficient administrative assistant, Cristina. Tinay, you probably already saw Doctor Torres’s file.” Nginitian ni Sybilla si Cristina. Nang gumanti ng ngiti ang assistant ay mas naging maaliwalas at palakaibigan ang mukha nito. “Ikinagagalak ko po kayong makilala,” wika nito sa magalang na tinig. “Wala po ako rito noong nag-umpisa kayo dahil sa wakas ay nabigyan ako ng bakasyon. Madalas na ako ang nag-o-orient ng mga bago.” Pagkasabi niyon

