19

1678 Words

“HINDI MO sinagot ang tanong ko kanina.” Napatingin si Sybilla kay Mathias na umupo sa kanyang tabi. Katatapos lang ng operasyon nila. Stable ang pasyente. Naupo siya sa isang gurney na nakaparada sa deserted hallway at nagpapahinga sandali. Pareho sila ni Mathias na nakasuot pa rin ng surgical scrubs, ngunit wala ng cap na nakasuot sa ulo. Nakagat ni Sybilla ang ibabang labi habang ibinabaling ang tingin sa ibang direksiyon. Hindi niya matagalan ang tingin kay Mathias. He was just too sexy to look at. Magulo ang buhok nito na lalong nagpatingkad ng alindog nito. It hurt to just look. Nais niyang humaplos, humalik. Malala na siyang talaga. “A-anong tanong?” tanong ni Sybilla. Marami silang napag-usapan kanina sa Operating Room at sa palagay ni Sybilla ay mas nakilala nila ang isa’t isa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD