8

2614 Words
NANG sumunod na araw ay bisita ni Sybilla si Corrine. Kaagad niyang napansin ang pagbagsak ng bigat ng kapatid. Kapansin-pansin din ang kamiserablehan sa mga mata nito. Corrine’s aura dimmed. Hanggang ngayon ay iniinda pa rin nito ang pakikipaghiwalay ni Mathias. Hindi pa rin matanggap ng kanyang kapatid na natapos na lang nang ganoon ang happy ever after nito. Dahil sa nakikitang anyo ng kapatid, sumiklab ang galit ni Sybilla para kay Mathias. Bakit nito ginawa ang bagay na iyon kay Corrine? Her sister didn’t deserve this from him. Walang ibang naging buhay si Corrine kundi ang mahalin ang lalaking iyon at paghihirap ng kalooban ang isinukli nito. Noong unang linggo ng paghihiwalay ng dalawa, panay-panay ang pagtawag sa kanya ni Corrine. Kahit na abala si Sybilla sa trabaho, ginagawan niya palagi ng paraang makapag-usap sila. Pinakinggan niya ang pagtangis ng kapatid. Pinakinggan niya ang paulit-ulit nitong pagsasabi kung gaano nito kamahal si Mathias at kung paanong hindi na nito kakayaning magmahal muli, magmahal ng ibang lalaki. Wala siyang gaanong sinabi kundi comfort words. Hindi niya pinigilan ang pag-iyak nito. Hindi niya sinabi na marami pang lalaki sa mundo. Hinayaan lamang niya na maramdaman nito ang sakit. Sa palagay ni Sybilla ay mas makabubuti ang ganoon. Hinayaan na rin ni Sybilla ang sarili na isipin si Mathias. Galit na galit siya sa lalaki. Hindi maipaliwanag ang nadarama niyang galit mula nang malaman niyang nakipaghiwalay ito kay Corrine. Nangako siya na gagawan niya ng paraan upang mailabas niya ang galit na iyon. Alam ni Sybilla na magkakatrabaho silang dalawa sa hinaharap. Hindi niya nakakalimutan na si Dr. Mathias Mendoza ang chief of surgery sa DRMMH. Ngunit desidido pa rin siyang magalit. She’s a professional. Naniniwala siya na kaya niyang paghiwalayin ang personal na buhay at trabaho. Hindi naman niya planong magalit kay Mathias habang nasa ospital sila. Maaari niya iyong gawin pagkatapos ng duty niya. Kaagad na yumakap si Corrine sa kanya pagpasok nito sa loob ng bahay. Ipinahanda na ng kanyang ina ang lahat ng paborito nitong pagkain. Ngunit kahit na puro masasarap ang nakahain ay halos hindi mapakain si Corrine. “`Wanna get drunk?” nakangiti niyang pagyayaya hindi pa man natatapos ang pagkain. Sinimangutan si Sybilla ng kanyang ina. Nananaway ang paraan ng pagtingin nito sa kanya. Hindi niya ito pinansin, ibinaling niya ang tingin kay Corrine na bahagyang gumuhit ang ngiti sa mga labi. “I can, right? I can get drunk,” sabi ng kapatid sa munting tinig. “Sybilla, huwag mong bigyan ng kung ano-anong ideya ang kapatid mo,” anang kanyang ina bago pa man makatugon si Sybilla. “Hindi naman po kami lalabas, dito lang sa bahay. Saka dito naman po matutulog si Corrine kaya okay lang,” tugon ni Sybilla sa sinabi ng ina. “Tanghali pa lang,” nangongondena na ang tinig ng ina. “Gusto ko pong maglasing, Tita,” sabi ni Corrine. “Baka sakaling mamanhid ako at hindi makaramdam ng sakit kahit na sandali lang.” Tila may malaking kamay na bakal na mariing pumisil sa puso ni Sybilla. Hindi niya mabakas ang Corrine na puno ng buhay at sigla. Ang Corrine na puno ng pag-asa at magandang pangarap. Lalo siyang nagalit sa lalaking may kagagawan niyon. Wala nang nagawa ang ina ni Sybilla kundi ang sumang-ayon. Sa silid ni Sybilla nagtuloy ang magkapatid. Bitbit niya ang tatlong bote ng tequila at bitbit naman nito ang shot glasses, lemon, asin, at chips. Plano na talaga niyang lasingin si Corrine pag-uwi niya sa Pilipinas kaya nag-uwi siya ng pinakamagandang klase ng tequila. Skeptical ang ekspresyon ni Corrine nang makita ang mga bote ng tequila. “You’ll be so sorry in the morning,” nakangiting sabi ni Sybilla. “Hindi ko ba siya maiisip sa sobrang lala ng hangover?” Tumango si Sybilla. “Wala kang ibang iisipin kundi ang sarili mo, kung paano palilipasin ang hangover.” “It’ll numb the pain.” Muling tumango si Sybilla. “Ibang paghihirap ang kakaharapin mo.” Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Corrine. “That worked for you?” “I can’t afford tequila the first time. Kaya gin ang tinungga ko. Dalawang kuwatro kantos. Maghapon akong nagsuka nang sumunod na araw. Inabot ng tatlong araw bago tuluyang nawala ang pakiramdam na parang binibiyak ang ulo ko. Ipinangako ko noon na hindi na ako iinom. Hindi na ako magpapakalasing. It’s not worth it. He’s never worth the pain. But then I’ve met tequila.” Mataman siyang pinagmasdan ni Corrine. Nanatili ang ngiti sa mga labi ni Sybilla. Malapit silang dalawa ngunit may mga bagay siyang itinago sa kapatid. Hindi naman sa sekreto iyon na hindi maaaring sabihin sa iba. Kaya naman niya kung tutuusin. Hanggang sa maaari lamang ay ayaw na niyang balikan ang nakaraan. Ayaw na niyang alalahanin ang mga nakaraang pag-ibig na walang ibang idinulot sa kanya kundi pait. Mga karanasang nagpabatid sa kanya na maaari siyang maging istupida kung hindi siya mag-iingat. Naupo sila sa makapal na carpet sa paanan ng kama ni Sybilla. Nakaharap sila sa sliding door ng balkonahe kung saan matatanaw ang isang magandang tanawin. Sa loob ng kalahating oras ay tahimik lang silang magkapatid, panaka-nakang umiinom. Kapagkuwan ay nagpatugtog si Corrine gamit ang cell phone. Isang kanta lang ang paulit-ulit na tumutugtog. Fools Like Me ni Lisa Loeb. Hindi nagtagal ay sinasabayan na ni Corrine ang kanta. “...Love was surely made for fools like me! Fools like me!” Sinabayan ni Sybilla sa pagkanta si Corrine. “And love was surely made for fools like me. Fools like me!” Pagkatapos ng hindi mabilang na pag-uulit ng kanta, tumigil si Corrine at tumingin sa kawalan. Kapagkuwan ay napabulalas na lang ng iyak ang kapatid. Inabot ni Sybilla ang cell phone at pinatay. Hinayaan lang muna niya sa pag-iyak si Corrine. Hindi na muna siya umimik. Parang mariing pinipisil ang kanyang puso sa naririnig na pagtangis nito. “Am I allowed to say bad things about him?” tanong ni Sybilla sa seryosong tinig nang isandig ni Corrine ang ulo sa kanyang balikat. Sa mga nakaraan nilang pag-uusap, pinakinggan lamang niya ang mga kuwento ni Corrine. Hinayaan lang niyang mailabas nito ang lahat ng nadarama nito. Pinigilan niya ang sarili kahit na kating-kati na ang dila niya. Naramdaman ni Sybilla ang pag-iling ni Corrine. “Best not. I’d probably defend him. Maiinis ka sa akin at maiinis ako sa `yo. Mag-aaway lang tayo at lasing na ako.” Napangiti kahit na paano si Sybilla. “Lemme just say one thing. He’s an asshole.” Corrine sniffed. “He’s not.” “He is.” “He’s not. Ang sabi niya, para sa ikabubuti ko ang paghihiwalay namin. Hindi raw siya ang tamang lalaki para sa akin. Hindi maaaring makulong ako sa isang maling relasyon. Hindi ko mahahanap ang lalaking para talaga sa akin kung patuloy ko siyang mamahalin. See? Hindi siya asshole. Concern siya sa akin.” Hindi malaman ni Sybilla kung matatawa siya o maiinis. “Hindi ko malaman kung kukutusan kita o sasampalin, Corrine.” “I know, right? I am hopeless.” “You’re not. It’ll pass.” “You think? I don’t think so. I’ve been loving him since forever. I wanna love him forever. I will love him forever. Paano niya nasabi na hindi siya ang lalaking para sa akin kung ganoon ang nararamdaman ko?” “Nagmamarunong, eh, ano? Siguro ay maaayos pa ang lahat. Baka mahimasmasan siya isang araw.” Hindi niya nais sabihin ang mga iyon, ngunit alam ni Sybilla na kailangan pa iyong marinig ni Corrine mula sa kanya ngayon. “Naisip ko na `yan. Umasa na ako riyan. Naghintay. Pero hindi siya gumagawa ng paraan. He stopped taking my calls. He stopped replying on my text messages.” Marahas na nagpakawala ng buntong-hininga si Corrine. “I know the stages of grief. Sa palagay ko ay nasa denial stage pa rin ako dahil hindi ko magawang magalit sa kanya. I keep on waking up in the morning hoping that is the day he calls and tells me he made a huge mistake and he really wanna be with me. Minsan ay nagigising ako na nakakalimutang hindi na kami. Awtomatiko kong aabutin ang cell phone para mai-text siya ng magandang umaga at I love you.” Humikbi si Corrine. “Ano ang nagawa ko, Sybilla? Ano ang hindi ko nagawa? Ano ang kulang? Kasi pakiramdam ko ay naibigay ko na ang lahat kay Mathias.” “Huwag mong kuwestiyon ang sarili mo. Ibinigay mo ang lahat, ang nararapat. It’s his lost. Hindi niya alam kung gaano kaganda at kahalaga ang babaeng pinakawalan niya.” “I know. I should’ve had s*x with him.” Sinalinan ni Corrine ang shot glass nito at kaagad na tinungga. “Ang sabi ng mga kaibigan ko, ang tanga-tanga ko kasi nagpaka-virgin ako samantalang off the chart ang hotness ng boyfriend ko. I know, right? I was just so stupid.” “No, you’re not. Huwag mong iisipin ang ganoon. You love yourself. If he couldn’t respect that then he’s a bigger asshole than I originally thought.” “No, he respects me. He respects me so much. Way too much. Bakit, sa palagay mo ba ay hindi ko naisip na ibigay na sa kanya ang virginity ko? Million times. Sa loob ng dalawang taon na nagkasama kami, ganoon yata karaming beses na inasam kong angkinin niya ako. You can’t blame me, sis. You’ve seen him, met him. He’s intense.” Tinungga na lang ni Sybilla ang bote ng tequila. Ayaw niyang alalahanin kung gaano ka-intense si Mathias. Naniniwala siya na inasam ni Corrine na maangkin ni Mathias ngunit hindi siya naniniwala na hindi nangahas si Mathias. “You know, Mathias is a passionate person. He’s passionate about being a doctor, in helping other people. He’s passionate about his family. He’s passionate about everything. Everything except with me. He was never passionate about me. He’s so tender when he kisses me. He never devoured me, kagaya ng inaakala ng marami. Oh, oh! Minsan ay naging passionate siya. Naniwala talaga ako na mapipilas na nang gabing iyon ang hymen ko. Sa Baltimore, noong bumisita kami sa `yo. Pagkatapos ng dinner, inihatid niya ako sa hotel room ko. He kissed me. He kissed me the way he never did before. Dalang-dala na ako. Wala na akong pakialam kahit na ipinangako ko sa sarili ko na ibibigay ko lang nang buo ang sarili ko sa gabi ng aming kasal. I love him and I will give him my all—heart, body, soul. But he suddenly stopped. Bago pa man ako makapagtanong ay nakalabas na siya sa silid ko.” Tahimik na tumungga si Sybilla ng tequila. Nailarawan niya sa kanyang diwa ang eksenang sinasabi sa kanya ni Corrine at biglang sumama ang kanyang pakiramdam. Mas sumama ang kanyang pakiramdam nang ipaalala niya sa sarili na wala siyang karapatang makaramdam ng kahit na ano. Nagdurusa ang kanyang kapatid. Ilang sandali munang natahimik si Corrine bago nagpatuloy. “Sa palagay ko ay doon nagsimula ang pagbabago. Hindi ko kaagad napansin o naisip, pero parang may nagbago sa kanya mula nang bisitahin ka namin.” Napalunok si Sybilla. Sinabi niya sa sarili na wala siyang kinalaman sa nangyari kina Corrine at Mathias. Hindi siya ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa. Sadyang hindi iyon maaari. Wala namang namagitan sa kanila ni Mathias. Kamuntikan lamang maglapat ang kanilang mga labi ngunit hindi naman natuloy. Ayaw niyang bigyan ng ibang kahulugan ang lahat. Ngunit bakit hindi niya mapigilan ang pagsalakay ng guilt sa kanyang buong pagkatao? “There was really a ring, you know. He bought me a ring.” Inilabas ni Corrine mula sa bulsa ang isang velvet jewelry box, binuksan iyon, at ipinakita sa kanya ang laman. It was a beautiful ring. Makinang na makinang. Bukod sa malaking diyamante, napapalibutan din ng mumunting diyamente ang buong circumference ng singsing. Bagay na bagay kay Corrine. “Beautiful, isn’t it?” Halos wala sa loob na tumango si Sybilla. Mas nahihirapan siyang huminga habang lumilipas ang bawat sandali. “Muntik na, Sybilla. Muntik-muntik na. Abot-kamay ko na ang happy ever after ko. Heto na, may singsinga na ako.” “He’s cruel.” Wala nang ibang masabi si Sybilla. Mathias Mendoza must be the most cruel man in history. “No. I asked about this ring. Ibinigay niya pa rin sa akin dahil binili niya itong talaga para sa akin. I can do whatever I wanna do with it. Ibinigay niya pero hindi niya sinambit ang mahiwagang tanong.” Naglandas ang luha sa pisngi ni Corrine. Malinaw na nakikita ni Sybilla ang pighati sa anyo ng kapatid. Niyakap ni Sybilla si Corrine. “It’s going to be all right.” Iyon lamang ang tangi niyang nasabi. Wala siyang ibang maisip. Alam din naman niya na walang kahit na ano pang bagay na maaari niyang sabihin upang maglubag ang kalooban nito. “Tinanong ko kung bakit nagbago ang isipan niya. Alam mo ang sabi niya? Ang sabi niya I’m the perfect wife material. I am his dream come true. I am what he wanted for a wife. But he realized he’s being unfair to me. Because he realized he’s not the perfect partner for me. He cannot be my better half. Pakiramdam daw niya ay ginagamit niya ako para magkatotoo ang isang pantasya. He realized he doesn’t love me the way I love him. He said he won’t let me settle for anything less. I deserve someone better.” “Bastard,” she muttered. Hindi malaman ni Sybilla kung paano nasasabi ng mga lalaki ang ganoong bagay sa mga babae. “He’s being honorable.” “Oh, stop defending him!” naiinis na bulalas ni Sybilla. “He thinks he’s being honorable.” “He’s full of s**t. You deserve someone better? Yeah. Definitely!” “I wanna hate him for making a decision for me. It was not just his choice to make. I get to have a say, `di ba? Pero gaga ako, hindi ko magawang magalit kahit na ano ang gawin ko. Hindi matabunan ng anumang damdamin ang pagmamahal ko sa kanya.” “He’s stupid, Corrine. Pagsisisihan niya buong buhay niya ang naging desisyon niyang ito.” “Everyone believed we’re gonna end up together. Imagine Lolo’s disappointment when he learned about the breakup. Galit na galit siya. Mula’t sapul, nais na niyang maikasal ako sa isa sa mga Mendoza. He’s so frustrated and disappointed. He said it was my fault and he’s right. I’m never good enough.” “Shhh... Don’t say that. You are perfect, Corrine. Palagi mong paniniwalaan ang bagay na iyan. You are the most perfect.” Sinsero si Sybilla sa pagsasabi niyon. Totoong naniniwala siya na perpekto ang kanyang kapatid. “Maybe that’s the problem. I’m too perfect. And perfection’s boring. Perfection’s never exciting.” “You are perfect,” pag-uulit ni Sybilla. “You are perfect and exciting.” “No, Sybilla. You are the one who’s perfect and exciting.” Hindi iyon pinaniwalaan ni Sybilla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD