SABAY SILANG pumasok sa ospital nang araw na iyon. Hindi na tumanggi si Sybilla nang sabihin sa kanya ni Mathias na magkasama silang papasok at uuwi sa araw na iyon. Masaya silang nagkuwentuhan habang nasa daan ngunit pagtapak nila sa loob ng ospital ay pareho silang dumistansiya sa isa’t isa. Kahit hindi nila pag-usapan, alam nilang hindi sila maaaring magpahalata na may namamagitan sa kanila sa loob ng ospital. Nagtungo si Mathias sa opisina nito at nagtungo naman si Sybilla sa kanyang mga pasyente. Sybilla had been busy that day. Ine-refer sa kanya ang isang pasyente na may end-stage heart failure. The patient was a fifteen-year-old girl. She needed a transplant. Kinailangang magtungo ni Sybilla sa opisina ng Chief para sa paperworks. Noong una ay kinabahan siya ngunit nang pormal si

