NAGTULOY sila sa penthouse ni Mathias pagkatapos ng pagtitipon. Kaagad dineretso ni Sybilla ang glass wall habang isinasara ni Mathias ang pintuan. Inalis niya ang wrap sa kanyang balikat at hinayaang malaglag iyon sa sahig. Hinubad na rin niya ang high heels na suot. Kanina pa nagrereklamo ang kanyang mga paa. Mula sa repleksiyon sa salamin, nakita niyang nasa likuran na niya si Mathias. Nahubad na nito ang coat at kasalukuyang kinakalag ng mga kamay nito ang bow tie. Nakikita niya ang mga mata nitong mainit na nakatingin sa kanya. He wanted to devour her. Sybilla’s legs went weak and it had nothing to do with her high heels. The smoldering eyes sent shivers down her toes. Pinaharap siya ni Mathias at siniil ng mainit na halik ang kanyang mga labi. Noong una ay banayad ang paraan ng pag

