Halos magkapanabay silang tumayo mula sa pagkakaupo. Inabot ni Mathias ang isang pulang folder at inabot sa kanya. “That’s the orientation packet.”
“Thanks,” tipid niyang tugon matapos iyong tanggapin.
Binuksan nito ang pinto at pinauna siyang lumabas. Inakala ni Sybilla na makakalma siya kahit na paano paglabas nila sa silid, ngunit hindi ganoon ang nangyari. Mas lumala ang tensiyon na kanyang nadarama dahil mas magkalapit silang dalawa ni Mathias.
“Should I tell you the history of DRMMH?” tanong ni Mathias habang naglalakad sila sa pasilyo. “Alam kong alam mo na ang history ng great grandfather ko at great grandfather mo. But I can indulge you. Baka may mga nais ka pang malaman?”
Tumango si Sybilla. “I’ve memorized it by heart. Why don’t you tell me about the cardio department instead?”
“Has it always been cardio for you?” tanong nito sa halip na sagutin nang direkta ang kanyang tanong. “Hindi ka ba nag-consider ng ibang specialty? Neuro is badass.”
“Has it always been cardio for you, Chief?” balik-tanong ni Sybilla. Maaari niyang sagutin ang tanong na iyon ngunit pakiramdam ni Sybilla ay mailalantad niya ang sarili. Nais niyang si Mathias muna ang maunang maglantad sa kanya. Naalala niya ang sinabi ni Corrine. Mathias was a passionate man.
Banayad na natawa si Mathias. Kumislot ang puso ni Sybilla. She thought his chuckle was the most wonderful sound in the world.
“Yes, it had always been cardio for me,” wika ni Mathias. “I didn’t consider other specialties. My mother died giving birth to me. She had a weak heart. Sinabi ng mga doktor na hindi kakayanin ng puso niya kung itutuloy niya ang pagbubuntis sa akin, pero mas pinili niyang ibigay ang buhay para maisilang ako. My father died of a heart attack even before I enter med school. So, only cardio for me.”
“Oh. Sob story.”
“Yeah. Kinda. So what about you? What’s your sob story? Why cardio?”
“I’m amazed at the human heart. It’s so fascinating. I love the human heart. I love the shape, the color, and its function. It pumps blood twenty-four seven. Hindi napapagod, hindi basta-basta tumitigil. Ang perception ng mga karaniwang tao, weak ang human heart. Vulnerable organ. Stupid organ. They don’t realize how tough the cardiac muscles are. They don’t know how smart it is, how badass it is.” Nilingon niya si Mathias at natagpuan niyang mataman na nakatingin sa kanya ang lalaki. “No sob story.”
“Impressive.”
“Thanks.”
Nilubayan siya ng mga mata nito at tumingin sa paligid. Hindi gaanong namalayan ni Sybilla na nasa nurses’ station na sila. “So the sixth, the seventh floor, and the eight floor of this building are the surgical floors. Nasa seventh floor ang Operating Room. Narito sa palapag na ito ang mga silid at ward para sa pre-ops at post-ops. Nasa eighth floor ang peds, research facilities, skills lab, and lounges.” Iginiya siya nito patungo sa elevator.
“Can we take the stairs instead?” hiling ni Sybilla. Sa kanyang palagay ay hindi niya kakayaning makulong sa isang elevator kasama si Mathias kahit na sandaling-sandali lang. “Pupunta tayo sa Operating Room, hindi ba? Isang palapag lang naman.”
“Sa eight floor kita dadalhin. Unahin natin iyon dahil kakailanganin mong magpalit upang malibot ang seventh floor.”
“Dalawang palapag lang naman. Let’s take the stairs. It’s good for the heart.”
Bumaba ang mga paningin ni Mathias sa kanyang mga paa. Suot niya ang isang pares ng itim na Louboutin pumps. Talagang isinuot niya ang particular na sapatos na iyon dahil napapaganda niyon nang husto ang kanyang mga binti pati na rin ang kanyang tindig. “Which way, Doctor Mendoza?”
Sybilla had spent almost all her life in running shoes and sneakers. Bihira siyang magsuot ng high heels ngunit kakayanin niyang akyatin ang dalawang palapag. It will be good for her heart. And sanity.
Inilahad ni Mathias ang kamay sa direksiyon ng hagdanan. Nagpatiuna na si Sybilla. Hindi sumabay sa kanya si Mathias, nanatili ang lalaki sa kanyang likuran kahit na habang paakyat na sila. Ramdam niya ang mga mata nito sa kanyang likuran.
Nais niyang lumingon ngunit pinigilan niya ang sarili. Ibinaling niya ang atensiyon sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa ilang protocol ng ospital. Sinagot naman siya ni Mathias.
Pagdating sa eighth floor ay tumabi at sumabay na sa paglalakad si Mathias. Una nilang pinuntahan ang pediatric department. Doon nananatili ang mga pediatric surgical cases. Napansin ni Sybilla na kaagad nag-iba ang atmospera pagpasok nila. Napatingin ang mga nurse sa gawi ni Mathias at napuno ng paghanga ang mga mata. Ang ilang lalaking nurse at doktor ay napatingin din. Nalangkapan ng respeto ang paghanga sa mga mata ng mga ito. Waring naging alerto rin ang bawat isa. Kaagad niyang natanto na lider ngang tunay si Doctor Mathias Mendoza. He evokes respect, admiration and fear.
Tipid at pormal na nginitian ni Mathias ang mga nakakasalubong at ipinakikilala siya.
“Did I do something wrong, Chief?”
Halos sabay silang napalingon ni Mathias sa pinanggalingan ng tingin. Isang matangkad na lalaki ang kanyang nakita na papalapit sa kanila. Tila tatlong araw nang hindi nag-aahit ang lalaki ngunit bahagyang nagliwanag ang mukha nito dahil sa ngiting nakapaskil sa mga labi. Mukhang maangas at intimidating sa unang tingin ang lalaki, ngunit nang makalapit ay nakita ni Sybilla ang amo sa mga mata nito.
“Did you do something wrong?” ang nakangiting tugon ni Mathias sa lalaki. Pormal at malamig pa rin ang tinig at ekspresyon ng mukha nito ngunit nabakas pa rin ni Sybilla ang fondness at adoration sa mga mata ng chief.
Napatingin sa kanya ang lalaki. “Hi, you must be new.” Inilahad nito ang kamay at kusa nang ipinakilala sa sarili. “Doctor Andrew Mendoza, peds.”
“He’s the head of this department,” dagdag ni Mathias.
Tinanggap niya ang pakikipagkamay ni Andrew. “Doctor Sybilla Torres, cardio.”
They shook hands. “I hope you’re good.”
“I am the best,” ang nakangiti niyang tugon, walang kagatol-gatol. Pagdating sa pagiging siruhano, wala siyang pakundangan. Hindi siya kailanman naging humble.
Napapito si Andrew na ikinalapad ng ngiti ni Sybilla. “I like her already,” ang sabi nito kay Mathias. “I like that you’re the best. The tiny humans need the best cardio,” sabi nito sa kanya. “Let me give you a tour. You’d be impressed.”
Nang mga sumunod na sandali ay naging abala na sila sa pag-iikot sa loob. Sybilla was indeed impressed. Makabago ang lahat ng kagamitan at makinarya. Hindi lamang mayayamang pasyente ang naka-confine roon. Mayroon ding mga indigent cases na pareho ang serbisyong natatanggap. Mas malala nga lang ang kaso ng mga ito. Napuntahan din niya ang NICU na mas makabago ang mga kagamitan. Hindi pahuhuli ang mga makinarya ng DRMMH sa makabagong makinarya na ginagamit sa ibang bansa. Most of the machines and diagnostic tools were from donations. Ayon kay Andrew, mas mapagbigay ang mga sponsor sa mga mumunting nilalang na nasa kahabag-habag na kalagayan.
Nagpaalam na sila ni Mathias kay Andrew. Ipinakita sa kanya ni Mathias ang skills lab, research labs, at on call rooms. Hindi na siya tumuloy sa huli dahil ramdam na ramdam ni Sybilla ang warning na ipinadala ng kanyang isipan. Hindi siya maaaring makulong sa isang silid na may kama kasama si Dr. Mathias Mendoza.
Huli nilang pinuntahan ang doctor’s lounge sa ikawalong palapag. Bago pa man niya mailibot ang mga mata ay nakita na niya ang isang babaeng nakasuot ng pulang scrub suit na nakahilata sa mahabang sofa. Kaagad sila nitong nginitian pagpasok na pagpasok pa lamang nila. Masyadong maganda ang mukha ng babae lalo na kapag ngumingiti. Para itong Disney Princess. Maamo at sweet ang mukha. Palakaibigan ang mga mata nito. She looked tired but she was still one of the beautiful faces Sybilla laid eyes on.
“Hi!” masiglang bati nito sa kanila. “I missed you, Kuya Chief. C’mere, lemme kiss you,” sabi nito kay Mathias.
Hindi lumapit si Mathias sa babae ngunit muling nabakas ni Sybilla ang adoration sa mga mata ng lalaki. Hindi nga lang katulad kay Andrew kanina, hindi nito sinubukang itago iyon. Kaagad nahulaan ni Sybilla na pinsan nina Mathias at Andrew ang babae. Pareho ang ilong ng tatlo.
“Doctor Torres, this is Doctor Astrid Mendoza,” sabi ni Mathias sa kanya. Kapagkuwan ay binalingan nito ang pinsan. “Get up, Astrid, para maipakilala ko kayo nang maayos sa isa’t isa.”
Mas lumawak ang ngiti sa mga labi ni Astrid at tila walang anumang narinig mula kay Mathias. “So it’s you. Finally, narito ka na, ha? I heard so much about you.”
Ngiti lang ang naitugon ni Sybilla roon. Hindi niya sigurado kung ano ang mararamdaman sa sinabi nito. People had been talking about her? Hindi na siguro iyon gaanong nakapagtataka dahil apo siya sa labas ni Dr. Ramoncito Arqueza.
“Huwag mo sanang isipin na bastos ako. Kalalabas ko lang sa OR. I’ve been in there for ten hours,” wika ni Astrid sa palakaibigang tinig.
Kusa nang lumapit si Sybilla sa babae. Magaan ang loob niya rito kahit na sa totoo lang ay kinaiinisan niya ang mga katulad nito noon. Siguro ay dahil masyadong mabait at sinsero ang mga matang nakatingin sa kanya. Waring sinasabi ng mga mata nito na natutuwa itong talaga na naroon na siya.
Inilahad ni Sybilla ang kamay sa nakahigang babae. “Sybilla Torres, cardio.”
Kaagad tinanggap ni Astrid ang kanyang pakikipagkamay. “Astrid Mendoza, neuro.” Bahagyang nagulat si Sybilla nang bigla na lang siya nitong hilahin pababa. Nabeso na siya nito bago pa man siya makahuma. “I’m glad to finally meet you. We’re going to be friends.”
Isang naaaliw na ngiti ang ibinigay ni Sybilla kay Astrid. Naaliw siya sa katiyakan sa tinig ng babae. Tila magkaiba ang kanilang personalidad ngunit sa karanasan ni Sybilla, mas nakakasundo niya ang mga taong inaakala niyang hindi niya makakasundo. May pakiramdam nga siya na magiging mabuti silang magkaibigan ni Astrid.
“So this is our lounge,” sabi ni Astrid sa kanya. “We have cubbies in there,” itinuro nito ang isa pang pintuan. “Doon mo puwedeng ilagay ang mga gamit mo. Are you a clean freak? I’m warning you now, burara ang ilang mga kasamahan natin. Most are guys kasi. Actually, ako lang ang babae sa ngayon kaya ang saya ko na may makakasama na ako.” Sunod na itinuro ni Astrid ang bahagi ng lounge na sa palagay niya itinuturing na kitchen c*m dining area. May sink sa tabi ng ref. May microwave sa marble counter. Mayroon ding bilog na glass dining table na may apat na upuan. “You can store your food there. Label them para hindi makain ng iba. Pero minsan ay nakakain pa rin kahit na may label. So puwede mo ring kainin ang pagkain ng iba kung gutom ka nang talaga. You gotta do what you have to do to survive `round here.”
Napapangiti na inilibot ni Sybilla ang paningin sa paligid. Mayroon ding malaking plasma TV na nakasabit sa isang dingding. Mayroong mahogany desk sa isang sulok kung saan naroon ang isang iMac. Simple at minimal ang mga dekorasyon ngunit nagustuhan nang husto ni Sybilla.
Nilapitan sila ni Mathias na may tangan na kung anong nakasupot. Inabot nito ang hawak sa kanya. “Scrubs,” anito bago pa man siya makapagtanong kung ano iyon. Pagkatapos ay itinuro nito ang isa pang pintuan sa silid. “That’s the comfort room. You can change in there.”
Tumango si Sybilla at bago tinungo ang direksiyon ng banyo ay nginitian muna si Astrid. Mabilis siyang nagbihis sa loob ng banyo. Bahagya siyang napangiwi nang matanto na wala siyang rubbershoes. Alangan ang pumps niya sa surgical scrub suit. Pinaplano niyang manghiram kay Astrid ngunit sa kanya paglabas ay may nakahanda ng sneakers sa may pintuan.
“Ready?”
Napatingin si Sybilla kay Mathias. Sandali siyang natulala at hindi nakasagot. Nakapagpalit na rin ang lalaki ng scrub suit. He was absurdly hot in scrubs. The hottest surgeon she had ever laid eyes on. She felt like her heart swelled with so much admiration and something she couldn’t quite fathom. Naramdaman na naman niya ang malakas na puwersa na humihila sa kanya palapit kay Mathias.
Tumikhim si Sybilla, pilit na hinamig ang sarili. Yumuko siya at hinubad ang suot na pumps.
“Let me.”
Nagulat si Sybilla sa biglang paglitaw ni Mathias sa kanyang tabi. Hindi niya namalayan ang mabilis nitong paglapit sa kanya. Bago pa man siya makapag-react ay nakaluhod na sa harapan niya si Mathias at tinutulungan siyang isuot ang sneakers. Halos wala sa loob na napahawak siya sa balikat nito upang hindi siya mawalan ng balanse.
Hindi mautusan ni Sybilla ang sariling katawan. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya nagawang lumayo. Gaano man niya itanggi, hindi maipagkakaila na gusto niya ang pakiramdam na mapalapit kay Mathias. Bumaba ang kanyang tingin, pinanood ang ginagawa nito.
Napalunok si Sybilla nang sunod-sunod. Isang larawan ang nabuo sa kanyang isipan. Nakalunod din sa harapan niya si Mathias. Ang kaibahan nga lang ay wala silang suot na kahit na ano. Kaagad nag-init ang kanyang pakiramdam.
Itinulak ni Sybilla si Mathias. “A-ako na.” Hindi niya gaanong mapaniwalaan ang kasalukuyang tumatakbo sa kanyang isipan.
Hindi nagpatinag si Mathias. “Stay still,” anito sa tinig na may bahagyang diin at awtoridad.
Pakiramdam ni Sybilla ay lalong nag-init ang kanyang pakiramdam. Wala na siyang nagawa kundi ang sundin ang kagustuhan nito.
“Done,” bulong nito nang maisintas nang maayos ang sapatos. Tumuwid si Mathias nang tayo at tinunghayan siya. Muling napalunok si Sybilla nang maghinang ang kanilang mga mata. Nakita niya ang apoy sa mga mata nito. Nasisiguro niya na pareho ang nilakbay ng kanilang isipan.
Tumikhim si Astrid. “So sa OR na kayo?”
Lumayo si Sybilla kay Mathias at pilit na hinamig ang sarili. Kinakabahang napatingin siya sa gawi ni Astrid. Waring naaaliw ang babae na nakatingin sa kanila ni Mathias. Humugot siya nang malalim na hininga. “Yeah. OR. Let’s go there para matapos na ang tour na ito.” Pagkasabi niyon ay nagpatiuna na siya sa pintuan palabas. Kailangan na niyang lumayo kay Mathias Mendoza. Sa palagay niya ay hindi na niya kakayanin. Tila bibigay na siya anumang sandali. Nais na niyang pagdudahan kung tama bang talaga ang kanyang naging kapasyahan na magtraho kasama ang mapanganib na lalaki.
“See you later,” ani Astrid bago siya ganap na nakalabas ng silid.