11

1262 Words
BAHAGYA nang nakalma ni Sybilla ang sarili pagdating sa ika-pitong palapag. The Operating Room always gave her a certain calm feeling. Kapag nasa loob siya niyon, pakiramdam niya ay magiging maayos ang lahat. Pinaniniwalaan niyang magiging maayos ang lahat. She kept her distance from Mathias. Nagpasalamat siya na hindi ito lumapit o sumubok man lang lumapit. Hindi niya sigurado kung alam nitong nagfi-freak out siya at nais nitong irespeto ang kanyang space, o dahil sinisikil din nito ang sariling damdamin. Nang simulan nito ang pagpapaliwanag ng basic protocols at standard operating procedures ay matamang nakinig si Sybilla. Mahirap panatilihin ang konsentrasyon ngunit pinilit niya ang sariling makinig at intindihin ang lahat ng sinasabi nito. She liked the Operating Room in DRMMH. Katulad iyon ng kanyang inaasahan. Makabago at organisado. The hospital had the best surgical equipment. They had almost all the high-end machines for less invasive surgeries. The seventh floor of that building was state-of-the-art. Huli nilang pinuntahan ang OR Three kung saan may ongoing surgery. They could observe. “You’re about to meet the head of your department,” sabi ni Mathias habang inaabot sa kanya ang isang mask. Isinuot niya iyon at pumasok na sila. Tahimik silang pumuwesto sa isang sulok at pinanood ang nangyayari. They were performing a heart transplant. Nakaramdam ng panghihinayang si Sybilla dahil halos patapos na iyon. Nang pumintig na ang bagong puso at stable na ang vitals ay nag-angat ng ulo ang lead surgeon at tumingin sa kanila. “A pleasure, Chief,” anang ginoo. Kahit na may nakasuot na mask, nasisiguro pa rin ni Sybilla na nakangiti ang siruhano sa likod niyon. Nakangiti kasi ang mga mata nito. The corners of his eyes crinkled. “Doctor Torres, I would like you to meet Doctor Horacio Mendoza. He’ll be your direct superior. Doctor Mendoza, this is Doctor Sybilla Torres,” ani Mathias sa pormal na tinig. Naramdaman ni Sybilla ang mga mata ng lahat na nakatingin sa kanya. Sinikap niyang magbigay ng isang pormal na ngiti kahit na nakasuot siya ng mask. “Ikinagagalak kitang makilala, Doctor Torres. Ikaw ang apo ni Doctor Arqueza, hindi ba?” “Apo sa labas ni Doctor Arqueza,” aniya habang nakapagkit pa rin ang pormal na ngiti sa mga labi. Alam naman niya na alam ng karamihan sa nakakakilala sa kanyang lolo na hindi siya nito lehitimong apo. Alam niya na lalaganap sa buong ospital ang mga sabi-sabi. Ngayon pa lang ay nais na niyang ipaalam sa lahat na wala iyong kaso sa kanya. Lalong nagningning ang mga mata ni Dr. Horacio Mendoza. “I like her already, Mathias.” Ibinalik na nito ang sarili sa pagkakayuko sa pasyente pagkasabi niyon. “We’ll have so much fun together, Torres. I’ll give you a proper brief on your first day in my department.” “`Looking forward to it, Sir.” Nagpaalam na sila ni Mathias at lumabas. “I have a question, Chief,” kaswal na panimula ni Sybilla habang hinuhubad ang suot na mask. “Go ahead.” “Lahat ba ng department head sa ospital na ito ay may apelyidong Mendoza?” Pakiramdam ni Sybilla ay puro Doctor Mendoza ang kanyang nakilala, nakausap, at nakahalubilo. Ang kailangan niyang kabisaduhin ay ang first names ng mga ito upang hindi siya malito. Kahit na hindi niya gaanong nakita ang ilong ni Horacio Mendoza, nasisiguro niyang immediate family ito ni Mathias. “Almost. Not all,” nakangiting tugon ni Mathias. “DRMMH is an empire of nepotism.” Hindi masiguro ni Sybilla kung nagbibiro o seryoso si Mathias. Pormal ang pagkakasabi ni Mathias ngunit tila nais gumuhit ng ngiti sa mga labi nito base sa pagkinang ng mga mata nito. “Nepotism is the reason why I’m here?” That didn’t sit well with her. Nais niyang sabihin na higit pa sa impresibo ang record niya. Kaya niyang makapasok sa malalaki at sikat sa ospital sa buong mundo kung kanyang gugustuhin. She was used to hard work all her life. “Dahil din sa nepotism kaya ikaw ang Chief of Surgery?” “You will be the next chief.” “What?” “You’re gonna be the next Chief of Surgery. And I’ll be the Medical Director someday,” wika nito sa kaswal pa ring tinig. “Dahil mga apo tayo ni Doctor Arqueza at Doctor Mendoza.” “Because we’re the best.” Natigil sa paglalakad si Sybilla at napatingin na lang kay Mathias. Tumigil din si Mathias at hinarap siya. “Uncle Horacio was the former chief. When he recommended me to be the next chief and when the board—which also composed of Mendozas—appointed me, no one questioned that decision. Walang nagtanong. Walang komontesta. Walang nagduda. Dahil mahusay ako sa ginagawa ko. Isa ako sa pinamahuhusay. Your grandfather may have envisioned you to be the next me in this hospital, but you still have to be good. Kailangan mo pa ring patunayan ang sarili mo sa lahat.” Mataman niyang pinagmasdan ang mukha ni Mathias. Kaagad nabasa ni Sybilla ang hamon sa mga mata nito. Kapagkuwan ay unti-unting sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi. “I’m not just good, Mathias. I’m the best. And I’m not going to be the next you or the next whoever. Gagawa ako ng sarili kong tatak. Hindi ako susunod sa yapak ng sinuman.” “God, you’re beautiful,” bulong nito, halos hindi umabot sa pandinig ni Sybilla. Natigilan si Sybilla, hindi malaman kung paano pakikitunguhan ang narinig. Her confidence wavered. Napalunok siya habang magkahinang pa rin ang kanilang mga mata. Pakiramdam niya ay natutunaw siya sa paraan ng pagtingin nito, nanginginig ang kanyang mga binti. He was looking at her like he was already ready to devour her. There. Now. His gaze was hungry. Mas nilapitan siya ni Mathias. Napaatras si Sybilla. Hindi tumigil ang lalaki sa paglapit, malinaw na makikita sa mata nito ang nais nitong gawin at mangyari. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi nang maramdaman ang malamig na pader sa kanyang likuran. Hindi niya sigurado kung may nakakakita sa kanila sa kasalukuyan at sa totoo lang ay tila wala na siyang gaanong pakialam. Napatutok ang kanyang mga mata sa mga labi nito. Nais niyang tikman ang mga labing iyon. Nais niyang maranasan kung paano humalik ang isang Dr. Mathias Mendoza. Nais niyang magpatupok sa apoy. Kahit na minsan lang. Kahit na ngayon lang. Kahit na sandali lang. Naikuyom niya ang mga kamay. Yumuko si Mathias. Napalunok si Sybilla. Kapagkuwan ay ibinuka niya ang bibig. “Corrine,” usal niya. “Let’s not forget about Corrine.” Natigilan si Mathias. Bahagyang napuksa ang init sa mga mata nito. Ilang sandali muna ang lumipas bago ito unti-unting lumayo sa kanya. Hindi na mabasa ni Sybilla ang maaaring tumatakbo sa isipan nito sa kasalukuyan. Blangko at malamig ang ekspresyon ng mukha nito. Bahagyang nakahinga si Sybilla nang tuluyang lumayo sa kanya si Mathias. Hindi niya sigurado kung saan niya nakuha ang lakas na tumanggi at huwag bumigay sa tukso, ngunit nagpapasalamat pa rin siya. Alam niya na hindi na niya matitingnan sa mata si Corrine kung hinayaan niya ang sarili na tugunan ang masidhing paghahangad na kanya pa ring nadarama sa kasalukuyan. Hindi niya maaaring kalimutan si Corrine. Hindi niya maaaring kalimutan na si Mathias ang lalaking labis nitong minamahal. Hindi niya maaaring kalimutan na hindi si Dr. Mathias Mendoza ang lalaking para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD