Part Two Chapter Three: The Underground 2

2299 Words
“Bwisit na Ellis ‘yun,” Naiiritang wika ni Ash sabay sipa sa isang lata sa gilid ng kalsada. “Nag-away nanaman kayong dalawa,” Sambit naman ni Frank habang kinakamot ang batok. Napailing nalang rin si Jet dahil pakiramdam n’ya, mukhang malabo na nilang makakausap si Ellis. “Pakialam ko sa kaniya? Bwisit,” Wika nanaman ni Ash. Hindi parin sila makapaniwala sa itsura ngayon ni Ellis. Kulang na lamang ay magpalagay na ito ng hikaw sa iba’t-ibang parte ng mukha. Hindi na rin mabasa ni Ash ang mga kilos at galaw nito dahil para bang sampung taon silang hindi nagkita. Tuwing naaalala iyon ni Ash na naiinis siya. “Bwisit talaga ‘yung lalaking ‘yun. Ano bang problema n’ya at nagkaganu’n s’ya?” Naiinis na sabi ni Ash. Kasalukuyan silang nasa abandonadong mansyon habang naka-upo sa mga sofa na dinala nila. Tuwing napapatingin sila sa dalawang sofa na pagmamay-ari ni Theo at Ellis, nalulungkot sila. Sumasagi sa isipan nila ang mga masasaya nilang samahan nuon bago pa nangyare ang mga bagay na ito. Naalala nila noon kung paano sila palaging nasa police station dahil sa mga pang-pickpocket na ginagawa. Alas-sais nang gabi at nandito pa rin sila. Medyo may ilaw na sila sa loob na dala ni Frank. Nandito lang sila habang inaalala ang mga bagay na nangyare dati. Maya-maya ay natigilan sila sa pag-iisip ng makarinig ng mga kaluskos sa loob ng mansyon. Unang bumangon si Ash dahil pakiramdam n’ya ay may ibang tao bukod sa kanila. Alam nilang pagmamay-ari nina Avery ang mansyong ito kaya naman pinayagan sila dito. Ibig sabihin, sila ang caretaker dito. Kaya naman kapag may ibang pumasok ay paaalisin nila. Ganu’n kalakas ang loob ni Ash habang iniisip ang mga iyon. Si Jet naman ay nakasunod lang kay Ash habang pinupuntahan ang pinanggalingan ng tunog. Pagdating sa kusina, isang anino ang natanaw nila na mukhang pigura ng isang lalaki. Akmang hahampasin na sana nila ito ng magsalita ang lalaking iyon. Natigilan sina Ash at hindi sila makapaniwala sa narinig. “T-Theo?” *** “Boss, pumayag ‘yung sila sa inalok natin.” Wika ng isa sa mga gang members ni Ellis. Nakaupo si Ellis sa mamahaling sofa habang naglalaro ng isang mobile game. Si Bon ang nagsisilbing underboss kaya naman s’ya ang umaasikaso sa mga bagay na hindi kaya ni Ellis. “Good,” Wika ni Bon. Humarap ito kay Ellis at iniabot ang isang sobre. Natigilan sa paglalaro si Ellis at pinagmasdan ang sobre. “Ano ‘to?” Tanong ni Ellis. Umupo sa bakanteng upuan si Bon. “Galing sa kanila,” Sagot ni Bon saka sinindihan ang sigarilyo. Itinigil ni Ellis ang paglalaro at binuksan iyon. May liham duon para sa kaniya mula sa isang grupo na magagaling pagdating sa pera. Ayon sa mga ito, handa ang mga ito na sumanib sa grupo niya kung sakaling mapatutunayan ni Ellis ang lakas na meron s’ya. Dagdag pa sa sulat na kailangan n’yang maglaro sa isang underground fight ng pustahan. Agad pumasok sa isipan ni Ellis ang underground na sinabi ni Avery nuon ng makita n’ya ang address na nakasulat sa papel. Ito mismo ang address ng Grand Hotel kung saan sila nagtungo nuon. Lihim na napangiti si Ellis at tumingin kay Bon. Isang ngiti ang ibinigay ni Bon sa binata. “I told you, I can do everything.” Pagmamayabang ni Bon. Saktong 11 pm ng makarating sina Ellis, Bon, at limang miyembro ng gang ni Ellis sa Grand Hotel. Matapos ipakita ni Bon ang VIP pass na ibinigay sa kaniya ng kabilang grupo ay mabilis silang nakapasok sa underground. Mabilis na sumagi sa isipan ni Ellis ang mga pangyayare nu’ng nandito sila ni Avery. Hindi niya makakalimutan ang sinabi ng dalaga na pagmamay-ari ito ng ama niya. Hindi naman maitago ni Ellis ang excitement dahil pakiramdam niya ay nalalapit na siya sa taong iyon. Ang kailangan n’ya lang ay magpalakas pa at magpalaki. “Nakikita mo ba ang lalaking iyon,” Turo ni Bon sa isang amerikanong pinagpupustahan ng lahat. Tumango si Ellis habang nakatitig sa lalaking iyon. “D’yan tayo pupusta. Huwag kang mag-alala, legit ‘yung nag-offer nito.” Dagdag ni Bon. Tumango na lamang si Ellis dahil naniniwala s’ya sa mga sinabi ni Bon. Sa ngayon, si Bon ang isa sa pinagkakatiwalaan niya ngayon. Bukod sa matanda na ito at magaling sa lahat, alam din ni Bon ang layunin ni Ellis. “Ipusta mo lahat,” Utos ni Ellis. Ngumiti si Bon at saka ginulo ang buhok ni Ellis. Sinamaan n’ya ng tingin ang matanda at saka nagwika. “Isa pang gulo, you’re dead.” Sambit ni Ellis. Palagi kase itong ginagawa ni Bon kapag nakakagawa ng maganda si Ellis na labis namang ikinaiinis ng binata. Para s’yang anak ni Bon na isang lasingero. May lumapit sa kanilang men-in-black at saka kinuha ng token na hawak ni Bon. “Pusta namin lahat,” Wika ni Bon saka inabot ang gintong token. Tumango ang men-in-black saka lumingon kay Ellis. Nanatili lang naka-upo si Ellis at hindi inintindi ang men-in-black. Malakas ang loob niyang hindi s’ya makikilala ng mga ito dahil sa itsura niya ngayon. Matapos s’yang pagmasdan ng men-in-black na iyon ay saka ito umalis. Napatingin sa kaniya si Bon at saka inasar. “Kinabahan ka?” Tanong nito sa binata. Sinamaan muli ni Ellis ng tingin si Bon at saka binantaan. “Isa pa,” Malamig na tugon ni Ellis. Natawa na lamang si Bon dahil sa pagiging cold ng binata. Alam n’yang hindi ganito si Ellis at alam n’yang may dahilan kung bakit niya ito ginagawa. Nagsimula na ang laban. Nanunuod lang si Ellis at pinagmamasdan ang amerikano na pinagpustahan nila. Manghang-mangha siya dahil sa kakaibang lakas nito at liksi sa pag-ilag at pag-depensa. Pagdating naman sa opensa, magaling din ito at halatang malakas ang bawat suntok. Nang matapos ang unang round, malaki na agad ang panalo ng amerikanong iyon at mukhang hindi na aapot sa pangatlong round ang kalaban. Marami na rin ang nagrereklamo at naiinis dahil mukhang ang iba ay hindi sa amerikano pumusta. Pinagmamasdan lang iyon ni Ellis. “Paano mo nga pala naman na ganito ito kalakas?” Bulong ni Ellis kay Bon. Ngumiti sa kaniya ang matanda at saka itinuro ang lalaki sa kabilang bahagi ng lugar. Nakatayo ito malapit sa mga men-in-black. “Bago pa naging ganito kaseryoso ang gang ko, bago mo ito nakuha, s’ya ang sponsor namin pagdating sa mga sugalan.” Wika ni Bon. Pinagmasdan ni Ellis ang lalaking itinuturo ni Bon. Mukhang magka-edad lang sila ni Bon kung pagmamasdan. “Malaki ba ang ambag n’ya dito?” Tanong ulit ni Ellis. Tumango si Bon. “Sa pagkakaalam ko, kanang kamay s’ya ng business partner ng may-ari nito.” Napa-isip naman si Ellis. Mukhang may alam nga ang lalaking iyon sa underground na ito. ‘Kung kanang-kamay s’ya ng business partner ng may-ari nito, magiging magandang opportunity ito.’ Wika ni Ellis sa kaniyang isip. Maya-maya ay muli ng itinuloy ang ikalawang round. Hindi na gaanong nagbigay pansin si Ellis dahil alam n’yang panalo na ang pinustahan n’ya. Ang buong atensyon n’ya ngayon ay nasa lalaking itinuro ni Bon. Pinagmamasdan niya ito at kahit isang segundo ay hindi niya inalis ang paningin dito. Nakaka-isip s’ya ng mga bagay na maaari n’yang magawa sa lalaking iyon. “Bon,” bulong ulit ni Ellis. “Yes?” “I want him to be part of our gang,” Sambit ni Ellis. Napakunot ang noo ni Ellis at tumingin sa lalaking iyon. Nagtataka s’ya ngunit ng makita niya ang kakaibang tingin nito sa mata ng binata ay hindi na siya tumanggi. Huminga siya ng malalim. “Kung iyan ang gusto mo ngunit kailangan nating maghanap ng mai-aalok sa kaniya---” “Kapag nasa atin na ang grupong iyon, saka mo s’ya kunin.” Wika ni Ellis. Tumango si Bon dahil may punto ang sinasabi ni Ellis. Alam niyang mukhang pera ang lalaking iyon kaya naman kailangan nilang makuha ang grupo na mga magagaling sa pera upang lumakas sila. Napangiti na lamang si Bon dahil nakikita niyang matalino ang binata. Hindi niya inaakala na ang gang na meron siya na isang maliit na langaw sa iba ay unti-unti ng lumalakas. Masasabi n’yang may kakaibang talino si Ellis. Wala pa sa kalagitnaan ng round 2 ay tumumba na agad ang kalaban ng amerikano. Naghalo ang reaksyon sa mga manonood. Ang iba ay masaya dahil nanalo ang pambati nila, ang iba naman ay nainis dahil natalo sila. Sa tingin ni Ellis, hindi basta-basta ang mga pusta dito. Mukhang dito rin sa paraan na ito kumikita ang negosyong ito ng ama ni Avery. Tumayo na si Ellis at sinundan si Bon. Nagtungo sila sa direksyon ng lalaking tinutukoy ni Bon. Nang makita siya ay saka siya kinamayan. Mukhang naintindihan nang lalaking iyon ang pakay nila. “Congratulations,” Bati nito sa kanila. Pinapasok sila nito sa loob ng kwarto kung saan pumasok sila nila Ash dati nu’ng hinahanap nila si Avery. Naalala ni Ellis na may mga nagmi-meeting nu’n. Ngayon ay alam na niya kung para saan iyon. “Have a seat,” Wika nito sa kanila. Naupo sina Ellis. Hindi ipinahalata ni Ellis na nanggaling na siya dito. Umakto siya na nababagay sa lugar. “Don’t worry, I’m gonna send the money to you.” Sambit nito. Nabasa ni Ellis ang name tag nito na nakalagay sa kaliwang bahagi ng damit ng lalaki. “Mr. Gilmore,” sambit ni Ellis. Napatingin siya dito ng nakangiti. “Yes?” Tanong nito. “Huhulaan ko, nagtatrabaho ka kay Senator Suliman, right?” Natigilan si Mr. Gilmore at si Bon. Agad nag-iba ang reaksyon sa mukha ni Mr. Gilmore. “Who are you? Iilan lang ang nakaka-alam n’yan dito,” Wika nito. Ngumiti si Ellis at saka tumitig dito. “Ibig sabihin ay masyadong sensitive ang topic na iyon. Ano bang mangyayare kapag nalaman ng mga tao dito na kanag-kamay ng ka kurakot na senator na iyon?” Malamig na wika ni Ellis. Hindi nakapagsalita ang lalaki at tumingin kay Bon. Sinenyasan n’ya ito na para bang nagtatanong. Nagkibit-balikat lang si Bon dahil sa tingin niya, magiging maganda ang palabas. “Saan mo nalaman ‘yan?” “Anong mangyayare kapag sinabi ko sa lahat ‘yun?” Pagmamaag-maangan ni Ellis at hindi pinansin ang tanong ng lalaki. “May mangyayare bang masama kapag sinabi ko sa lahat?” tanong muli ni Ellis. Meydo nainis ang lalaki at padabog s’yang tumayo. “Ipapipirma ko na lang sa mga tauhan ko ang mga papeles. Sila na ang mag-aasikaso sa inyo---” “Pati ba naman dito, kinukurakot pa ng amo mo.” Natatawang sabi ni Ellis. Nakangiti lang si Bon at pinapanood ang ginagawa ni Ellis. Kulang na lang ay bumili s’ya ng popcorn at softdrink. Nang marinig iyon ng lalaki ay mabilis s’ya lumapit kay Ellis at kinuwelyuhan s’ya. Nakangiti lang sa kaniya si Ellis at inaasahan na ang sasabihin nito. “Kalma, nagbibiro lang naman ako.” Wika ni Ellis saka tumawa. Medyo nabanas sa kaniya ang lalaki at akmang susuntukin na s’ya ng hawakan ni Bon ang kamay nito. “Don’t you dare,” pagbabanta ni Bon saka itinutok ang baril sa likuran nito. Alam ng lalaki na wala s’yang pang-depensa kaya sumunod siya dito. “Ano bang kailangan mo?” Tanong nito kay Ellis. Inayos ni Ellis ang kwelyo at damit niya na nagusot ng lalaki at umupo sa upuan na para bang nasa bahay lang. “Gusto kong sumali ka sa grupo ko,” Wika nito. Natawa naman ang lalaki na para bang nakarinig ng isang nakakatawang biro. “Seryoso ka ba bata? Anong akala mo sa mundong ito, laro?” Pagkatapos ay muli nanaman s’yang tumawa. “Babalikan kita upang malaman ang sagot mo. At that time, siguradong sasali ka na sa grupo ko.” Nawala ang tawa ng lalaki at seryoso itong tumingin kay Ellis. “Anong makukuha ko dito?” Tanong nito kay Ellis. Lumapit si Ellis sa lalaki at saka hinawakan ang balikat. “Gusto mo bang habang-buhay kang alalay?” Tanong ni Ellis. Hindi nakasagot ang lalaki. Tinapik-tapik ni Ellis ang balikat saka saka sinenyasan si Bon. Hindi na nagsalita pa si Ellis at lumabas ng kwarto. Bumungad sa kaniya ang mga men-in-black na mukhang nagbabantay sa labas. Inilabas ni Ellis ang isang pirasong sigarilyo at isinuot ito sa bulsa ng isa sa mga men-in-black. “Keep it up the good work,” Sambit ni Ellis sa mga ito. Tiningnan lang s’ya ng men-in-black na iyon. Nakangiti namang umalis sila Ellis sa lugar na iyon. “Nice bata,” pang-aasar ni Bon kay Ellis. Pagsakay ni Ellis sa nirentahan nilang kotse ay saka niya niluwagan ang bowtie na suot niya. Napasandal siya sa sandalan dahil sa sobrang pagod. Gayu’n pa man, nagbubunga ang kaniyang mga pinaghirapan. “By the way, anong gagawin mo sa mga kaibigan mo kapag sumulpot ulit sila?” Natahimik si Ellis sa tanong ni Bon. Sa ngayon, hindi n’ya pa iniisip ang mga bagay na iyon. Para sa kaniya, hangga’t maaari ay kailangan n’yang iwasan ang mga ito upang hindi sila madamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD