16

1572 Words
"Girl!" Halos mabasag ang eardrums ni Jean dahil sa malakas na tili ni Eunice ng salubungin siya nito. "Grabe! namiss kita ng bongga!" anito at mahigpit na niyakap siya. Kung makapagsalita ito ay parang isang taon silang hindi nagkita. Isang commercial model si Eunice at ang kapatid nitong si Janice ay may mataas na posisyon sa isang malaking call center company. "Ipapakilala ko sa'yo ang bagong boylet ko!" tili ni Eunice sa kaniya. Napangiwi siya. Ayon kay Janice ay masyadong nahuhumaling ngayon sa mga banda ang kapatid. Kaya nga hindi na siya nagulat ng magyaya sa isang restobar si Eunice. Tiyak na ipagmamalaki na naman nito sa kanila ni Janice ang boyfriend nito. Nakasanayan na ni Eunice na ibalandra sa kanila ng kapatid nito ang nagiging bagong jowa. Palibhasa ay alam nito na mga single sila ay ganoon na lamang ito kung mang inggit. "Pero teka lang kaloka ka, ang balita ko ay may fiancée ka na. Kasama mo?" Tumango siya at lumingon sa bandang kaliwa niya. Nakatayo sa tabi niya si Zac at kahit hindi ito magsalita ay batid niyang kanina pa nito gustong umalis sa ganoon kaingay na lugar. "Eunice, si Zac nga pala fiancée ko. Sweetie, si Eunice kaibigan ko." sinadya niyang maging malamyos ang tinig para ipakita sa kaibigan na hindi lang ito ang may makulay na lovelife. Nasaksihan niya kung papaano halos manlaki ang mga mata ni Eunice nang makita nito si Zac. Nagulat siya nang hilahin siya nito sa braso at bahagyang ilayo sa binata. "Sis, bakit hindi mo sa akin sinabi na ganiyan kagwapo ang boyfriend mo? May kapatid ba yan o pinsan?" kinikilig na tanong nito. Proud na ngumiti siya. "Taken na ang kapatid nya kaya sorry friend. Nasaan nga pala ang boyfriend mo?" luminga siya sa paligid at hinanap ang bagong kasintahan nito na para namang makikilala niya agad gayong wala pa siyang ideya sa hitsura ng lalaki. Ang alam lang niya ay miyembro ito ng banda, ayon na rin kay Janice. "Nasa stage," "Ah, iyon gitarista?" may hitsura ang lalaking gitarista at kahit medyo madilim sa entablado ay napansin agad niya na maputi at matangkad ito. "Hindi. Iyon bokalista." "Ha?" kamuntik na siyang maduling nang makita ang hitsura ng bokalistang kumakanta. Mataas at may malaking pangangatawan ito at kung wala lang ito sa stage ay baka mas isipin pa niya na bouncer ito sa club. Lampas balikat ang kulot na buhok nito na animo ay hindi pa nadadaanan ng suklay buong araw. Nakaitim na sando ang lalaki kaya kitang kita ang mga nakakasindak na tattoo sa magkabilang mga braso nito. Nyay! "S-seryoso?" "Oo naman. Uy! huwag ka kahit ganiyan iyan si Tiklo malambing iyan." "Tiklo? My God Eunice! Ano na lang ang sasabihin nila mommy kapag nalaman ang tungkol sa bagong boyfriend mo?" inis na bungad sa kanila ni Janice. Nauna pa pala siyang dumating dito. "So?" nakataas ang isang kilay na tanong naman ni Eunice. "Sa totoo lang, I really don't care." "Parte ba ito ng pagrerebelde mo dahil ayaw ibigay sa'yo ni daddy ang gusto mo?" Napakamot siya sa ulo dahil wala pa siyang masyadong maintindihan sa pinag uusapan ng magkapatid. Ang totoo niyan ay si Janice talaga ang kaibigan niya. Dangan nga lamang at naging outcast noong college si Eunice dahil nabully ito. Dahil hindi matiis ni Janice ang sariling kapatid ay isinama na nito madalas ang huli at naging miyembro na ng grupo nila. Pero sadyang hindi talaga madaling pakisamahan si Eunice kung kaya ang iba pa nilang mga kaibigan ay sumusulpot lang sa mga lakad nila kapag hindi ito kasama. Lumipas ang mahigit isang oras na walang ibang inatupag si Eunice kundi ang uminom at makipaglingkisan sa nobyo nito habang nasa iisang table lang sila. Sinulyapan niya si Zac sa tabi niya. Bahagya pa siyang nagulat nang matuklasan na nakatingin din pala ito sa kaniya. "Sorry.." kagat labing sabi niya. Batid niya na hindi ito sanay sa ganoon kaingay na lugar. Nang sabihin kasi niya dito kung saan ang punta niya ay nagpumilit na itong sumama. Kahit hindi nito sabihin ay alam niya na nangangamba itong magpakalasing na naman siya na kagaya ng ginawa niya dati. "Alam mo pare ang mga lalaki dapat marunong humawak ng kahit anong instrumento. Kasi mas mabilis mong makukuha ang puso ng babaeng nagugustuhan mo. Kaya ako tingnan mo naman.." ang mayabang na turan ni Tiklo at inakbayan ang nobya niya. Ang sarap nitong hampasin ng cymbals sa mukha. Kahit maging walo pa ang kamay nito at sabay-sabay nitong patugtugin ang mga instrumento sa entablado ngayon ay walang kikiligin dito. Promise! "Ang mga kagaya naming lalaki, astig-rock en roll!" "Saan ka pupunta?" nawindang siya ng basta na lang tumayo si Zac. Iiwan na ba siya nito doon dahil hindi na nito matake ang kayabangan ni Tiklo? Huwag naman sana.. Pero nagulat siya nang lumapit ito sa lalaking may hawak na gitara sa ibaba ng stage. Naghiyawan ang mga tao ng umakyat si Zac sa itaas ng entablado bitbit ang gitarang hiniram nito. "Ang gwapo mo kuya!" "Iuuwi na kita!" Tilian ng mga babaeng audience. Samantalang siya ay hindi na nakapagreact pa dahil sa labis na pagkagulat. Pakiramdam niya ay nanlalamig ang buong katawan niya habang tumitindi ang kabang nararamdaman niya. "This song is for you.. You're my favorite thing in the whole wide world." Ani Zac habang nakatutok ang mga mata nito sa kaniya. Pigil niya ang paghinga nang magsimula na itong magstrum sa gitarang hawak nito. "Suki Dakara!" tili ni Janice. Kagaya niya ay paborito rin nito ang Bokura Ga Ita. At ang soundtrack ng anime na Suki Dakara ay isa sa pinakapaboritong kanta niya. "Suki dakara suki dakara zettai suki dakara.." Hindi niya magawang ikurap ang mga mata dahil nangangamba siya na mawala sa paningin niya ang gwapong mukha ni Zac. Nakita niya kung papaano halos malaglag ang mga panga ng audience lalong lalo na si Eunice at ang boyfriend nito. Proud na ngumiti siya at nagpakawala ng flying kiss para kay Zac. See? ang gwapo ng fiancée ko di ba? hindi na niya kailangang magpagulong gulong sa stage o magheadbang para lang kiligin ang mga tao sa kaniya. Mukha pa lang niya sulit na sulit na. Nangingiting naisaloob niya. Dahil hindi na kinaya ni Jean ang mga pasabog ni Eunice ay nagdesisyon na lang siya na umalis na ng restobar. Wala silang imikan ni Zac habang nasa biyahe. Medyo maaga pa naman kaya hindi na muna siya nito inihatid sa bahay. Sa apartment nito nila naisipang manatili at magpalipas ng oras. "Alam mo ginutom ako bigla eh.. parang gusto kong kumain ng heavy meal. Magluluto na lang ako." sabi niya at lumapit sa refrigerator. Si Zac naman ay naghahalungkat sa CD rack ng pelikula na maaari nilang panoorin ngayon. Nagbukas siya ng refrigerator at sa dami ng mga pagkain sa loob ay parang wala na siyang maisip na lutuin. Napakamot siya sa ulo at sa huli ay napaigtad nang magsalita si Zac mula sa likuran niya. "Marunong ka ba magluto?" "Ay! kabayo!" gulat na bumaling siya paharap dito. "E-eh.. iyon ang malaking problema. Hindi nga pala ako marunong magluto." naiilang siya sa mga titig nito. Pakiramdam niya tuloy ay malulusaw siya sa harap nito ano mang oras. Pumalatak ito at masuyong iginiya siya malayo sa refrigerator. Iglap lang ay parang professional chef na kumilos na ito sa buong kusina. Manghang mangha naman siya habang naghihiwa ito ng sibuyas at bawang. Halatang sanay ito sa kusina dahil mabilis ang mga kilos nito. Pinagmasdan niya ang mga braso nito habang may hawak itong kawali. Lihim na nakaramdam siya ng kilig. Kapag ganito kagwapo ang mister at marunong pa sa kusina ay wala na marahil hahanapin pa ang babaeng kagaya niya. Nang haluin na ni Zac ang mga sangkap sa adobong manok na niluluto nito ay napapikit siya ng manuot sa ilong niya ang mabango at nakakatakam na amoy ng ulam. Sa tingin niya ay papasa ng host s***h chef ng isang cooking show si Zac. Gwapo na nga ay magaling pa magluto. Wala namang tataba na tv viewer kapag ito ang nagluto dahil kahit matakam sa masarap na niluluto ay nakakabusog naman ng tiyan panoorin ang gwapong mukha ng binata. Perfect! "Done!" "Wow!" namamanghang bulalas niya ng matapos na ito sa pagluluto. Agad na tinikman niya ang luto nito. "Masarap!" namimilog ang mga matang tumikim ulit siya. Narinig niyang tumunog ang cellphone niya na nasa ibabaw ng mesa. Tumingin siya kay Zac nang makita sa screen ng cellphone niya na tumatawag ang daddy niya. Tila balewala naman na sinagot nito ang tawag. Awang ang mga labi na tinapik niya ito sa balikat. "Zac.." "Ako na lang ang kakausap," mahinang sabi naman nito. Mayamaya ay narinig niya na nag usap na nga ang dalawa. "Opo, sige po. Ihahatid ko po agad ang Cinderella eksaktong alas dose mamaya." Malakas na natawa siya. Nakakataba ng puso ang naririnig niyang masayang pag uusap ng mga ito. "Yes po.. yes daddy. Sige po.. bye!" ani Zac pagkatapos ng tawag. "Daddy?" hindi makapaniwalang bulalas niya. Ngumisi lang ito sa kaniya at nagwika. "Daddy's boy eh." At bago pa siya makahuma ay humakbang na ito palapit sa kaniya at mabilis na sinakop ang mga labi niya. Kusang pumikit ang mga mata niya at hinayaan itong lasapin ang mga labi niya. Wala na marahil mas sasaya pa sa kaniya ngayon. Walang oras na hindi siya ngumingiti kapag nasa tabi niya si Zac. Ganoon katindi ang epekto nito sa kaniya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD