"Hey!"
isang malawak na ngiti ang ibinungad ni Zac sa hipag na si Patty nang madatnan niya itong mag isa sa sala ng mansiyon nila.
Nakatakdang umalis ng bansa ang mag asawa sa sunod na buwan dahil malapit na ang sunod na match ng football team na kinabibilangan ni Kurt. Sa New York nagpatayo ng bahay ang mga ito at ang plano ay bibisita sa Pilipinas sa tuwing ikaanim na buwan kapag nailuwal na ang panganay na anak.
"Zac.. how are you?" masayang bati sa kaniya ni Patty. Tumabi siya ng upo dito sa malaking couch at sinulyapan ang monitor ng laptop nito.
"Morning," sabi niya. Tumawag ang mommy niya kagabi at inabisuhan siya na sa bahay nila magbreakfast ngayong umaga. "Nasaan sila?"
"Naliligo pa si Kurt. Si mommy naman nasa itaas may kausap sa phone at si daddy maagang umalis. Kasama niya ang mga kaibigan niya kaninang madaling araw, balita ko schedule ngayon ng jogging nila."
"Wow, nagiging health conscious na si daddy ha?" magkasabay pa silang natawa dahil sa sinabi niya. Mayamaya ay natigilan siya nang mapansin na nakangiti si Patty habang pinagmamasdan siya.
"Bakit? may dumi ba ako sa mukha?" naguguluhang tanong niya at pinahid ang kung ano man na dumi sa kanang pisngi niya.
Mabilis na umiling ito. "Wala. Masaya lang ako para sa'yo."
"Ha?" naguguluhang tanong niya.
"Hay! kasi naman nakakainggit ang ngiti diyan sa mga mata mo. Never ko namang naalala na naging ganiyan kaaliwalas ang mukha mo noon. Masaya kapag may nagmamahal at nag aalaga sa'yo, 'di ba?"
"Pat.." pinagmasdan niya ang magandang mukha ng best friend niya. Bandang huli ay nagulat siya ng wala na siyang makapa na kahit anong emosyon sa dibdib niya ng tapikin nito ang pisngi niya.
Hindi na bumibilis ang pintig ng puso niya kapag nakikita niya ang mga ngiti nito. Hindi man niya naramdaman dito ang slowmo na naramdaman niya kay Jean ay batid niya na sinakop nito ang malaking espasyo ng puso niya.
Pilit na pinakiramdaman niya ang sarili at sa huli ay napangiti siya. Ngayon niya masasabi na lubusan na niyang natanggap ang pagpapakasal ni Patty sa kakambal niya. May makapa man siyang lungkot ay halos kapiranggot na lamang iyon. Hindi na siya katulad ng dati na sa tuwing makikita niyang magkasama ang mga ito ay parang mahahati sa dalawa ang puso niya dahil sa labis na sakit.
"Ano 'yan?" ininguso niya ang pinanonood nito sa laptop nito.
"Bokura Ga Ita. Favorite anime daw ito ni Jean at siya pa ang mismong nagrecommend sa akin. Alam mo ba kahit si Kurt ay sobrang nahumaling na sa story nito?" anito at ibinida sa kaniya ang plot ng story.
Nang tawagin ito ng mommy nila ay tumayo ito at saglit na nagpaalam sa kaniya. Tumango siya at itinutok ang atensiyon sa anime na naalala niyang iniyakan dati ni Jean. Tapos na pala ang isang episode kaya ipinapakita na ang preview ng kasunod na episode.
I cry out for you to stay with me. I love you, after all. I love you, after all. I definitely love you, after all-ang sabi sa English translation ng kantang soundtrack ng nasabing