14

1068 Words
"Oh, ate B." inabot agad ni Jean sa kuya Brandy niya ang dala niyang gamot. Ilan araw na itong nagmumukmok sa bahay. Mabuti na lang at nasa out of town ang mga magulang nila kaya malaya itong mag emote anumang oras nito gustuhin. Dalawang linggong nagfile ng leave sa trabaho ang panganay na kapatid niya dahil sa iniinda nitong sakit sa puso. Brokenhearted eh... Naiintindihan naman niya ito. Kung siya nga noon ay kamuntik ng hindi umattend ng grand march niya dahil lang sa sugatang puso. Papaano pa kaya ito? marahil ay talagang pareho sila ng ugali kaya magkasundo silang dalawa. Pareho kasi silang ibinubuhos ang lahat ng mayroon sila kapag nagmamahal. May mga pagkakataon pala na mali rin ang ibigay ang lahat kapag nagmamahal na. Dahil kung gaano kalaki ang itinanim ng isang tao ay mas higit pa doon ang aanihin nito sa oras na masaktan ito. Kapag nagmahal pala ay nawawala na sa isip ang salitang 'give and take'. Kapag nasaktan ka na ng sobra ay doon lang sasagi sa isip mo na na give ka lang ng give kaya bigay todo din ang sakit na naramdaman mo. Kasi wala namang hinihinging kapalit ang pagmamahal. Makita mo lang na masaya ang taong mahal mo ay para ka na rin nakajackpot sa lotto. Naupo siya sa gilid ng kama at iniabot sa kapatid ang isang basong tubig. Ininom naman nito ang gamot at humarap sa kaniya. "Ate B?" namamanghang bulalas nito sa kaniya. Sa totoo lang ay malaki talaga ang hawig niya dito. Kung 'ubod ng ganda' ang madalas na description sa kaniya ng mga tao ay 'ubod ng gwapo' naman ito. Maliban sa kapatid ay ito na rin marahil ang best friend niya. Dahil alam niyang may pusong babae din itong kagaya niya ay hindi siya kailanman nahiyang magkwento dito ng mga problema niya. Pero mukhang adik na zombie ngayon ang kapatid niya dahil nanlalalim na ang mga mata nito sa labis na pag iyak. At maisip pa lang niya na ganoon ang naging hitsura niya nang magdrama din siya -dahil nasaktan siya sa unang pag ibig-ay kinikilabutan na siya. Pagkatapos ilapag sa mesa ang baso ay tumabi na si Jean sa kapatid. Isinandal din niya ang likod sa headboard ng kama at niyakap ang isang unan. Nanunuot sa ilong niya ang sumisingaw na amoy ng alak na kumakalat sa buong silid. Ang pasaway na kuya Brandy niya, siguradong malalagot ito sa pag uwi ng mga magulang nila dahil ang matandang mayordoma ang tiyak na magsusumbong ng mga ginawa nito. Ilan gabi na itong umuuwing lasing at ngayong umaga naman ay nagising ito na masakit ang buong katawan at nilalagnat. "Ate B.. ayaw mo? ikaw na nga ang tinawag na ate tapos parang hindi mo pa type. Dati naman gusto mo, ha?" "Ang chaka naman kasi. Bakit naman kasi 'ate B' kung pwede namang Ate, sister, Ate ganda?" "Ate B. mas bagay sayo.. ate booooba." "Gaga!" Mabilis na umiwas siya nang tangkain nitong hilahin ang mahabang buhok niya. "Kuya B. na lang!" natatawang saad niya. Inis na dinuro siya nito at binato ng unan sa mukha. "Subukan mong itawag 'yan sa akin sa labas at malilintikan ka talaga sa akin." Natatawang nilapitan niya ang kapatid at niyakap. Gumanti naman ito ng yakap sa kaniya. Sumandal ito sa headboard ng kama habang siya naman ay nakasandal sa katawan nito at may yakap na unan. "Alam mo kuya-ate-kuya-B-" "Sobra ka na!" "Aw!" napahiyaw siya ng pingutin nito ang tenga niya. "Oh siya na nga magseseryoso na ako." nakalabing wika niya. "So ayun na nga.. alam mo ate hindi mo naman siya dapat iyakan ng ganiyan eh. Umiyak ka na noong isang araw tama na iyon." saglit na natahimik ito at malalim na napabuntong hininga. "Hindi mo naman kasi ako naiintindihan, baby girl. Isa kang babae at darating ang panahon na mag aasawa ka na. Habang ako ay mag iisa hanggang sa pagtanda. Aminin naman natin na ang isang kagaya ko ay mahirap makatagpo ng true love. Alam ko na marami na sa amin ang may masayang buhay na ngayon kasama ang mga partner nila at naiinggit ako sa kanila. Ako.. papaano ako? tatanda na lang ba akong mag isa at maghihintay na lang sa pagbisita sa akin ng mga pamangkin ko?" "Kuya naman eh.." naluluhang nag angat siya ng tingin dito. "Ah, basta! dapat mauna kang magpakasal tutal payag naman sila daddy na magpakasal ka sa boylet. Kapag hindi ka nag asawa ay mas lalong hindi din ako mag aasawa." "Eh ikaw naman pala ang dakilang 'B'.." anito. "Isasakripisyo mo ang sarili mong kaligayahan para lang sa kuya mo? gusto mong maglaho sa mundo na virgin, ganoon? idonate mo na lang kaya ang matris mo at baka mapakinabangan pa ng iba." Napalabi siya. "Tinatakot mo naman kasi ako. Basta kung mauuna man akong mag asawa ang gusto ko magkasama pa rin tayo sa bahay. Wala akong pakialam sa iisipin ng magiging asawa ko. Pakialam ko sa kaniya, basta ang importante magkasama tayo hanggang sa huli." "Ah..." mukhang natouch ang kapatid niya dahil ginulo nito ang buhok niya. "Pero alam mo botong boto talaga ako sa fiancée mo." Kagat labing pinagmasdan niya ang kapatid. Nang banggitin na nito si Zac ay ngumiti na ito. Kahit nasasaktan ay nagkaroon ito ng dahilan para ngumiti at labis niyang ipinagpasalamat iyon. "Alam ko na mabuting tao si Zac at hindi ka niya magagawang saktan. Kaya ikaw lagyan mo na ng helmet ang jowa mo at baka mauntog." bilin nito. "Wag ka nga! Iyong ganoon kagwapong mukha itatago ko sa madlang people?" "Kako, baka mauntog," "Minsan naman ay hindi ang pagkauntog ng ulo ang dahilan nang paghihiwalay ng magjowa eh, sadyang madali lang talagang maalog ang puso ng isa kaya nagkakaroon ng gulo." "Naks! ang baby sister ko may pinaghuhugutan." "Tse! ligo mo na nga lang iyan amoy herbal tea ka na!" tumayo siya at pilit na itinago ang emosyon sa kuya niya. Ang pagkukunwari pala niya ang magiging dahilan ng pagsaya ng mga tao sa paligid niya. Parang sa kaniya humuhugot ng lakas ang mga ito. Kasi nga ay siya ang baby girl ng angkan nila. Kaya kahit may problema ang isa sa mga ito basta masaya siya ay parang balewala na ang problema. Napabuntong hininga siya. Pwede kayang maging totoo na ang pagpapanggap nila ni Zac? hindi lang para mapasaya niya ng tuluyan ang pamilya niya kundi maging ang sarili niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD