KINABUKASAN ay nagising si Brenna na mabigat ang pakiramdam. Hindi siya makabangon at sumasakit ang ulo niya. Tinawagan na niya si Sheryll na hindi siya makakapasok. Sinabihan niya rin ito na puntahan siya at dalhan ng gamot. Ayaw niyang istorbohin ang mommy niya at papuntahin pa sa condo. Balot na balot siya ng kumot nang datnan ng sekretarya. Pinakain muna siya nito saka pinainom ng gamot. Pagkatapos ay pinagpahinga na ulit siya. "Tumawag nga pala kanina si Saga. Tinatanong niya kung pumasok ka." Pagbibigay alam nito. Pilit niyang iminulat ang mga mata para tingnan ito. Nakaupo ito sa gilid ng kama. "A-Anong sabi mo?" Garalgal ang tinig na tanong niya. "Sinabi kong hindi ka pumasok. 'Yon lang ang alam ko e. Hindi ka pa naman tumatawag kanina para sabihing may sakit ka kaya hindi ko

