Four

2052 Words
Deja Vu "I'M LOOKING for Yvonne Carbonel?" Ani Brenna pagpasok niya sa isang Italian restaurant. Doon nila napiling mananghalian dahil 'yon ang pinaka-convenient na location para sa kanila. 15 minute drive lang 'yon mula sa SL habang walking distance lang ang Yuri's. Ang Yuri's ay ang isa sa chains ng coffee shop na pag-aari ng isa pa nilang pinsan na si Yuri. Isa itong pastry chef. Samantalang si Laraine ay nasa malapit lang din pala dahil may appointment ito sa isang client. Isa itong gown designer. Nang makarating siya sa mesa na naka-reserve sa kanila ay tumambad agad sa kanya ang nakasimangot na mukha ni Yvette. Naroon na pala ang lahat at siya na lang ang hinihintay. Agad siyang sinalubong at niyakap ng mga ito maliban nga kay Yvette na nanatiling nakaupo at nakahalukipkip. "We missed you, Bren!" Masayang sabi ni Yvonne nang bitawan siya at bumalik sa silya nito. "Bakit hindi mo sinabi na uuwi ka na pala? Sana nakapag-organize kami ng welcome party para sa'yo," sabi naman ni Laraine. Hindi siya sumagot at naupo na sa silya na nakalaan sa kanya katabi si Yvette. "I think she doesn't want anyone to know she's already here including us and..." ani Yuri na ibinitin pa ang sasabihin. Lahat tuloy sila ay napabaling ang atensyon dito. "And?" Tanong ni Yvonne na halatang gustong marinig ang tsismis. Pero nanatiling hindi nagsasalita ang una at nakatitig ng makahulugan sa kanya. Gusto niya itong tingnan ng masama para hindi nito ituloy ang sasabihin pero hindi ito ang nagsabi ng tsismis kundi si Yvette. "Sino pa nga ba e, 'di si Esteban. The guy she met on Batangas." Nagtataka niya itong tiningnan. Paano nito nakilala si Isagani? Sa pagkakatanda niya isang beses lang niyang nabanggit dito ang tungkol sa binata at 'yon ay noon pang kasal nila Kass at Xavier. "Sinong Esteban? Saka may pangalan bang gano'n?" Kunot ang noong tanong ni Laraine. "Wait, kanina pa tayo nandito pero wala pang dumadating na pagkain. Naka-order na ba kayo?" Pag-iiba niya sa usapan. Ilang araw pa lang mula ng maisalang siya sa hot seat at ayaw niyang maulit 'yon ngayon lalo na at ang nakaraan niya ang topic. She's not ready to talk about it now. Hindi pa rin siya handa na isalaysay sa mga pinsan ang buong kwento nila dahil paniguradong aabutin sila ng siyam-siyam. Walang alam ang mga ito sa mga nangyari sa kanila ni Isagani maliban kay Yuri. Pero hindi rin naman detalyado ang alam nito tungkol sa kanila. Noon kasing mga panahon na broken hearted siya at nalulungkot ay ito lang ang sumagot ng long distance call niya kaya nasabi niya dito ang problema. Pero ang talagang may alam ng lahat ng tungkol sa nakaraan niya ay si Kassandra. Hindi niya alam pero mas komportable siyang sabihin dito ang problema niya. "Oh, they are here," sabi ni Yvonne na ikinalingon niya at nakita niya ang parating na mga waiter dala ang pagkain nila. Lihim siyang nagpasalamat dahil natahimik ang paligid at natigil ang pag-uusisa sa kanya. Sana lang ay hindi na siya usisain pa. Matapos mai-serve ang pagkain nila ay kanya-kanya na ang mga pinsan niya sa pagkain at gano'n din ang ginawa niya. Nakalimutan niyang hindi nga pala siya nag-almusal at ngayong nakita niya ang mga naka-serve sa harapan niya ay bigla siyang nakaramdam ng gutom. Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang biglang makatanggap ng tawag si Yvette kaya saglit nitong ini-excuse ang sarili sa kanila para sagutin ang tawag. "What's wrong with Ivy? Napansin ko kanina pa siya nakasimangot," sabi ni Yuri habang nakatingin sa papalayong pinsan. Nagkibit-balikat ang ibang pinsan niya maliban sa kanya dahil alam niya kung bakit ito nagkakaganoon at dahil 'yon sa kanya. "She asked me to go with her in Baguio but I refused." Tipid na sagot niya na sa pagkain nakatuon ang atensyon. "Bakit mo tinanggihan? Baka naman naglalambing lang siya sa'yo," ani Laraine. Uminom siya ng tubig at pinunasan ang gilid ng labi niya saka tiningnan ang mga ito. "Nag-declare ng bankruptcy ang kompanya namin dahil sa kapatid ni daddy na si Tito Primo. At dahil hindi na pwedeng bumalik si daddy sa trabaho, ako na ang pumalit sa kanya bilang CEO." Paliwanag niya. Hindi lingid sa kaalaman ng mga ito ang problema ng daddy niya sa puso. "We are sorry to hear that, Bren," ani Yuri. Tipid siyang ngumiti kasabay ng bahagyang pag-iling. "No need to apologize. Marami na 'kong plano para maibangon ulit ang kompanya." saad niya. "Just tell us if you need help and we'll see what we can do to help you," ani Yvonne. Magsasalita pa sana siya nang marinig nila ang boses ni Yvette mula sa likuran niya. "I need to go. Hinahanap na 'ko ni Momshy Vodka," anito na ang tinutukoy ay ang bading na Manager at handler nito. Umupo ito sa tabi niya at dinala ang bag nito sa kandungan. "May nag-volunteer na nga din palang samahan ako sa photoshoot ko sa Baguio," dagdag pa nito na parang pinaparinggan siya habang inaayos ang gamit nito. Nagkatinginan silang lahat dahil sa sinabi nito. "Hindi mo man lang ba tatapusin ang pagkain mo?" Tanong ni Laraine. Hindi ito sumagot at nasa phone na ang atensyon nito. "Sinong kasama mo sa Baguio?" Usisa ni Yvonne. "Secret!" Pilyang sabi ni Yvette at may kakaibang ngiti ang sumilay sa labi nito. "Siguro 'yon na naman 'yong secret boyfriend mo no?" Pananalakab pa ni Yvonne. Sa kanilang lima si Yvette ang pinakamalihim. Marami itong bagay na hindi nito ikinukwento sa kanila at isa na do'n ang boyfriend nito.  Wala silang alam sa identity ng nobyo nito at ni minsan hindi pa ito nagkukwento sa kanila. Well, hindi niya alam kay Yvonne dahil mukhang may alam ito. Sa kanilang lahat kasi ay ito ang pinakamausisa. Pero maaasahan naman ito sa lahat ng bagay at tingin niya 'yon ang purpose ng pagiging mausisa nito. Hindi pa man nasasagot ni Yvette ang tanong dito ay bigla na itong tumayo at isinukbit ang bag sa balikat nito. "Nandiyan na ang sundo ko. Babush!" Hindi na nito hinintay ang sagot nila at tuloy-tuloy na itong umalis. Napapailing na lang siya habang tinatanaw itong papalayo. Limang taon niya itong nakita pero halos wala itong pinagbago. She's the same Yvette that she knew. 'Yong eksaherada kung kumilos at magsalita. "Anyway, kailangan ko na rin palang umalis. May mga client akong pupuntahan ngayong araw at kailangan kong kunin ang gown designs na gusto nila. You know hindi lang naman bride ang kailangan kong kausapin. Lahat ng invited sa kasal kailangan kausapin at sukatan." Litanya ni Laraine. "Soon sana ako naman ang magawan mo ng traje de boda. Pero sa ngayon hahanap na muna ako ng magiging groom," saad ni Yvonne na parang nangangarap. "Kailangan ko na rin bumalik sa opisina," untag niya sa mga ito. Hindi niya gustong sirain ang pagde-daydream ng pinsan pero kailangan niya na rin magpaalam. "O, sige. Dito na tayo maghiwa-hiwalay. Ikaw Yu, saan ang next destination mo? Babalik ka ba sa coffee shop mo?" Baling nito kay Yuri. "Nope. I'm done for the day. Uuwi na 'ko sa condo ko at matutulog buong maghapon," nakangiting turan ni Yuri. Tinawag ni Yvonne ang waiter para sa chit at nang lumapit ito ay agad na iniabot ng pinsan niya ang pera. "Keep the change," anito at kinindatan pa ang pobreng waiter. Napailing naman silang tatlo nila Yuri dahil gumana na naman ang pagka-playgirl ni Yvonne. Sa nakita nilang hitsura ng umalis na lalaki ay mukhang nagayuma na ito agad dahil lang sa simpleng kindat. Poor guy… May iiyak na naman na kalahi ni Adan. "Anong ibig sabihin niyan?" Tanong ni Yvonne na ginaya pa ang pag-iling nila saka tumayo at inayos ang medium length ash blond hair nito. Tumayo na rin sila at sabay-sabay na lumabas ng restaurant. "Wala 'yon." Tipid na sagot niya. "O, pa'no? Next time na lang ulit. Kailangan ko na talagang bumalik sa opisina." Dagdag niya at naglakad na palayo. Hindi na siya nag-abalang makipag-beso sa mga pinsan dahil mga bata na lang ang gumagawa no'n ngayon. Matanda na sila para do'n. O pananaw niya lang 'yon? Nilingon niya ang mga pinsan at nakita niyang kanya-kanya na rin ito sa paglulan sa mga dala nitong sasakyan. See? Ni hindi na rin nag-abala ang mga ito na mag-beso. Kung dati ay nagbe-beso pa sila kapag nagkikita at nagpapaalaman ngayon ay hindi na. Mukhang pati ang mga ito ay nag-matured na. Well hindi naman nagkakalayo ang mga edad nila. Pero she must admit na siya ang pinakamatanda. Wala sa sariling napangiwi si Brenna nang imaniobra niya ang sasakyan palabas ng parking lot. She's turning 31. Laraine and Yuri will turn 29 in three months time while Yvonne just turned 27 last month. And Yvette being the youngest is just 26. Natigil sa pag-iisip si Brenna nang bigla siyang makaramdam ng malakas na impact na muntik pa niyang ikasubsob sa manibela. Agad siyang lumabas ng sasakyan para tingnan kung anong nangyari. Nang makababa ay saka niya nakita na may naatrasan siya. Isa 'yong itim na sasakyan. She's not an expert when it comes to cars but she can say that this car was expensive. Minsan na niya 'yong nakita sa isang commercial sa tv. "What did you do?!" Napatingin siya sa babaeng bumaba sa sasakyan at iritang lumapit sa kanya. "I'm sorry. I didn't notice your car. Maybe we can just settle the damages?" Agad na sabi niya dahil ayaw na niyang paabutin pa sa kung saan ang problemang nagawa niya. Sana lang ay makipag-areglo sa kanya ang babae. Sa tingin niya naman ay ayaw din nito na palakihin pa ang nangyari. Wala sa itsura nito na mukhang socialite at hindi mahilig sa trouble. Pero nagkamali yata siya ng pagkilatis lalo na nang makita niya ang pagsingkit ng mga mata nito. "So are you saying that it was my fault?" Tumayo ito ng tuwid at ang isang kamay ay inilagay sa balingkinitan nitong baywang. Samantalang ang isa ay isinapo nito sa noo na animo'y sumasakit ang ulo. "No. It's not what I----" "No! 'Yon ang gusto mong palabasin! Alam mo I won't let this pass. I will call my lawyer para masampahan ka ng karampatang kaso!" Galit na sabi nito at nagsimulang magkalikot ng phone. Napahilamos naman siya ng mukha dahil sa frustration. She's currently facing a problem and yet there's another problem again. "Saga, it's Ivana. I'm here outside. I'm stucked dahil may bumangga sa car ko and she insisted that it's my fault." Sa tono ng pananalita nito mukhang hindi naman abogado ang kausap nito. May nahimigan siyang kaartehan sa tono ng pananalita nito na para bang nakikipag-flirt ito sa kausap. Isa pa ay para itong bata na nagsusumbong at akala mo ay naagrabyado. "Yeah, I'm fine. Can you just go out here, please?" Pagkasabi no'n ay abot-tenga ang ngiti na binalingan siya ng babae. "My boyfriend is coming and he'll see that it's not my fault," puno ng kumpiyansang sabi nito. Napabuga siya ng hangin. "Look, Miss, wala akong sinabi na kasalanan mo ang nangyari. Ang sabi ko---" Natigil siya sa pagsasalita nang muling tumunog ang phone ng babae. Nagkibit-balikat siya at itinikom ang bibig niya. Tiningnan lang niya ng sagutin nito ang telepono at itapat 'yon sa tainga nito. "Are you coming?" Tanong nito sa kausap at sumulyap pa ito sa loob ng restaurant. "What? Why? Ayokong makipagkasundo dito. It's not my fault, Saga..." Halata ang iritasyon sa boses nito at marahas itong napabuntong-hininga habang nanatiling nakikinig sa kausap. Brenna felt the urge to look at the direction where the woman was looking. Hindi niya alam pero pakiradam niya may nakamasid sa kanya. May nakita siyang isang bulto na nakatayo malapit sa entrance pero hindi niya mabistahan ng maayos ang mukha nito dahil sa sinag ng araw na tumatama sa glass door ng restaurant. Hindi niya alam kung ito ang nakatitig sa kanya basta ang alam niya naiilang siya. "Hey, care to tell me your name?" Untag sa kanya ng babaeng nagngangalang Ivana. Nilingon niya ito at ipinakilala ang sarili. Pinilit niyang iwaksi ang pagkailang na nararamdaman sa hindi maipaliwanag na dahilan. Pagkatapos no'n ay naglabas siya ng business card at iniabot 'yon dito. "I'm really sorry but I have to go. I will pay for all the damages just call me," aniya at pumasok na siya sa sasakyan niya. Ito naman ay pumasok na rin sa sasakyan nito at sinimulan 'yong imaniobra. Saka lang siya nakahinga ng maluwag nang tuluyan siyang makalayo sa restaurant. Bigla niyang naalala na hindi niya nakuha ang numero ng babae pati na rin ang buong pangalan nito. Anyway iniwan naman niya ang business card dito. Hihintayin na lang niya ang pagtawag nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD