Three

2176 Words
"WE ARE NOT here to point or blame each other. We are here to find solution to the problem that we are facing," turan ni Brenna para pigilan ang namumuong tensyon sa pagitan ng mga board members. Simula pa lang kasi ng maupo siya sa silya para simulan ang meeting ay umugong na ang bulong-bulungan. Hangga't maaari gusto niyang maging kalmado ang pag-uusap ng lahat. "Then tell us what you're up to, Miss President? Tell us the solution that you're saying?" Tanong ni Mr. Gregorio, isa sa pinakamatandang board member at isa sa pinaka-mainitin ang ulo. "But before that, we want to know where's Primo? He should be here to explain the bankruptcy? Where's our money?" Tanong naman ng isa pang miyembro ng board na si Mrs. Roy. Na-caught off guard siya sa mga ito dahil maging siya ay hindi alam kung nasaan ang Tito niya. Ang buong akala niya ay madadatnan niya ito doon pero nagkamali siya. "I apologize for his absence but rest assured I will do anything and everything I can to bring your money back. The company's money to be exact. You're not the only one who lost a big sum of money but also my father. It's not just that, he might also lose this company if I don't look for a solution to this problem." Litanya niya na ikinatahimik ng mga kasama. Mukhang naiintindihan na ng mga ito na imbes na dumakdak ay kailangan na nilang umisip ng solusyon dahil lahat naman sila ay apektado sa mga nangyayari. Nang wala pa ring magsalita ay kinuha na niya ang pagkakataong 'yon para ilatag sa mga ito ang mga plano niya. Pero gaya nga ng alam na niyang mangyayari ay nagkaroon pa sila ng negosasyon at paliwanagan sa kung paano niya magagawa ang plano niya gayong para sa mga ito ay mukhang imposible. Matapos ang higit isang oras ay naayos at naipaliwanag din ng maayos ni Brenna ang mga gusto niyang gawin sa kompanya. Napagtagumpayan niya rin na muling makuha ang tiwala ng lahat ng miyembro ng board. Now the company's future is in her hands. "Ang galing niyo po, Ma'am. Akala ko po ay hindi niyo na mapapapayag ang board para bigyan pa kayo ng kaunting panahon para isalba ang kompanya," sabi ni Sheryll pagpasok nila ng opisina niya. Naupo siya sa brown leather chair ng ama at binuksan ang laptop saka muling hinarap ang sekretarya. "Kaya nga kailangan na nating maghanap ng mga bagong investors," turan niya na ang atensyon ay nasa screen. "I'm willing to help, Ma'am. May ilang projects po akong alam na ni-reject ng daddy niyo in the past. Maybe I can ask them to get us for the project," suhestiyon nito at nagsimula namang magkalikot sa iPad nito. Natigil siya sa ginagawa at kunot ang noong hinarap ang sekretarya. "Wait, may mga tinanggihang project ang daddy? Bakit? Anong rason?" Napatingin naman ito sa kanya at napaawang ang labi nito nang makita ang hitsura niya. Ibinaba nito ang gadget at parang tinakasan ng kulay ang mukha. Sa nakitang reaksyon nito ay alam niyang may mali. "Tell me, what is the reason, Sheryll?" Tuluyan na niyang isinara ang laptop at itinuon dito ang buong atensyon. "A-Ang totoo po niyan, Ma'am, hindi ko din talaga alam. Ang natatandaan ko lang ilang beses nag-attempt ang kompanya na 'yon para kunin ang services ng Silvestre Land pero lagi 'yong tinatanggihan ng daddy niyo." Paliwanag nito. Napatango naman siya at hindi na nagduda sa sinabi nito. May valid reason naman siguro ang ama para tumanggi sa isang proyekto. Marami ang dapat isaalang-alang kapag tatanggap ng bagong proyekto at maaaring marami ang nakabinbin na trabaho noon kaya hindi na sila nagdagdag pa. Gusto niya sanang pag-isipan muna ang pagpapadala ng email dahil ang siste ay sila na ang nag-aalok ng serbisyo at hindi na sila ang hinahanap. Pero sa kabilang banda ay kailangang-kailangan nila ng bagong proyekto kaya imbes na pag-isipan pa ay um-oo na siya. "Send them an email right away and give them discounts or lower the project price," aniya at tipid itong nginitian. Tumango lang si Sheryll at lumabas na ito ng opisina. It's her new strategy. If they want to get new projects they need to lower their price but the quality of their service are still the same. Kinuha ni Brenna ang reading glass sa handbag niya at isinuot 'yon saka muling binuksan ang laptop. Puno ng kumpiyansa niyang sinimulan ang trabaho dahil pakiramdam niya ay aayon sa kanya ang lahat ng plano. Kinabukasan ay gano'n pa rin ang routine niya. Pero hindi gaya kahapon na sa bahay nila sa Pampanga siya nanggaling. Ngayon ay nagmula siya sa condo niya dahil 'di hamak na mas malapit kung doon siya manggagaling. Magaan ang atmosphere sa kompanya ng pumasok siya nang umagang 'yon at halos lahat ng makasalubong niya ay binabati siya. Taliwas 'yon sa iniisip niya na magiging toxic sa kanya ang bagong posisyon at tungkulin na iniatang sa kanya. Pero maaga pa siguro para sabihin 'yon dahil nagsisimula pa lang siya. "Good morning po, Ma'am. Gusto niyo po bang ipagtimpla ko kayo ng kape?" Bungad sa kanya ni Sheryll pagpasok sa opisina niya habang bitbit ang iPad nito. "I don't drink coffee but you can give me tea," tugon niya. Hinubad niya ang blazer at isinuot 'yon sa likod ng swivel chair. Agad naman tumalima ang sekretarya at sandali siyang iniwan. Habang hinihintay ang pagbalik ni Sheryll ay naglakad ang dalaga palapit sa glass wall kung saan tanaw ang buong siyudad at panandalian niyang tinanaw ang nagtatayugang mga building. Wala siyang makitang maganda sa lugar na 'yon siguro ay dahil maaga pa at mas maganda 'yong tingnan sa gabi kung kailan bukas ang lahat ng mga ilaw. "Ito na po ang tea niyo," ani Sheryll mula sa likuran niya. Hinarap niya ito at nakita niyang inilalapag na nito ang tsaa sa mesa. Lumapit siya at naupo sa swivel chair. "Everyone seems in a good mood today," komento niya. Nakangiti namang tumango ang babae bilang pagkumpirma sa sinabi niya. "Lahat po talaga ay masaya ngayon dahil hindi na tuluyang magsasara ang SL at ibig sabihin lang no'n ay hindi mawawala ang mga trabaho namin," turan nito. Banayad siyang napangiti sa narinig. "I won't let that happen. 'Yon ang huling bagay na gugustuhin kong mangyari, ang mawalan ng trabaho ang mga taong kasama namin simula pa noong nasa baba kami," sabi niya. She knew it sounds dramatic pero 'yon ang nararamdaman niya. "Matutuwa po ang lahat kapag narinig 'yan," komento nito. Magaan ang pakiramdam na ipinagpatuloy ni Brenna ang trabaho. Habang hinihintay pa nila ang sagot ng mga kompanya na inalok nila ng serbisyo nila ay kailangang ipagpatuloy niya ang trabaho para kung sakaling makuha nila ang matamis na oo ng mga ito ay maibibigay nila ang isang daang porsyento nila. Wala pang ilang minuto ang nakararaan mula ng lumabas ang sekretarya sa opisina niya nang maramdaman niyang bumalik ito. Nang iangat niya ang tingin ay napagtanto niyang hindi 'yon si Sheryll. "You're really here!" Bulalas ni Yvette habang nakatayo sa nakasarang pintuan at animo'y gulat na gulat na makita siya. "Obviously, Yvette," sarkastikong turan niya. "Tatayo ka na lang ba diyan at tititigan ako?" Dagdag niya. Humalukipkip ito at inirapan siya. "No! Not until you stop calling me Yvette," maarteng turan nito. Napapailing na hinubad niya ang reading glass habang hindi pa rin inaalis ang tingin dito. "At kailan pa naging issue sa'yo ang pangalan? As far as I can remember mas gusto mong tinatawag ka sa screen name mo." Artista ang pinsan niyang ito at Yvette Verdadero ang ginagamit nitong screen name. Nagdadabog itong lumapit sa mesa at umupo sa silyang nasa harapan niya. "Ngayon lang. E, kasi naman ang sosyal pakinggan ng pangalan ko kapag binabanggit mo. Tunog imported." Ipinatong nito ang kamay sa ibabaw ng mesa niya at kitang-kita ang pulang-pula nitong mga kuko na halatang bagong manicure lang. Wala sa sariling napasulyap siya sa mga kuko. Hindi na niya matandaan kung kailan siya huling nakapunta ng parlor para ipagawa ang mga kuko niya. "Buti ka pa nakapag-bakasyon ng mahabang panahon samantalang ako ni makapag-out of town hindi pwede dahil sa dami ng trabaho. Pero sabagay ginusto ko naman ang career na 'to," sabi nito na parang sarili lang ang kinakausap. 'Kung alam mo lang kung ano ang tunay na dahilan ng mahabang bakasyon ko,' aniya sa isip. Napa-tss siya dahil sa sinabi nito. "If I know gabi-gabi kang laman ng bar kaya okay lang kahit hindi ka makapag-bakasyon." "Ay grabe siya! Pero tama ka," pagsang-ayon nito. "Pero kahit na! Kailangan ko rin ng bakasyon no! As in 'yong mahabang bakasyon. Nabu-burn out din naman ako sa career ko no." Dagdag pa nito. Hindi siya nagkomento sa sinabi nito at nanatili lang nakatitig dito na para bang may hinahanap sa mukha nito. Hindi naman nag-iwas ng tingin si Yvette pero nakakunot ang noo nito. "May dumi ba 'ko sa mukha?" Tanong nito. Napailing naman siya. "Wala. Nagtataka lang ako kung bakit ka nandito. I know you Yvette. So tell me, anong kailangan mo?" Aniya. Wala siyang nakitang pagtutol sa mukha ng pinsan patunay lang na may pakay nga ito kaya siya nito pinuntahan. "Honestly, since napag-usapan na rin natin ang bakasyon may ipapakiusap sana ako sa'yo." Bakas sa mukha nito ang pag-aalangan. "Spill it out, Yve. I don't want t be rude but I still have lots of work to do so I can't entertain you all day," sabi niya. "Hindi ako magtatagal dito kung... papayag ka sa hihingin kong favor." Nakaukit sa isang sulok ng labi nito ang ngiti na hindi niya alam ang ibig sabihin. She knew Yvette at lagi itong may kapilyahan sa isip. "Samahan mo 'ko sa Baguio, please?" Pinaganda pa nito ang mga mata at pinagdikit ang mga palad sa harap ng mukha nio. Hindi siya agad nakasagot sa sinabi nito. Hindi ba nito alam kung ano ang kinakaharap niya at ng kompanya nila? Sabagay wala pang nakakaalam sa mga kamag-anak nila sa mother side kung ano ang nangyayari sa kanila ngayon maliban sa Tita Katarina niya na tumangging tulungan siya for some unknown reason. Hindi rin naman alam ng mommy niya ang ginawa niyang paglapit sa nakatatandang kapatid nito at pakiramdam niya wala itong balak na humingi ng tulong sa isa man sa mga kapatid nito. Hindi niya alam kung pride ba 'yon o may mas malalim pang dahilan. Basta ang alam niya mas kailangan niyang unahin ang kompanya. "Please, don't say no to me, Bren. It's just three days and two nights," "I'm sorry, Yve, but I can't. May mga bagay na hindi ko na pwedeng gawin gaya ng dati. Gusto man kitang samahan pero may ibang bagay akong mas dapat asikasuhin." Napanguso ito nang marinig ang sinabi niya. Kung dati ay pwede siya nitong higitin kahit saan nito gustuhin ngayon ay hindi na. Hindi na siya ang dating Brenna na carefree at hindi nag-aalala sa darating na bukas. Ngayon ay may nakaatang na na malaki at mabigat na responsibilidad sa kanya na kailangan niyang pagtutuunan ng pansin. Hindi lang ang kinabukasan ng kompanya ang nakasalalay sa kanya kundi pati na rin ang kinabukasan ng mga empleyado. Sa huli ay umalis din si Yvette na halatang laglag ang balikat. Sinubukan pa nitong ipaliwanag sa kanya na importante ang gagawin nito sa Baguio pero buo na ang pasya niya na tumanggi. Ilang minuto pa lang ang nakakaraan mula ng umalis ang pinsan ay nakatanggap naman siya ng tawag mula sa isang unregistered number. Iilan pa lan ang nakakaalam ng bago niyang numero kaya nagtataka siya sa kung sino ang tumatawag. Hindi niya ugaling sumagot ng tawag mula sa hindi kilalang numero. Pero dala ng kuryosidad ay sinagot na rin niya. ["Hello, Bren?"] Anang boses ng babae mula sa kabilanb linya. "Yvonne?" Paniniyak niya nang mabosesan ang pinsan. ["Yep, it's me! Totoo ngang nasa Philippines ka na ngayon. I miss you!"] Ramdam niya ang pagkasabik sa boses nito. ["Nasa'n ka? Pwede ba tayong magkita before lunch? Sabay na tayong mag-lunch?"] "I can't answer you right away. I need to ask my secretary first to see if I don't have meetings or appointments on that time," saad niya. Gusto niyang paunlakan ang paanyaya nito dahil lunch lang naman 'yon. Pero hectic ang schedule niya at pakiramdam niya wala na siyang time para do'n. ["Pumayag ka na, Bren, please? Tatawagan ko na rin si Yvette, Yuri, at Laraine, para naman mabuo ang grupo natin kahit ngayon lang."] Pakiusap pa nito. Hindi lang niya masabi na kagagaling lang do'n ni Yvette at katatapos lang din niya tanggihan ito. "Okay. I will see what I can do," pagsang-ayon na rin niya at pagkatapos ay pinatay na ang tawag. Napangiti siya nang maalala ang sinabi nito. Grupo silang magpipinsan at nabuo 'yon dahil sa Tita Katarina nila na binansagan sila bilang 'Career Woman'. Lima silang magpipinsan na puro babae at lahat din naman sila ay nagtagumpay sa career na pinili nila. Well, maliban sa kanya. Yes, she was successful years ago. Pero nawala ang lahat ng 'yon ng ma-in love siya at ma-broken hearted. Pero ngayon ay sinusubukan na ulit niyang maging successful sa pamamagitan ng pagsalba ng kompanya nila. Ipinilig niya ang ulo para alisin ang nasa isip niya. Hindi na muna niya dapat isipin ang nakaraan. Ang mahalaga ay ang kasalukuyan at ang hinaharap. Tumayo siya at muling isinuot ang blazer saka lumabas ng opisina para kausapin si Sheryll.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD