HINDI MAIPINTA ang mukha ni Ivana nang maupo ito sa silyang katapat ni Saga. Hindi rin siya nito tinitingnan at nakatuon ang atensyon nito sa telepono.
Siguradong masama ang loob nito dahil hindi siya lumabas kanina para ipagtanggol ito. Nasanay kasi itong isang tawag lang sa kanya ay naroon agad siya para tumulong. He was there earlier and he's ready to help her. Pero nang makita niya ang babaeng nasa tabi ng kaibigan ay para siyang naestatwa sa kinatatayuan. He can't help but to stare at her and examine every detail of her.
Hindi niya pwedeng makalimutan ang mukha ng babaeng nang-iwan sa kanya sa ere limang taon na ang nakakaraan. Akala niya ay kaya nilang harapin lahat ng pagsubok basta magkasama sila. Pero hindi pala dahil hindi sapat dito ang buhay na kaya niyang ibigay.
Wala sa sariling naikuyom ng binata ang kamao na nasa ibabaw ng mesa nang maalala ang nakaraan. Hindi niya matanggap na dahil lang sa kahirapan niya noon ay nagawa siyang iwan ni Brenna. Ngayon ay gusto niyang makita ang magiging reaksyon nito kung sakaling mag-krus ang landas nila.
Malaki na ang ipinagbago ng 'itsura nito. Mukha na itong respetadong businesswoman. Magugulat din kaya ito kung sakaling makita nito na ang magsasakang iniwan nito noon ay kapantay na nito sa antas ng pamumuhay?
"Hey, what's wrong? Saga..." Naikurap niya ang mga mata nang marinig ang boses ni Ivana. Hindi niya alam na kanina pa pala siya nakatitig sa mesa at gusot ang mga kilay. Tumikhim siya at binalingan ito.
"Naka-order ka na ba?" Tanong niya at sinulyapan ang menu na kalalapag lang nito.
"Yea, um-order na 'ko and I decided na pareho na ang order-in natin since you're spacing out when I'm asking you." Naka-ismid na turan nito. "Anyway, I have the woman's business card and she told me to call her." Inilapag nito sa harapan niya ang card at mabilis pa sa alas kuwatro na dinampot niya 'yon at tinitigan.
Brenna Silvestre, President and CEO. Silvestre Land. Pagbasa niya sa mga nakasulat sa tarheta.
Hindi niya maiwasang tumawa at nakuha no'n ang atensyon ng babaeng kasama. "President and CEO pala siya ng isang kompanya and yet she doesn't look like one. She didn't even know how to drive. Isa pa ay masyadong luma ang sasakyan niya para sa isang Presidente. What do you think?"
May punto ito na masyadong luma ang sasakyan na gamit ng dalaga. Pero wala na siyang pakialam do'n. Ayaw na niyang magkaroon ng koneksyon sa mga bagay na may kinalaman dito.
Hindi mawala sa isip ni Saga ang magandang mukha ni Brenna hanggang sa makauwi siya sa bahay. Wala na siyang pakialam dito pero hindi naman ito maalis sa balintataw niya.
Pasalpak siyang naupo sa couch sa living room at mariing ipinikit ang mga mata niya sa pagbabakasakaling mawala ang dalaga sa isip niya. Pero lalo lang tumimo sa utak niya ang mukha nito na matagal niyang hindi nakita.
Mahina siyang napamura dahil sa naisip. Hindi niya napansin ang paglapit ng ina at narinig nito ang sinabi niya.
"Masamang araw na naman ga sa trabaho?" Agad siyang umayos ng upo at hinarap ito.
"Pagod lang. Kailangan ko lang ng pahinga," sabi niya at tumayo na saka nagtungo sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang kwarto niya.
"CLEO, ANONG schedule ko ngayon?" Tanong ni Brenna sa sekretarya pagpasok niya sa opisina. Nakasunod lang ito sa likod niya dala ang ipad nito.
Inilapag niya ang shoulder bag sa swivel chair at hinubad ang white blazer niya saka isinampay sa likod ng upuan.
"Ang totoo po niyan, Ma'am..." Nilingon niya ito nang ibitin nito ang sasabihin. By the look on her face mukhang walang good news sa umagang 'yon.
"Wala pa rin pong sumasagot sa mga emails na pinadala natin kahit isa," nakangiwi na sabi nito. She doesnt want to see that look on her face. Halatang naaawa ito sa kanya or rather sa kompanya.
Napalunok siya at pilit na ngumiti. Ayaw niyang pati siya ay makaramdam ng awa para sa sarili. That's the last thing she wanted to feel.
"'Wag kang mag-alala. Siguro nire-review pa lang nila ang mga proposal na ipinadala natin. Four days pa lang naman mula noong ipadala natin ang email sa kanila. We have to wait. They need more time to weigh if it's a good catch or not. But I'm telling you they will grab it." Buo ang kumpiyansang sabi niya. Pero sa likod ng mga salitang 'yon ay ang piping panalangin na sana nga ay may sumagot at tanggapin ang proposal na iniaalok nila.
Paalis na ang sekretarya niya nang mulu itong pumihit pabalik. "Nasa labas daw po si Sir Primo at gusto kang makausap," sabi nito.
"Papasukin niyo siya." Bago pa may makahuma sa kanila ay nakita na nila ang Tito niya na pumasok at dumiretso sa couch. Prente itong naupo doon.
Nagkatinginan na lang sila ng kaibigan at sinenyasan ito na umalis na. Hindi niya malaman kung saan kumuha ng lakas ng loob ang Tito niya para bumalik sa kompanyang pinagnakawan nito ng pera.
Hindi naiwasan ni Brenna ang mapairap at humalukipkip sa harapan ng lalaking nasa opisina niya. Umupo siya sa swivel chair niya saka tumikhim para kunin ang atensyon nito. Pero hindi man lang ito natinag sa ginagawa.
"I bet you didn't came here just to flip the magazine's pages, Tito? So tell me what you are up to? I don't have much time to waste." Ayaw niyang maging bastos dahil kahit anong gawin niya kadugo niya pa rin ito at mas nakatatanda sa kanya. Pero hindi ba't nauna ito nang wala man lang itong pakundangang pumasok sa opisina niya at ituring siyang parang anino.
She cleared her throat again and stood up. "Since nandito na rin kayo might as well confess what you did. Sabihin niyo kung saan niyo ginasta ang pera ng kompaya?"
"Watch your words lady." May himig pagbabanta sa tinig nito at pabagsak na binitawan ang hawak saka sinalubong ang titig niya.
Muntik na siyang masindak sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Pero sa nangyayari ngayon sa kompanya at sa daddy niya walang puwang ang emosyon na 'yon sa kanya. Kaya matapang niyang sinalubong ang masama nitong tingin.
Nagsukatan sila ng tingin hanggang sa ito na ang nagpasyang magbawi. "I personally came here to apologize. I thought si Arturo pa rin ang Presidente ng kompanya. I want to settle this with him. But since he's not here I will just go to your house." Tumayo ito at handa ng umalis nang magsalita ulit siya.
"You're unbelievable..." Hindi makapaniwalang turan niya. "Go on, Tito. Tell him that you really did stole the money just to support your whims. Tell him so he'll have a heart attack again that can be the cause of his death." Sarkastikong turan niya.
"You knew his hardships just to build this company and you... you just spend every centavo like you were entitled to do it." Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili. "He is suffering from the problem that you have caused and I as well. I have to take over because I'm afraid if I let him stay as the head his heart might give up."
Hindi ito nakahuma sa narinig. "I'm doing everything I can to save the company from bankruptcy without dad's help and I'm not asking you to return everything that you stole. But please, don't force me to do something against my will... and that is to sue you." Pagalit na wika niya. "Now, if you'll excuse me I have more important things to do." Bumalik siya sa swivel chair at binuksan ang laptop. Itinuon niya ang tingin do'n kahit na lumilipad ang isip niya.
Ilang segundo ang lumipas alam niyang nakatitig sa kanya ang Tito Primo niya pero iniwasan niyang salubungin din ang tingin nito. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Pero sana ay natauhan ito sa mga sinabi niya.