"Saga! I missed you!" Bungad ni Ivana at niyakap ang binata mula sa likod. Nasa hardin ito at ang ina ng araw na 'yon ng linggo.
Hindi siya pumapasok sa trabaho tuwing sasapit ang araw na 'yon para makasama ang inang si Helen. Sinisiguro niya rin na wala siyang tawag o trabahong tatanggapin kahit gaano pa 'yon kaimportante dahil wala ng mas mahalaga pa sa ina.
"Anong ginagawa mo dito, Iv?" Kunot ang noong tanong niya nang harapin ito. Pinatay niya ang tubig sa hose at inilapag 'yon. Kasalukuyan niyang dinidiligan ang iba't ibang uri ng halaman na tanim ng ina
"Anak, Gani, tingnan mo o! Nandine na iyong halaman---" Natigil sa pagsasalita ang ginang nang makitang may bisita. "May bisita ka pala?"
"Hi, Tita! It's nice to see you again." Lumapit ito sa ina at nakipag-beso. Apologetic niyang tiningnan ang ina.
Napipilitan naman nitong nginitian si Ivana nang humiwalay ito at bumalik sa tabi niya. Nilapitan niya ang ina at kinuha ang mga dala nito. "Tapos ko ng diligan ang mga halaman, 'Nay. Anong sunod nating gagawin?"
"Estimahin mo na muna ang bisita mo at ipaghahanda ko kayo ng makakain." Hindi na nito hinintay ang sagot niya at pumasok na sa loob ng kabahayan.
"What brings you here, Ivana? Hindi ba malinaw ang nakasaad sa memo na walang gagambala sa'kin tuwing linggo kahit pa gaano ka-importante ang sasabihin?" Seryoso niyang tanong nang harapin ang dalaga na prente ng nakaupo sa silyang naroon. Nakade-kuwatro pa ito at nakahantad sa kanya ang makinis at balingkinitan nitong mga hita.
"I am not your employee, Saga. I am one of the shareholder,"
"Your dad is the shareholder, Iv, not you." Pagtatama niya dito.
"Whatever! Ako rin naman ang magmamana no!" Nakairap na turan nito. Saglit silang natahimik nang dumating ang meryenda nila na dala ng katulong.
"Anong ginagawa ni Inay, Didang?" Tanong niya.
"Naghahanda na po siya ng lulutuin para sa pananghalian." Pagkasabi no'n ay umalis na ito.
"By the way, I came here to give you a juicy news," pag-agaw nito sa atensyon niya.
"Ano 'yon?"
"Remember the woman who damaged my car?" Tumango siya. How could he forget her when she's haunting him every night in his dreams? Madalas siyang mag-wet dreams dahil dito.
"Well, tinanggihan ko ang pera na ibabayad niya sana sa pagpapagawa ng mga nasira niya dahil nalaman ko na nalulugi na pala ang company niya." Natuon dito ang buong atensyon niya matapos marinig ang sinabi nito.
"I heard from a source na naka-dispalko ng malaking pera ang dating CEO na si Primo Silvestre at ngayon na nalulugi na ay inilipat na ang pamamahala kay Brenna. How pathetic? Naging tagapagmana siya ng negosyong malapit ng lumubog." Hindi siya nagsalita sa narinig. Madaming tanong ang agad na nabuo sa isip niya.
"Nakalimutan ko may gagawin pa 'ko, Iv. Excuse me." Hindi na niya hinintay ang sagot ng babae at pumasok na siya sa loob ng bahay saka dumiretso sa study room. Hindi niya napansin ang pagkunot ng noo nito dahil masyado ng okupado ang isip niya.
Pagpasok ng silid ay agad niyang tinawagan ang kaibigan niyang si Duke. Makalipas ang ilang ring ay sumagot na rin ito.
"Dude, long time no talk, ah! What's up?" Agad na bungad ng nasa kabilang linya.
"I need your service. Pwede ka ba ngayong araw? Dito sa bahay ko." Diretsong turan niya.
"Ooh, sound so urgent ha! Oo naman. Malakas ka sa'kin eh."
Matapos patayin ang tawag ay mahigpit na nahawakan ni Saga ang telepono at napatiim bagang siya. Ni hindi siya nagdalawang isip na tawagan si Duke para lang sa kanya... Makalipas ang limang taon bakit nagagawa pa rin nitong sakupin ang isip at buong sistema niya? Bakit sa isang iglap ay nagawa nitong kunin ulit ang atensyon niya gayong kahit ang pangalan nito ay parang mapait na lason na sa labi niya.
"ITO NA ang kape niyo, Ma'am," sabi ni Cleo matapos ilapag sa mesa ni Brenna ang isang tasa ng kape. Kita niya sa peripheral na hindi ito umalis at nanatiling nakatayo sa harapan ng mesa kaya napilitan siyang mag-angat ng tingin. Nag-aalangang mukha nito ang bumungad sa kanya.
"Spill it out, Cleo," saad niya.
"H-hindi pa ba tayo uuwi, Ma'am? Medyo late na rin kasi at hinihintay na 'ko ng asawa at anak ko." Nahihiyang sabi nito. Awtomatiko siyang napatingin sa orasan na nasa ibabaw ng mesa niya. Pasado alas otso na pala.
"Ma'am," untag pa nito.
"O-oh, sige. Pasensya na babayaran ko na lang ang overtime mo. Pwede mo na 'kong iwan." Tipid ang ngiting sabi niya.
"P-pasensya na din po. May mga kailangan pa din kasi akong gawin sa bahay. Alam niyo na, wife and mom duties." Masayang turan nito at iniwan na siya.
Naiwan siyang nakatanaw sa pintuan na nilabasan ng sekretarya. Nakalarawan sa mukha nito ang saya habang ikinu-kuwento ang tungkol sa pamilya nito. Ibig sabihin lang no'n masaya ito sa buhay may pamilya. Being a wife and a mom is the toughest yet the happiest job a woman could have.
Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng kaunting inggit na namuo sa dibdib niya at hindi niya alam kung para saan 'yon. Dahil ba sa masaya ito o dahil sa buhay pamilya nito?
Ipinilig niya ang ulo para alisin ang nasa isip niya. Hindi niya alam kung bunga ng pagod o ng stress kaya kung ano-ano ang naiisip niya. Basta ang alam niya mas lamang ang stress na nararamdaman niya dahil sa mga complaints na natatanggap niya araw-araw. Idagdag pa ang pressure dahil higit isang linggo na mula nang magpadala sila ng proposal sa iba't ibang kompanya pero hanggang ngayon wala silang natatanggap na sagot.
Napagdesisyonan ni Brenna na iligpit na ang mga gamit niya at saglit siyang nag-ayos ng sarili saka siya dumiretso sa elevator. Kailangan niyang ipahinga ang katawan at isip para makapag-isip siya ng ibang paraan para maisalba ang kompanya.
Paglabas ng elevator ay agad siyang dumiretso sa sasakyan na ginagamit. Agad niya 'yong pinaandar nang makalulan siya. Pasalamat siya at hindi na niya kailangang bumiyahe pauwi sa bahay nila sa Pampanga dahil may sarili na siyang condo na malapit lang sa Silvestre Land. Hindi masyadong traffic at makakapagpahinga siya agad pagdating niya.
Palabas na siya sa basement parking lot nang makatanggap ng tawag. Pangalan ng kapatid na si Jiro ang nasa screen.
"Anong kailangan mo?" Agad na bungad niya nang sagutin ang tawag.
"Wow! Salamat sa pangangamusta ha? Ayos lang ako." Sarkastikong turan nito.
"Ano nga? Bakit ka tumawag?" Minsan lang ito kung tumawag sa kanya. Kapag may importanteng pakay lang ito.
"Nasiraan ako at kailangan ko ng sundo. Pwede ka ba?"
"Tell me kung nasaan ka." Pagkatapos malaman ang kinaroroonan nito ay pinatay na niya ng tawag at nag-u turn siya para puntahan ito.