"SIR, NANDITO na po ang hinihintay niyo," sabi ng sekretarya ni Saga. Awtomatiko siyang napatayo at inayos ang suit niya. "Sige, papasukin mo siya at pakidalhan na rin kami ng tsaa." Utos niya at lumiban sa mesa niya saka dumiretso sa couch. Pero hindi siya naupo. Humugot siya ng malalim na hininga at pinagsalikop ang mga kamay sa likod niya. Animo'y tinatambol ang dibdib niya sa lakas ng t***k niya. Nang makita ang taong makaka-meeting niya ng umagang 'yon ay hindi niya malaman kung anong una niyang gagawin. 'Yon ang unang beses na hindi siya mapakali sa harap ng isang ka-meeting. Pero hindi 'yon gaya ng ibang meetings niya na tungkol sa business. Tungkol 'yon sa kinabukasan at sa hinaharap niya. Atubili siyang lumapit sa bisita at inilahad ang kamay niya. "It's nice to see you, Mr. S

