NAKARINIG si Brenna ng sunod-sunod na katok sa labas ng pintuan ng silid niya. Pero hindi man lang siya gumalaw sa pagkakasandal sa headboard. Mayamaya ay pumasok ang mommy niya at si Cris na may dalang pagkain. Matapos ilapag 'yon sa bedside table ay umalis na ito. "Why didn't you join us for breakfast? Are you okay?" Tanong nito nang umupo sa gilid ng kama niya. "I'm fine. I just want to be alone." Tipid na sagot niya. "Is there something wrong? You've been like this since we went home from the hospital. It's been three days. Your cousins went here but you didn't even bother to entertain them." Pagbibigay alam nito. Alam niyang naroon ang mga pinsan niya noong isang araw. Pero ni hindi siya lumabas para kausapin ang mga ito. Kahit sa oras ng pagkain ay hindi siya lumalabas para sumab

