"T-TITA MARISSA, anong ginagawa niyo dito?" Gulat na tanong ni Brenna nang makitang pumasok mula sa main door ang ina ni Saga. Nasa living room siya at kasalukuyang naggagantsilyo ng baby socks ng dumating ito. Tipid na napangiti ang ginang nang makita ang tiyan niya. Pero agad din 'yong naglaho. "Nagsadya ako dito para kausapin ang ama mo. Nandito ba siya?" Seryosong tanong nito. "S-Si daddy---" Bago pa niya matapos ang sasabihin ay biglang sumulpot ang mommy niya. "Sweetie, I brought you more yarn…" Nakangiting wika nito. Para pa itong nabigla ng makitang may ibang tao doon. "Oh, h-hi! Hindi ko alam na may bisita tayo," "Siya po si Tita Marissa, 'My. Mommy po siya ni Saga. Tita, siya po ang mommy ko." Pakilala niya sa dalawa. "I'm Prescilla, glad to finally meet you, Mrs. De Verda

