Chapter 14.

1225 Words
"WHERE do you want me to take you?" Tanong ni Alfred habang humihithit ng sigarilyo. Katatapos lang may mamagitan sa kanila at kasalukuyan siyang nagbibihis sa likod ng sasakyan habang ang driver ay nasa labas. "Anong ibig mong sabihin? Hindi man lang ba natin pag-uusapan ang problema?" Umupo siya sa tabi nito ng matapos. "Wala naman tayong dapat pag-usapan dahil walang problema. We are not teenagers anymore to fight over petty things, Ivy. I will make it up to you, okay? Please don't get mad at me." "But it's not---" Natigil siya sa pagsasalita ng halikan siya ng nobyo at dahil doon ay nawala ang mga bagay na dapat ay sasabihin niya. He really knows when to shut her up. "I love you, Babe. I promise I will make it up to you. If you want to eat outside we'll do it. But I only have one favor, Babe…" Pinatay nito ang sigarilyo sa ashtray na nasa dashboard at muli siyang hinarap. "A-Ano 'yon?" Tanong niya. "I want to have a baby…" Kaswal na turan nito. Napipilan siya sa narinig. Naalala niya ang birth control pills na tine-take niya. Hindi niya 'yon ipinapaalam dito dahil nag-aalala siya na baka magalit ito. Ngayon ay nagre-request ito ng isang bagay na hindi pa siya handang magkaroon at kung magsalita ito ay para bang napakasimpleng bagay lang no'n. "You know I have more plans with my career. Hindi ako pwedeng basta na lang mawala sa limelight, Al. Marami pa kong gustong ma-achieve at hindi ko pa natutupad 'yon. I still want to earn internationl awards and if possible… I want to have an acting project internationally. I-I hope you understand me, MyF." Malamlam ang mga mata na wika niya. She want him to understand what she wants to achieve in her life. "I know. I know… Pero pwede mo pa rin naman ituloy 'yan pagkatapos mo manganak. Isa pa, nasa tabi mo naman ako e. Susuportahan kita at aalagaan ko kayo ng magiging anak natin. Please, Babe?" Yumakap ito sa baywang niya at isiniksik ang mukha sa leeg niya. "H-Hindi ka gumamit ng condom kanina 'di ba?" Tanong niya. Ramdam niya ng tumango ito. "Then let's see if we can conceive," usal niya. Napapitlag siya ng biglang humarap si Alfred sa kanya at hindi maipaliwanag ang saya na nakalarawan sa mukha nito. "T-Talaga? Pumapayag ka ng magka-baby tayo?" Paniniyak nito at sinapo pa ang magkabilang pisngi niya. Nakangiti siyang tumango bilang pagkumpirma. Sukat sa ginawa niya ay niyakap siya ng lalaki at pinupog pa ng halik ang buong mukha niya. Kitang-kita ang saya sa mukha nito na noon niya lang nakita and she can't afford to ruin it. Nang maghiwalay sila ng nobyo ay todo paalala ito na mag-ingat siya at 'wag ng magpapagod. Pero imposible yata 'yon dahil sa klase ng trabaho niya. Susubukan na lang niya na ingatan ang sarili niya para dito. Nang makauwi sa condo ay agad na nag-shower si Yvette dahil ramdam na niya ang panlalagkit ng katawan. Kailangan niya rin magpahinga ng maaga dahil may shooting siya bukas para sa bagong movie nila ni Gideon. Kasalukuyan niyang sinusuklay ang mamasa-masa pang buhok sa harap ng vanity mirror. Nang matapos ay ibinalik niya sa cabinet ang suklay at hindi sinasadyang napadikit ang kamay niya sa isang matalas na bagay. Nang tingnan niya kung ano 'yon ay nakita niya ang isang banig ng pills na may natitira pang isang tableta. Pinakatitigan niya 'yon ng ilang saglit saka napaisip kung talaga bang handa na siyang magkaroon ng responsibilidad. Ngayon lang nagsi-sink in sa kanya ang mga salitang binitawan niya kay Alfred kanina. She didn't even think of the consequences if ever they conceive. There's no doubt she love him but not to the extent that she will give up her career. Hindi niya rin nakikita ang ganoon dito kaya dapat sigurong pag-isipan niya muna ng milyong beses ang gagawin. Pero paano nga kung may mabuo sa nangyari sa kanila kanina? Higit isang linggo na siyang hindi umiinom ng pills dahil nakampante siya na cool off naman sila. Pati ito ay hindi gumamit ng proteksyon. So malaki ang chance na… Ipinilig ni Yvette ang ulo at itinago ang tableta. Saka na niya poproblemahin 'yon kapag nangyari na. Pero sa ngayon ay e-enjoy-in niya muna na ayos na sila ng nobyo. Humiga siya sa kama habang kinakalikot ang telepono. May mga messages na galing kay Alfred. I love you. I miss you and take care. She smiled upon reading it. Simple lang pero malakas ang epekto sa kanya. Hindi na siya nag-reply dahil 'yon ang gusto nito. Itatabi na sana niya ang telepono ng bigla 'yong tumunog. Nakita niya ang pangalan ng nobyo sa screen. Bumangon siya at sinagot 'yon. Lumabas siya sa balcony habang nakangiti na parang ewan. "Nasa condo ka na ba?" Bungad nito. "Yup. Why did you call? Aren't you busy?" Sumandal siya sa railing habang nakatanaw sa maliwanag na City lights. "I missed you already. I just called to check on you and to say goodnight," wika nito. "If you really miss me then come here tomorrow… night?" Pilyang turan niya at nakagat ang ibabang labi niya. "I will." "R-Really?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Unang beses 'yon na narinig niya itong sigurado sa pagpunta sa kanya. Paano kasi'y palaging; let see o 'di kaya ay not sure, ang palaging sagot nito. Ngayon lang din naman siya nag-demand dito. "I'll be there tomorrow night. For now let's rest. Good night babe." Pakiramdam niya nakangiti ito ng mga oras na 'yon gaya niya. "I will wait for you then. Good night, MyF. I love you." "I love you, Babe." Ngiting-ngiti pa siya ng patayin ang tawag. Wala pa man ay nasasabik na siya na dumating ito kinabukasan ng gabi. Papasok na siya sa loob ng muling tumunog ang telepono niya. Nang tingnan ay nakita niya ang numero ng landline nila sa bahay. "How are you, Ivy?" Agad na tanong ng nasa kabilang linya at nabosesan niya ang Papa niya. "I'm fine, Papa. How about you? Where's Mama?" Tanong niya. Nagtataka siya kung bakit bigla itong tumawag. Kadalasan kasi ay katulong ang inuutusan nito para tawagan siya. "We miss you, Ivy Gwenneth. Maybe you can come home tomorrow night for dinner? Your Papa want us to celebrate because she closed the deal with the Canadian Investors." Pagbabalita ng ina. "Really? Wow! Congratulations, Papa!" Hindi niya napigilang mapangiwi. It's not because of the news buut the invitation. Nakalaan na ang araw na 'yon kay Alfred pero ngayon ay nagre-request ang mga magulang na umuwi siya. "Please, tell us you're coming home?" Rinig niyang sabi ng ama. Surely she reserved that night for him. But how could she refuse her parents request? Minsan lang maglambing ang mga ito at wala na itong ibang lalambingin dahil nag-iisa lang siyang anak. "I-I will come, Papa," wika niya. Nang magpaalam ang mga ito ay ramdam niya na masaya ang mga ito at alam niyang dahil 'yon sa pagpayag niya. Nang bumalik siya sa loob at mahiga sa kama ay napapaisip naman siya sa excuse na sasabihin niya sa nobyo. Humugot siya ng malalim na paghinga. May bukas pa naman. Bukas na lang niya 'yon iisipin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD