NASA veranda si Yvette kinagabihan nang makatanggap siya ng tawag mula kay Alfred. Mabuti na lang at nasa guestroom na si Babeth at nagpapahinga kaya walang mag-uusisa sa kanya. Ang nurse at si Yaya Idang naman ay nasa kanya-kanya na ring silid at nagpapahinga. Kaya siya na lang mag-isa doon.
"Sino si Gideo Garbes?" Agad na bungad ng nobyo ng sagutin niya ang telepono.
"Bagong talent siya ng Handler ko. Bakit?" Tanong niya.
"Talent? Baka naman kaya ka nakipag-cool off ay dahil sa lalaking 'yan? Sabihin mo nga, totoo ba 'yong mga nasa magazine?" Nahimigan niya ang selos sa tinig nito. Pero bukod do'n ay galit din ito.
"Pinagbibintangan mo ba 'kong may ginagawang masama, Al?" Hindi niya napigilang magtaas din ng boses. Hindi niya kasi nagugustuhan ang tinutumbok ng mga salita nito.
May ilang segundong natahimik sa kabilang linya at panaka-naka ay nakakarinig siya ng malalim na paghinga. Siguro ay napagtanto nito ang mga sinabi at ngayon ay nag-iisip.
"Where are you?" Pagkaraan ay tanong nito.
"Nandito ako sa Laguna, sa farm ng Lola, ko." Tipid na sagot niya.
"I will go there tomorrow. Meet me halfway and let's talk," turan nito.
"I don't have much time. We can talk after lunch tomorrow in a coffee shop near the Capitol," tugon niya at hinintay ang sunod pa nitong sasabihin.
"You know I can't be seen outside with anyone. So maybe we can go somewhere private? Just the two of us," wika nito.
"Anyone? Alfred, I am not "just anyone", if that's what you call it. I am your girlfriend for heaven's sake! I know you're a public servant and everything you do will always make negative or positive feedbacks. But me? Who do you think I am? I am a public figure. Everything I do will also earn positive or negative publicity. But I can accept it and I can introduce you to the world as my boyfriend. But how about you?" Sunod-sunod ang paghugot niya ng malalim na hininga dahil sa sari-saring emosyon na nararamdaman.
"I-I'm sorry, Babe…" Tanging nasabi ni Alfred sa kabilang linya.
"I'm tired of hearing your apologies…" Pagkasabi no'n ay pinatay na niya ang telepono at tahimik na umiyak.
Hindi niya gustong matapos ang pag-uusap nila ng gano'n pero hindi na niya kaya ang sama ng loob na ipinaparamdam sa kanya ni Alfred. He's being unfair to her. Noong una ay hinahayaan niya lang ito sa ginawa nitong set up sa kanila na kung kailan lang siya nito puntahan ay okay lang. Pati ang pagiging secretive nito pagdating sa pamilya nito ay naging okay siya. Kaya siguro naipon na ang lahat ng sama ng loob na naging dahilan ng pagsabog niya.
They were in a relationship for more than a year and she can say that he's the one she want to be with. Pero parang hindi gano'n ang nararamdaman nito para sa kanya.
May ilang minuto pa siyang nanatili doon at ng masigurong kalmado na siya ay saka siya tumayo. Pumihit na siya para pumasok pero napatigil siya ng makita ang binata na seryosong nakatingin sa kanya.
Umiwas siya ng tingin at pasimpleng pinunasan ang luha saka ito muling hinarap.
"K-Kanina ka pa ba diyan?" Nang hindi ito magsalita ay pinangunotan niya ito ng kilay. "Bakit ba bigla-bigla ka na lang sumusulpot? Sinusundan mo ba 'ko? Siguro pinapakinggan mo kung sinong kinakausap ko no?" Pananalakab niya.
Nakita niya ng may nakakalokong ngiti na sumilay sa labi nito at pagkaraan ay napailing.
"Mawalang galang na pero hindi ko gawain na makinig sa usapan ng may usapan. Hindi rin kita sinusundan at mas lalong hindi rin ako sumulpot lang. Kanina pa 'ko narito bago ka pa man dumating. Kaya 'wag kang magbibintang ng kung ano-ano. 'Wag kang mag-alala dahil paalis na rin naman ako." Pagkasabi no'n ay iniwan na siya nito.
Naiwan siyang tulala at nakatanaw sa direksyong dinaanan nito. Hindi siya makapaniwala na pinagbintangan niya itong stalker at na-offend ito? Oh my god, Yvette! You're being unbelievable!
Kung totoo man na na-offend ito sa sinabi niya ay hihingi na lang siya ng sorry. Pero bukas na niya 'yon gagawin dahil inaantok na siya.
KINABUKASAN ay hindi na niya nagawang humingi ng pasensya kay Enrique dahil wala na ito ng magising siya. Kinailangan na rin nilang umalis kaya hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na hanapin o itanong kung nasaan ito.
Nang umalis siya ay tulog pa ang Abuela kaya nagbilin na lang siya kay Yaya Idang at nangako rin siya na babalik. Hindi niya gustong mag-iwan ng bad impression sa binata kaya plano niyang bumalik para dito.
"Bakit ba kanina ka pa busy diyan sa telepono mo? Sinong ka-text mo?" Usisa ni Babeth at sinubukang silipin ang phone niya. Pero iniiwas niya 'yon. Nakasakay na sila sa tricycle na inarkila papunta sa kinaroroonan ni Gideon at Momshy Vodka.
"'Yong friend ko. Gusto niyang makipagkita ngayon kahit fifteen minutes lang. Anong oras ba ang balik natin sa Manila?" Tanong niya na nasa aparato pa rin ang tingin.
"3pm pa naman ang alis. Saan daw kayo magkikita? Samahan na kita." Prisinta nito.
"S-Sa may coffee shop lang sa tapat ng Municipal Hall. H-Hindi na saglit lang naman ako. Mauna ka na lang sa set para sabihin kay Momshy na umalis ako."
"O, sige. Mag-iingat ka ha? Baka kasi may makakilala na naman sa'yo at dumugin ka gaya ng nangyari sa mall. Buti sana kung susulpot ulit si Hero Enrique mo…" Halos pabulong na sabi nito at animo'y kinikilig na hindi niya malaman.
Umiling lang siya at hindi na ito ginatungan. Mabuti na lang at agad itong pumayag na mag-isa siyang magpunta sa sinasabi niyang coffee shop kahit na ang totoo ay hindi do'n ang tuloy niya.
Bago sila maghiwalay ay nakatanggap pa siya ng mga paalala kay Babeth patungkol sa disguise niya na sinang-ayunan lang niya para hindi na humaba ang usapan. Pagbaba niya sa harap ng Municipal Hall ay hinintay muna niyang umalis ang sinasakyan nito bago siya tumawid at sumakay sa isang tinted na SUV.
Hindi pa man siya nakakaupo ng maayos ay sabik na siyang sinibasib ng halik ng nobyo. Walang inhibisyon naman niyang tinugon ang mga halik at yakap nito. Walang pakialam kahit pa may ibang tao silang kasama sa loob ng sasakyan na 'yon.