"SAAN ka na naman pupunta?" Tanong ng babaeng nakasakay sa wheelchair habang sinusundan si Alfred na nagbibihis. Kasalukuyan nitong inaayos ang kurbata sa leeg nito.
"Saan pa ba? Alam mo naman kung saan ako pumupunta. 'Wag ka ngang magtanga-tangahan, Almira." Nakatingin siya dito mula sa salamin.
"How could you say that to me?! Asawa mo 'ko, Alfred! Hindi ako kagaya ng kabit mo!" Bulyaw nito. Nanlaki ang mata nito ng sa isang iglap ay nasa harapan na siya at nanlilisik ang mga mata habang nakatingin dito.
"'Wag na 'wag mo siyang tatawaging kabit dahil hindi kagaya mo kaya niya 'kong bigyan ng anak. E, ikaw? Baldado ka na nga baog ka pa." Bawat katagang binibitawan nito ay nanunuot sa kaibuturan ni Almira dahilan para mag-unahan ang luha niya sa pagtulo.
Bawat araw na ginawa ng diyos ay sakit ng loob at paghihirap ang dinadanas nito sa piling ng asawa. Araw-araw nitong ipinapamukha ang kakulangan ng babae. Pero dahil mahal niya ito ay nagtitiis siya. Kahit ang pagkakaroon nito ng kabit ay pikit-mata niyang tinanggap.
"Mangako kang kapag nabuntis mo na siya ay babalik ka sa'kin, Al?" Umiiyak na turan niya.
Nilingon siya nito pero hindi nagsalita. Pagkatapos ay iniwan na siya. Iminaniobra niya ang wheelchair para sundan ito. Tumigil siya sa labas ng silid at tinanaw ito mula sa ikalawang palapag ng bahay.
Naiwan siyang nakatanaw habang tahimik na lumuluha. Hindi naman ganoon si Alfred noong una. He's a nice guy and the best husband. Pero nagbago ang lahat ng makilala nito ang Yvette Verdadero na 'yon sa isang pagtitipon. She knew her husband was attracted to her. Well, sino ba ang hindi? Maganda ito at sexy. Pero iba ang nakikita niyang atraksyon ni Alfred dito. Hindi lang ito gumagawa ng aksyon dahil kasal ito sa kanya. Pero nagbago ang pananaw nito ng malaman nila na baog siya at kahit kailan ay hindi sila magkakaanak.
Alfred is fond of kids and before they get married he told her he wanna have three kids. Pero paano niya pa matutupad 'yon kung kahit kailan ay hindi na siya magkakaanak. Lalo pang nadagdagan ang bigat na nararamdaman niya ng malaman na mayroon siyang stage three ovarian cancer.
Nang malaman nila 'yon ay agad siyang nagpa-opera. Pero hindi rin naging matagumpay dahil nasa terminal stage na ang sakit niya. Ngayon ay nalalabi na lang ang oras niya sa mundo at hangga't maaari gusto niyang ilaan 'yon sa asawa. Pero paano niya magagawa 'yon kung may isang taong pilit silang pinaghihiwalay?
Pinunasan ni Almira ang luha at pinaandar ulit ang wheelchair niya.
"Nestor…! Nestor! Ihanda mo ang sasakyan may pupuntahan tayo!" Tawag niya sa personal driver niya.
Pagkaraan ng ilang minuto ay lulan na siya ng sasakyan. Wala siyang planong magmukmok sa bahay magdamag at wala din siyang balak magpadaig sa kabit ng asawa niya.
Alam niyang hindi niya makukumbinsi si Alfred na tigilan ang kahibangan nito. Kaya siya na ang gagawa ng paraan para paghiwalayin ang mga ito.
"BAKIT ba napakatagal mo?! Hindi kita binayaran para paghintayin ako." Galit na wika ni Almira sa taong kasasakay lang ng sasakyan niya.
Nang balingan siya nito ay bumulaga sa harapan niya ang pawisang mukha ni Gideon Garbes. Mukhang malayo pa ang pinanggalingan nito. Pero hindi 'yon ang concern niya kaya niya ito ipinatawag.
"Pasensya na, Madam, pero hindi lang kayo ang priority ko. May iba pa 'kong trabaho na inaasikaso." Katuwiran nito.
"Anong trabaho ba ang sinasabi mo? 'Yang pagiging artista kuno mo? Baka nakakalimutan mong ako ang naglagay sa'yo diyan! Kaya anumang oras ay kayang-kaya kitang alisin diyan sa entabladong inaapakan mo!" Sumbat niya.
Siya ang dahilan ng pagpasok ng lalaki sa showbiz at may purpose kung bakit niya ito pinapasok sa ganoong mundo. Malayong kamag-anak niya ito at lumapit ito para humingi ng tulong para sa ina nitong may sakit. Tinulungan niya ito pero may kapalit. Hindi siya charity na pwedeng lapitan nino man kaya lahat ng tulong na ibibigay niya ay dapat na may kapalit.
Ang kapalit ay ang pagpasok nito sa industriyang ginagalawan ni Yvette Verdadero. Ito ang magsisilbing mata niya sa kung ano ang ginagawa ng babae.
"Anyway, may bago akong plano at gusto kong gawin mo 'yon agad." Mahinahon na na wika niya.
"Kahit ano, Madam, sabihin niyo lang," saad nito.
"Gusto kong ligawan mo siya hanggang sa ma-in love siya sa'yo. Nang sa gano'n magkaroon ng dahilan para mag-away sila ni Alfred at kapag nangyari 'yon makikita na rin niya ang tunay na kulay ng lalaking minamahal niya." Mala-demonyo ang ngiting nakaukit sa labi niya ng sabihin 'yon.
KASALUKUYANG nasa parking lot si Yvette nang makatanggap siya ng tawag mula kay Gideon. Alanganin niya 'yong sinago habang ang buong atensyon ay nasa baby porsche niya.
"Hey, what's up? Are you free tonight?" Agad na bungad nito.
Napangiwi siya. Kung sakali ay pangatlo na ito sa mga taong ite-turn down niya ang invitation. 'Yong una ay si Alfred, pangalawa ang mga pinsan niya na nagyaya uli mag-bar hopping. Pero iba ang sitwasyon niya ngayon. She needs help dahil nasira ang baby porsche niya.
"I'm sorry, Gideon, pero hindi ako pwede ngayon. Pero pwede ba 'kong humingi ng favor?" Tanong niya.
"O, sige. Ano ba 'yon? Sabihin mo lang sa'kin tutulungan kita." Maagap na tugon nito.
Matapos niya sabihin ang problema ay mabilis naman itong um-oo. Nagkataon din na nasa area lang ito kaya mabilis siyang napuntahan. Nag-offer ito na ayusin ang sasakyan niya pero dahil male-late na siya sa dinner date ng mga magulang ay tumanggi na siya at nagpahatid na lang.
Nasa White Plains sa Quezon City, ang bahay ng mga magulang. One hour drive lang mula sa condo unit niya.
"Maraming salamat sa tulong mo ha? Buti na lang nakarating tayo on time. Kung hindi magtatampo na ang Mama at Papa ko." Nakangiting wika niya pagbaba sa sasakyan ng lalaki.
"Dito pala ang punta mo. Akala ko may iba kang pupuntahan," saad nito at inilibot ang tingin sa harapan ng bahay nila. Para pa itong nagulat sa nakikita.
"Mayaman pala ang pamilya niyo?" Dagdag pa nito.
"Nag-request kasi ang parents ko na dito ako mag-dinner. Minsan lang sila maglambing kaya kailangan puntahan ko sila," tugon niya. Hindi niya sinagot ang huli nitong sinabi.
"S-Sige, aalis na 'ko." Paalam nito at akmang liligid na sa kabila ng marinig nila ang boses ng Mama at Papa niya.
"Ivy, you came!" Magkapanabayang wika ng mga ito at nakangiti siyang ikinulong sa bisig ng mga ito.
"I missed you both!" Sabik na niyakap rin niya ang mga ito at hinalikan sa pisngi.
"Oh, may kasama ka pala, hija?" Tanong ni Karina ng mapansin ang lalaking nakatingin sa kanila.
Humarap si Yvette para ipakilala ito sa mga magulang. "Ma, Pa, siya si Gideon. Ang bago kong ka-loveteam. Gideon, they are my parents, Anton and Karina Verdadero." Aniya.
Nagtataka siyang napatingin sa ina ng lapitan nito ang lalaki at bistahan. Pagkaraan ay humarap ito sa kanila. "Mas gwapo siya sa personal kaysa sa TV at mukhang mabait," wika nito.
Nagulat pa sila ng bigla nitong yakapin ang lalaki. Pero parang mas gulat ang mukha ni Gideon na hindi inaasahan ang gagawin ng ginang.
"Mabuti pa sa loob na natin ituloy ang kuwentuhan. Halina kayo. Hijo, sabayan mo na kami." Yaya nito at nauna ng pumasok sa loob. Sumunod na rin ang Mama niya at sila na lang ni Gideon ang naiwan.
"Halika na. 'Wag ka na mahiya kina Papa."
"O-Oo nga. Pero kailangan ko na rin umuwi." Nahihiya itong napakamot sa ulo.
"Masamang tumatanggi sa grasya. Halika na." Hindi na niya hinintay ang sagot nito at hinila na ito papasok.