"MARAMING salamat ulit sa paghatid sa'kin, Gideon." Nakangiting wika ni Yvette nang ihatid ang lalaki sa sasakyan nito.
"Walang anuman 'yon. Salamat din sa pag-imbita sa'kin sa hapunan. Hindi na dapat ako sumama sa dinner niyo dahil pampamilya 'yon." Nahihiyang turan nito.
"That was my parents way of saying thank you. O, siya mag-iingat ka sa pagmamaneho ha?" aniya.
Tipid lang itong ngumiti at lumigid na sa may driver side at lumulan sa sasakyan. Ini-start na nito 'yon at sumaludo pa sa kanya saka tuluyang umalis.
Nakangiti naman niya itong inihatid ng tanaw. Nang mawala ito sa paningin ay pumihit na siya pabalik sa loob ng bahay at nadatnan niya ang mga magulang na nasa living room.
"Nakaalis na ba siya?" Tukoy ni Karina sa lalaki.
"Yes, Ma." Tipid na sagot niya.
"You have a good friend huh?" Komento ni Anton habang nakaakbay sa asawa.
"Sinabi mo dapat 'yan sa kanya noong nandito pa siya. Pero tama ang Papa, mo, hija. Mabait siya dahil inihatid ka niya dito. Biruin mo uuwi pa siya sa kanila sa Batangas." Segunda ng ina. Naikuwento nga ni Gideon over dinner kung saan ito nakatira. Medyo nagulat pa nga siya na tagaroon din ito sa bayan kung saan nakatira si Alfred.
Nais niya sanang itanong dito ang nobyo pero nahiya na siya. Napaisip din naman siya na baka magtaka ang mga magulang kapag narinig na itanong niya 'yon.
"Nah. Baka lumaki ang ulo ng batang 'yon kapag pinuri natin siya," saad ni Anton na tinanguan lang ng ina. Hindi na siya nagkomento.
Bago pa lang nakikilala ng mga ito si Gideon ay parang nagugustuhan na ito ng mga magulang. Okay lang magustuhan basta 'wag lang irereto sa kanya.
Nagsalin siya ng wine sa baso at naupo sa kaibayong single couch. Nakangiti niyang binalingan ang ama.
"Congratulations sa success mo, Papa! I'm super happy for you! Cheers!" Itinaas niya ang wine glass at iniumpog sa baso ng mga magulang na kapwa itinaas ang baso sa ere habang nakangiti.
"Para sa inyo ng Mama mo ang tagumpay kong ito, anak," turan nito.
"Hindi niyo na 'ko kailangang isipin, Pa. May sarili akong trabaho at kumikita na para sa sarili ko. Maybe it's time for the both of you to retire and enjoy life."
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin tumitigil ang ama sa pagpapatakbo ng textile company na minana pa nito sa namayapa niyang Abuelo. Ito lang ang nagkainteres doon dahil ang mga kapatid nito ay umayaw dahil ng iwan ito ng Lolo Pedring niya ay nalulugi na.
"That's what I keep on telling him. But he didn't listen to me. Try to convince him, hija." Pakli ni Karina.
"Nah. Of course I'm considering it. But I will only retire if our unica hija found her Mr. Right, because I'm planning to give him all the right to the company." Anang Papa niya na muling nagsalin ng whiskey sa baso.
She smiled awkwardly. Paano niya sasabihin sa mga ito na nahanap na niya at paano kung gustuhin ng mga ito na makilala si Alfred? Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga ito? Well, maybe they would love him the way she do. He came from a well-known family and he's a decent guy.
Uminom ang dalaga ng wine para kalmahin ang sarili niya.
"So tell us hija, si Gideon na ba ang Mr. Right?" Pilyang tanong ng ina. Muntik pa niyang maibuga ang iniinom ng marinig 'yon.
"Ma! Bagong kaibigan at katrabaho lang si Gideon. Hanggang doon lang 'yon." Nakasimangot na turan niya.
"Hindi ba't doon naman nagsisimula 'yon? C'mon, hija, mukha namang mabait na bata iyong si Gideon." Segunda ng ama.
"Ibinebenta niyo ba siya sa'kin?" Natatawang sabi niya.
"Kung bibilhin mo ba ay bakit hindi?" Ganting biro ni Anton.
"Papa!" Magkapanabayan pang humalakhak ang mga magulang ng marinig ang tili niya.
Sabi na nga ba at irereto na ng mga ito sa kanya ang lalaki. Ito lang kasi ang lalaking dinala niya sa bahay nila. Well, hindi naman niya ito dinala doon intentionally. Nagpahatid lang siya and it turned out na inimbita na rin ng mga magulang para maghapunan. So basically hindi talaga siya ang nagpapasok dito.
Marami siyang fling pero wala siyang naging nobyo ni isa man at kapag sinabing fling isang beses o dalawang beses niya lang nakasama ang mga 'yon. Ni hindi niya nga matandaan ang pangalan ng mga 'yon.
"Kailan ka ba kasi mag-aasawa? Nasa tamang edad ka na para mag-settle down. Naiinip na kami ng Papa, mo sa paghihintay kung kailan kami magkaka-apo." Nang makabawi ay turan ni Karina.
"Malapit na, Mama. Konting hintay na lang." Himig pagbibiro pero may halong katotohanan na wika niya.
Pwede sigurong apo muna? Saka na ang matrimonyo. Tutal nasa age na sila kung saan mas nauuna pa ang pulo't gata kaysa sa pag-iisang dibdib.
Nagkatinginan ang mga magulang niya pero walang nagsalita. Mayamaya ay tumayo na ang Papa niya.
"O, siya, ako'y magpapahinga na. Maaga pa ang pasok sa opisina bukas dahil unang araw ng mga investors. Ililibot ko sila sa buong kompanya at sa factory." Paalam nito.
Tumayo na rin ang ina at hinalikan siya sa noo. "Sasamahan ko na ang Papa mo. Good night, hija."
"Good night, Ma, Pa." Pagkasabi no'n ay umakyat na ang mga ito sa ikalawang palapag kung nasaan ang silid ng mga ito.
Naiwan siya sa living room mag-isa kasama ang bucket na may lamang yelo at red wine. Medyo inaantok na siya at dahil siguro 'yon sa wine na ininom niya. Idagdag pa ang dim light sa kinaroroonan niya.
Lumipat siya sa couch at inilatag ang katawan saka ipinikit ang mga mata. Nararamdaman na niya ang pamimigat ng talukap ng mata nang biglang tumunog ang telepono niya na nasa ibabaw ng center table. Napabalikwas siya dahil sa gulat at nasapo niya ang ulo dahil sa biglang pagkaliyo na naramdaman niya.
Nang umayos ang pakiramdam ay saka niya inabot ang telepono na ng mga oras na 'yon ay makailang ulit ng nagri-ring. Sinagot niya 'yon ng hindi tinitingnan kung sino ang caller at itinapat sa tainga niya.
"Where are you? I've been calling you countless times but you're not answering! Are you with someone?" Bulyaw ni Alfred. Nailayo niya ang aparato sa tainga dahil sa lakas ng boses nito.
Natampal niya ang noo dahil nakalimutan niya itong sabihan kung saan siya pupunta.
"Ivy…!" Bulyaw ulit nito ng hindi agad siya sumagot.
"I-I'm sorry I forgot to tell you. I'm here in my parents house. They just want to celebrate that's why I came. I'm sorry." Hinging paumanhin niya.
"That's bullshit! Inuna mo pa sila kaysa sa'kin?!" Hindi pa rin kumakalma na wika nito.
Napaupo siya ng tuwid ng marinig ang sinabi nito. Ang akala niya ay maiintindihan siya nito. Pero bakit parang kabaligtaran?
"Stop cursing will you? Hindi naman kung sino lang ang pinuntahan ko. They are my parents! I know I made mistakes when I didn't tell you where I am. But there's not enough reason for you to shout and curse." Bawat salitang binibitawan niya ay madiin para maipaintindi dito ang sitwasyon.
May ilang segundo naman itong natahimik sa kabilang linya. Mayamaya ay narinig niya itong bumuntong-hininga.
"I-I'm sorry. I was just---I just really missed you and I thought I would see you. Anyway, how's your parents?" Pagkaraan ay kalmado nitong tanong.
Humugot siya ng malalin na hininga at pilit na ibinalik ang sigla.
"They are both fine. Thank you for asking. Anyway, I apologize also for not telling you my whereabouts. I just thought I shouldn't text you often," wika niya.
"Nope. Starting tonight you can text and call me anytime you want," anito.
Para naman siyang napipilan at hindi makapaniwala sa narinig.
"A-Anytime?" Paniniyak niya at may ngiti na sumilay sa labi niya lalo na ng marinig ang kumpirmasyon nito.
Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ang nobyo at sinabing babalik na lang ito sa makalawa. Siya naman ay umakyat na sa dati niyang silid para magpahinga.