Chapter 22.

1339 Words
"YOU look bothered. What's wrong?" Untag ni Alfred sa dalaga. Kagaya ng palagi nilang ginagawa sa tuwing nagkikita ay katatapos lang nilang magniig. Pero hindi gaya ng nakaraan na tinugon niya ang init na ipinaparamdam nito. Ngayon ay para siyang bangkay na walang gana at walang kabuhay-buhay. She still remember what Gideon told her and she can't help but to ignore Alfred even when he made love to her. She can't return the same intensity that he gave her until they finished. "Pagod lang ako." Tipid na sagot niya at bumangon saka sumandal sa headboard. Katabi niya ang binata na naninigarilyo. Mukhang kinagat naman nito ang excuse niya at pinatay nito ang sigarilyo sa ashtray saka siya binalingan. "Magpahinga ka na kung gano'n. Aalis na muna ako para bumili ng pagkain." Humalik ito sa noo niya at bumaba ng kama. Hindi man lang ito nag-abalang takpan ang kahubdan nito at sa mismong harapan na niya nagbihis. Hindi na siya nagsalita hanggang sa makaalis ito. Nang masigurong wala na ito ay saka siya nagmamadaling bumaba ng kama at lumapit sa vanity table. Binuksan niya ang built in cabinet at kinuha ang birth control pills saka 'yon ininom. "I forgot my wallet…" Napapitlag siya ng marinig ang boses ni Alfred mula sa likuran niya. Napahigpit ang kapit niya sa banig ng gamot at nanatiling nakatalikod. Para siyang itinulos sa kinatatayuan at hindi malaman ang gagawin. Nang marinig ang tunog ng black shoes nito na palapit ay nagmamadali niyang isiniksik sa dulo ng cabinet ang gamot at kinuha ang suklay saka humarap dito. "Anong ginagawa mo diyan?" Tanong nito habang mapanuring inililibot ang tingin sa likuran niya. Napalunok siya at alanganing ngumiti. "W-Wala. Kinuha ko lang 'tong suklay. Ang gulo na kasi ng buhok ko." Nauutal na wika niya at nagkunwari pang nagsusuklay para maging kapani-paniwala. May ilang segundo pa siya nitong tinitigan at parang inaarok kung nagsasabi siya ng totoo. Siniguro naman niyang dito lang nakatuon ang mata niya para mawala ang paghihinala dito. Makaraan ang ilang minuto ay nag-iwas ito ng tingin at lumapit sa single couch. Kinuha nito ang wallet sa inside pocket ng coat nito at hinarap siya. "May gusto ka pa bang ipabili?" Tanong nito. "P-Pwede bang dumaan ka sa coffee shop at bilhan ako ng paborito kong drinks?" Aniya "Aright," tugon nito at tuluyan ng lumabas. Nang mawala ito ay nanghihina siyang napaupo sa harap ng vanity table. Sunod-sunod ang naging paghugot niya ng malalim na hininga dulot ng kaba sa kamuntikan ng pagkahuli ng nobyo sa kanya. "I READ in an article that couples who wants to conceive should have a healthy environment," wika ni Alfred at sumulyap sa kanya panandalian saka muling ibinalik ang atensyon sa Ipad. Magkatabi silang nakahiga sa kama at katatapos lang nila kumain. Wala itong magawa kaya nanghiram ito ng Ipad sa kanya. Akala niya ay kung ano ang gagawin nito. 'Yon pala ay magre-research lang tungkol sa pagkakaroon ng anak. He seemed very excited. But her? She felt the opposite. But she doesn't want to show it to him. "If you really want to conceive you should stop taking cigarette. I also read that it can kill the healthy sperm." Kunwari ay interesadong turan niya. Para naman itong namamangha na napabaling sa kanya. Nakangiti at nakalarawan ang galak sa mukha. If she didn't have tons of questions in her mind she would hug him. But then all her questions will remain unanswered because she doesn't have guts to ask him. All of a sudden she felt like she didn't really know him at all. Only his name and his job that's all. "If you say so then I will stop." Pinisil pa nito ang pisngi niya dala siguro ng kagalakan. Nagpatuloy sa pagbabasa ang lalaki at panaka-naka ay nagbabanggit ng mga nakakatuwang bagay na nabasa nito. Samantalang siya ay pinipilit na maging interesado kahit na kabaligtaran ang nararamdaman niya. Would he still feel excited if he knew that she's taking pills? "Al, mawawala ako ng ilang araw. Pupunta kami ng parents ko sa Laguna para bisitahin ang Lola ko." Pagbibigay alam niya dito. "It's fine. Pwede pa rin naman tayong magkita kapag nando'n ka na kahit ilang oras lang hindi ba? Para mapabilis ang pagbuo natin ng baby dapat ay dalasan natin ang pagtatalik," saad nito. Alanganin siyang napangiti o mas mabuting sabihin na ngiwi dahil sa sinabi nito. Parang ang pangit sa pandinig niya ng tahasan nitong sabihin ang mga huling salita na binitawan nito. "I-I don't know. Let's see…" Nasabi na lang niya. "LENLEN, halina at mahuhuli na tayo sa misa!" Tawag ng inang si Berta kay Elenita o "Lenlen" mula sa labas ng maliit nilang bahay. "Opo, nandiyan na!" Ganting sigaw niya at itinigil muna ang video na pinapanood saka nagmamadaling lumabas ng bahay na gawa sa sawali. Nang makalapit sa ina ay saka lang niya napansin si Enrique na nakasandal sa owner type jeep nito at mukhang hinihintay na sila. Nahihiya niyang inayos ang bestida na suot at iniipit ang takas na buhok sa tainga. Tipid niyang nginitian ang binata na guwapong-guwapo sa suot nitong puting polo shirt at itim na trouser na pinaresan ng leather sandal. Ibang-iba 'yon sa nakasanayan na kupasing maong, long sleeve 3-button shirt at bota na lagi nitong suot kapag nagtatrabaho sa farm. "Pasensya na kung pinaghintay kita. Nag-ayos pa kasi ako," wika niya ng lumapit dito. "Walang kaso 'yon. Kadarating ko lang din naman. Sakay na kayo ni Nanay Berta," turan nito at umikot na sa driver side. Mahinhin siyang tumalima at sumakay na sa tabi ng binata na ini-start ang sasakyan. "Bakit ito ang dala mong sasakyan, Riq? Hindi ba magsisimba si Donya Adelina ngayon?" Ani Nanay Berta ng makalulan sa likuran na bahagi. Itatanong na rin sana 'yon ni Elenita naunahan lang siya ng ina. Sa tuwing nagsisimba kasi sila ay ang Toyota Hilux ang minamaneho nito pero ngayon ay ang kakarag-karag na owner type jeep ang dala nito. Hindi bagay sa itsura niya. Sayang naman ang bagong bili niyang bestida doon lang pala siya sasakay. Pinaghandaan pa naman niya ang araw na 'yon dahil bukod sa muli silang magkikita ng binata ay sa magarang sasakyan pa siya sasakay pero nagkamali siya. "Dumating ho ang pamilya ng anak niya galing Maynila. Doon na lang daw po siya sasabay papuntang simbahan." Narinig niyang sagot ni Riq. "Sinong anak?" Curious na tanong niya. "Si Sir Anton at Ma'am Karina," anito. "Hindi ba sila 'yong magulang ni Yvette?" Pagkumpirma niya. Tumango lang ito bilang sagot. So darating pala siya? Biglang umasim ang mukha niya dahil doon. Higit isang dekada na rin simula ng huli niyang makita ang babae at nacu-curious siya kung ano na ba ang itsura nito ngayon. Palagi naman niya itong nakikita sa telebisyon. Pero iba pa rin kapag sa personal. Nang makarating sila sa simbahan ay malapit ng magsimula ang misa at halos mapuno na ang loob dahil sa dami ng dumalo. Muntik na silang mahirapan na makahanap ng upuan. Mabuti na lang at may tumawag sa Nanay niya. Pero pagdating doon ay dalawa na lang ang kasya kaya napalayo sa kanya si Enrique. Umalis ito para maghanap ng puwesto habang siya ay na-hopia dahil buong akala niya ay makakatabi niya ito. Kung pwede lang sana ang Nanay na lang niya ang naghanap ng ibang pwesto kaso siguradong makukurot siya nito kapag isinatinig niya 'yon. Kaya nagkasya na lang siya na tanawin ang binata. Pero halos lumuwa ang mata niya ng makita kung sino ang katabi nito. Kinusot-kusot pa niya ang mata para lang masiguro na si Yvette Verdadero nga ang katabi nito. Bigla-bigla ay parang gusto niyang higitin palayo roon ang binata. Pero makakatawag pansin lang sila kapag gano'n. Isa pa ay wala naman silang relasyon nito kaya wala siyang karapatan na gawin 'yon. Hindi pa sana niya aalisin ang tingin sa mga ito kung hindi lang siya siniko ng ina dahil oras na para magdasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD