Chapter 21.

1129 Words
"BAKIT dito mo 'ko dinala? Hindi naman ako bata no!" Pakli ni Yvette habang inililibot ang tingin sa park na kinaroroonan nila. Malapit na 'yon sa condo. Tanghaling tapat at mangilan-ngilan lang ang taong naroon. Lahat ng 'yon ay nakatira din sa condominium building. "Bakit para sa mga bata na lang ba ang parke? Pwede rin 'to sa isip bata," turan nito. Natawa naman siya at tumango rin tanda ng pagsang-ayon. Umupo siya sa swing at marahang iniugoy ang sarili. Si Gideon naman ay tumayo lang sa tabi niya habang nakahawak sa kadenang humahawak sa swing. "Matagal-tagal na rin ng huli akong makapunta dito. Maaga kasi akong namulat sa pagtatrabaho dahil may sakit na si Inay at walang ibang susuporta sa'min. Kung hindi ako kikilos mamamatay kami sa gutom," wika nito habang ang tingin ay nasa mga batang nagtatakbuhan. May awang humaplos sa puso niya ng marinig ang kwento nito. She can feel how he really loves his mother. No wonder na nagustuhan agad ito ng Mama at Papa niya. "Ngayon hindi mo na kailangang isipin kung saan kukuha ng pera para sa pang araw-araw niyo dahil sumisikat ka na at marami na rin ang trabahong lumalapit sa'yo. Hindi magtatagal maiaahon mo na rin ang Inay mo sa hirap and it's the result of your hardwork, Gideon. Proud ako sa'yo dahil kinaya mo." Bukal sa pusong wika niya. Tipid itong ngumiti at marahang ginulo ang buhok niya. Magaan na ang loob niya dito at gaya nga ng sabi niya para na niya itong nakatatandang kapatid. She felt like she can tell everything to him. Including her deepest secrets. "Dito ka lang ha? Saglit lang ako." Paalam nito at hindi na hinintay ang sagot niya. Sinundan niya ito ng tingin ng lumapit ito sa Mamang nagtitinda ng cotton candy. Napangiti siya ng makitang binibigyan nito ang mga batang malapit dito. Lahat tuloy ng mga batang naroon ay lumapit na dito. Nang matapos ay naglakad ito pabalik sa kanya na may dalang dalawang stick ng cotton candy. "Hindi ko alam kung kumakain ka niyan pero di---" Hindi na niya ito pinatapos at inagaw niya ang hawak nito at kinagatan 'yon. Nakita niya kung paano umabot hanggang tainga ang ngiti nito dahil sa ginawa niya. Umupo ito sa katabing swing at tahimik nilang pinanood ang mga batang nagtatakbuhan. "Gideon." Tawag niya sa pangalan nito habang nanatiling nasa harapan ang atensyon. Hindi ito nagsalita pero narinig niya ang pag-ungol nito tanda na narinig siya nito. Humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita. "Can I trust you with my secrets?" Mula sa kawalan ay tanong niya at sinulyapan ito. "If you trust me enought then yes," tugon nito. Wala siyang mabanaag na emosyon sa mukha nito. Pero pinili pa rin niya magpatuloy. "I already have a boyfriend and no one knows about it. Only you." Panimula niya. Kinagat niya ang labi at naghintay ng sasabihin nito. "Hindi rin alam ng parents mo?" Tanong nito. Umiling lang siya. "Kung gano'n bakit sa'kin sinabi mo? Hindi ka ba nag-aalala na baka ipagkalat ko ang sikreto mo?" Tanong pa nito. "I know and I feel you will never do that." Nakangiting wika niya. Napatitig naman ito sa kanya at pagkaraan ay marahang tumawa. Buong-buo ang tiwala niya na hindi nito gagawin 'yon sa kanya. "Baka kilala mo siya?" Mayamaya ay tanong niya. "Pa'no mo nasabi?" Kunot ang noong tanong nito. "Public servant siya sa bayan niyo. Governor Alfred Leviste…" Mataman niya itong tinitigan matapos sabihin 'yon at wala man lang siyang nabanaag na pagkagulat sa mukha nito. "Hindi ka man lang nagulat?" Hindi nakatiis na tanong niya. "Bakit naman ako magugulat? Maganda ka at sikat kaya siguradong magugustuhan ka niya. Ang ipinagtataka ko lang…" Ibinitin nito ang sasabihin at mataman siyang tinitigan. "Ano 'yon?" Nahigit niya ang hininga dala ng kaba sa susunod nitong sasabihin. "Bakit hindi niyo ipinapaalam ang relasyon niyo sa lahat? I mean kung ako si Governor Alfred, syempre ipagmamalaki ko na sikat na artista ang kasintahan ko. Nang sa gano'n wala ng magtangkang ligawan ka dahil sa ganda mong 'yan hindi malayong may manligaw pa sa'yo." Paliwanag nito. Tipid lang siyang ngumiti at hindi nagsalita. 'Yon din ang ipinagtataka niya. Hindi naman mahirap ang pamilyang pinanggalingan niya at mas lalong hindi naman pangit ang trabaho niya. Kaya nagtataka siya kung bakit hindi pa nito ipinapaalam ang relasyon nila sa lahat. Kung siya ang tatanungin noon pa niya gustong ipaalam ang relasyon nila. Pero palagi siyang pinipigilan ni Alfred. Palagi nitong sinasabi na may tamang panahon para do'n. "Mukhang siya ang may ayaw na ipaalam ang relasyon niyo a? Naitanong mo ba sa kanya kung bakit?" Untag sa kanya ng lalaki. Tumango lang siya bilang sagot. She tried to ask him but he's always telling her it's because of the nature of their jobs. He said he wants to keep his personal life private so she agreed. "Huwag kang maniniwala kung sinasabi niyang gusto niyang gawing pribado ang personal niyong buhay dahil kalokohan 'yon. Payong kaibigan lang Yvette, kilalanin mo pa siya ng maigi dahil hindi mo alam baka may itinatago siyang sikreto sa'yo," turan nito at marahang tinapik ang balikat niya. Makahulugan ang mga salitang binitawan nito. Pakiramdam niya mayroon itong alam na hindi niya alam. Ibinuka niya ang bibig para magsalita pero naunahan siya ng tunog ng telepono. Inilabas ng binata ang telepono nito at sinagot 'yon saka ini-excuse ang sarili. Naiwan siyang nakatanaw sa likod nito. Nag-iisip kung ano ang ibig sabihin ng payo nito. Matapos ang sinabi ni Gideon ay saka siya napag-isip na gaano nga ba niya kakilala ang nobyo? Bukod sa alam niyang Gobernador ito ng Batangas at mula sa maimpluwensyang pamilya ng mga Leviste. Bukod do'n ay wala na siyang alam. Kung secretive siya ay mas secretive pa pala ito. Pero para saan ang pagiging masikreto nito? Pakiramdam tuloy niya ay marami pa itong itinatago sa kanya at pakiramdam din niya wala itong tiwala sa kanya kahit pa halos isang taon na ang relasyon nila. "Okay ka lang ba?" Untag sa kanya ni Gideon na hindi niya namalayang nasa harapan na niya. Tumango lang siya at matamlay itong nginitian. "Kailangan ko ng umuwi dahil wala ng kasama si Inay. Ihahatid na muna kita sa condo mo," wika nito. Tumango lang ulit siya at nauna ng naglakad. Hanggang sa maihatid siya nito ay tahimik lang siya. Maraming tanong ang tumatakbo sa isip niya kaya hindi na niya nagawang magsalita. Nagpasalamat lang siya dito at pumasok na siya sa unit niya. Pagpasok niya ng silid ay naabutan niya ang taong laman ng isip niya na nakaupo sa single couch habang humihithit ng sigarilyo. Mataman niya itong tinitigan. Would she ask him all the questions she had in mind?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD