Chapter 20.

1138 Words
"SAAN mo gustong pumunta?" Tanong ni Gideon ng makalula ito sa driver side at i-start ang sasakyan. "Ha? A-Akala ko ihahatid mo na 'ko?" Ganting tanong niya. She still feel uneasy because of what she heard. It's a new emotion of him that she saw and she's not used to it. Though they just met and it's too early to judge him. "Alam kong stress ka ngayon dahil sa kumalat na video at sa interview ni Marian. Kaya naisip ko baka gusto mo muna i-divert ang atensyon mo," wika nito at pinaandar na ang sasakyan. "A-Ah, oo nga. Pero okay lang ako." Tipid na sagot niya. "Really? You look bothered. If it's not because of the news then is it because of what you heard earlier?" Tukoy nito sa narinig niyang mga sinabi nito sa kausap. Sinulyapan pa siya nito at ng hindi siya agad makasagot ay itinigil nito ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Namutla siya ng balingan siya nito. "I-I know what I did was rude but… but I promise I won't do it again." Hinging paumanhin niya. Hindi ito nagsalita at matalim ang mga titig na ipinukol sa kanya. Napasiksik siya sa inuupuan at lihim na napahawak sa door handle ng unti-unti itong lumapit sa kanya. Binubundol na ng matinding kaba ang dibdib niya at pinagpapawisan na siya ng malamig. "Sigurado ka?" Seryosong tanong nito. Napalunok siya at marahang tumango. Nagtaka siya ng bumalik ito sa pagkakaupo at bumaling sa labas na para bang may tinitingnan. Pero ng muli itong humarap ay lalo siyang naguluhan dahil nakangiti na ito. "Bakit ka nakangiti?" Lakas loob niyang tanong. Pero hindi ito sumagot sa halip ay humagalpak ito ng tawa na lalo niyang ipinagtaka. Nababaliw na ba ito? Napakunot noo pa siya ng ilabas nito ang telepono at kuhaan siya ng litrato. Halos hindi ito magkandatuto sa pagtawa at halos mamilipit na ito habang nakahawak sa tiyan. Samantalang siya ay nakamaang lang na nakatitig dito. "Anong nakakatawa?!" Pagalit niyang tanong. Ngayon lang niya unti-unting napapagtanto na pinaglalaruan lang siya nito. "Kung nakita mo lang ang itsura mo! Priceless… Grabe." Nang makabawi ay wika nito. Panaka-naka ay tumatawa pa rin ito. Sinamaan niya ito ng tingin. Pero hindi rin nagtagal ay napayuko siya at nanahimik. "Hey, are you okay? I'm sorry kung tinakot kita. Biro lang 'yon." Hinging paumanhin nito at sinubukan pang silipin ang mukha niya pero umiwas siya. "Nai-stress na nga ako sa mga nangyayari tapos dadagdagan mo pa. Hindi nakakatuwa ang ginawa mo!" Humikbi siya at nanatiling nakayuko. "P-Pasensya na, Yvette…" Mahinang wika nito. "Akala mo ba madali sa'kin ang mga ginagawa ko? Napapagod na 'ko!" Dagdag niya pa. "Pasensya na talaga. Gusto ko lang naman na pagaanin ang mood mo. Hindi ko alam na---" Napatigil ito sa pagsasalita ng mag-angat siya ng tingin. Kitang-kita niya na nakokonsensya ito at nag-aalala bagay na gusto niyang makita. "It's a prank…!" Binuntutan niya ng malutong na halakhak ang sinabi niya at itinuro pa ang mukha nito na halatang napaglaruan din niya. Para itong bata na ngumuso habang nanatiling nakatitig sa kanya. Hindi pa siya nakuntento at makailang beses na hinampas ang braso nito. "Bwisit! Kahit naloko kita naiinis pa rin ako dahil feeling ko naisahan mo 'ko! Hmp!" Nakaismid na turan niya matapos itong hampasin. Pinagsalikop niya ang mga braso sa dibdib at tinaasan pa ito ng kilay. "Prank lang ba talaga 'yon?" Paninigurado nito na nanatili ang concern sa mukha. "Oo. Prank lang 'yon. Joke. Biro. Gano'n?" Kibit ang balikat na turan niya. Para naman itong nabunutan ng tinik at napahugot ng malalim na hininga. Napailing ito at pagkaraan ay napangiti. Matapos 'yon ay ini-start na ulit nito ang sasakyan at pinaandar habang panaka-nakang sumusulyap sa kanya. "If you won't mind my asking. May kapatid ka ba? I mean, naikwento mo ang inay mo pero wala kang naikwento na may kapatid ka." Usisa niya. Saglit siya nitong sinulyapan at muling itinutok ang atensyon sa daan. "Nag-iisang anak lang ako. Lumaki akong walang ama dahil sumama sa babae niya. Kaya kami na lang ni Inay ang magkasama." Nakita niyang nagtagis ang mga bagang nito dahil siguro sa ama na nang-iwan dito. "I'm sorry to hear that." Sinserong wika niya. Hindi niya alam na galing ito sa broken family. Pareho nga silang nag-iisang anak pero hindi ito gaya niya na puno ng pagmamahal mula sa Mama at Papa niya. Isama pa ang Lola Ade niya. "Wala na sa'kin 'yon. Wala na 'kong pakialam kahit na anong gawin niya sa buhay niya. Basta 'wag lang sila magpapakita sa'kin ng kabit niya…" Madiin ang pagkakabanggit nito sa huling dalawang salita na sinabi at pagkaraan ay sumulyap sa kanya. Namayani ang katahimikan sa pagitan nila matapos ang sinabi ng binata. Kahit gusto pa niyang usisain ito ay pinigil na niya ang sarili dahil ayaw na niyang maalala pa nito ang masama nitong alaala. "The reason why I ask if you have siblings is because I heard a certain name when you were talking to someone over the phone. You said… Kuya Alfred? Would you mind if I ask who is he?" Tanong niya at tiningnan ito. "A, 'yon ba? Asawa siya ng pinsan ko, si Ate Almira. Nagkakaproblema kasi sila ngayong mag-asawa at pati ako nadadamay. May kabit kasi si Kuya at pakiramdam ko obsess na siya sa babae niya." Nakangising tugon nito. Napatango siya at lihim na pinagtawanan ang sarili. Bakit nga ba niya inisip na magkakilala si Gideon at Alfred? Dahil ba sa iisang bayan ito nakatira? "His wife must be devastated because of her husband's mistress." Hindi napigilang komento niya. Saglit namang napabaling sa kanya ang binata at puno ng pagtataka siyang tinitigan. "Bakit mali ba 'ko? Hindi ba gano'n naman ang nangyayari sa mga legal wife? Sila ang higit na nasasaktan sa panloloko ng mga asawa nila. What more pa kung may mga anak sila?" Paliwanag niya. Nanatiling tahimik si Gideon at panaka-naka ay nahuhuli niya itong tumitingin sa gawi niya. "I'm sorry, Gid. Pero kung ako ang nasa kalagayan ng pinsan mo aayusin ko ang relasyon namin para na lang sa mga anak ko. Para na lang---" "Wala silang anak." Putol nito sa iba pa niyang sasabihin. "Baldado na si Ate Almira at may taning na rin ang buhay niya dahil sa cancer sa matres." Dagdag pa nito. Napaawang naman ang bibig niya sa narinig. Another revelation na naman tungkol sa pamilya nito. Nagiging pakialamera na yata siya at hindi concern. Nang muling sumulyap ang binata sa kanya ay iminuwestra niya na naka-zip ang bibig. Nakita niya ng may sumilay na ngiti sa labi nito. Muling dumaan ang katahimikan sa pagitan nila at hindi na siya nagtangkang magsalita ulit dahil ipinapahiya siya ng pakialamera niyang bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD