Revelation
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Malabo iyon at una kong nakita ang ceiling. Naisip ko na tinanghali na naman ako ng gising para sa klase kaya naisipan kong bumangon agad but then, natigilan ako ng makita ang kwarto ko. Hindi iyon pamilyar sa akin. Nasaan ako? Inilibot ko ang mga mata sa kwarto hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa tagiliran ko. Inangat ko ang kamay ko sa gulat ng makita na naka dextrose ako. Hanngang sa…unti unting nag sink-in sa akin ang nangyari kanina.
My eyes then widened. Kung ganun, totoo ang nangyari kanina. Nakita ko nga siya. She was the one I saw earlier at the mall. And she’s with… Sienna Cervantes. My heart ache for some reason. I never thought that Sienna had a connection with my biological Mother. At ano iyong sinabi niya? Mom. She called her mom. Then…does it mean—
Dumapo ang mga mata ko sa pintuan ng makita na bumukas iyon at pumasok ang aking Ama kasama ang isang naka-unipormeng doctor. I also caught a glimpse of a few body guards outside the door.
"Dad." I said weakly and tried to sit up.
Agad naman silang nakalapit sa akin. My father's forehead frowned as the doctor spoke to him.
“She needs to rest; it might be due to stress that’s why she fainted.” Aniya ng doctor dahilan para bumaling ako sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin. “How are you feeling hija?Buti at gising kana. Naalala mo ba ang nangyari sayo kanina? May iba ka bang nararamdaman?"
I quietly shook my head. “I’m pretty fine. I feel fine.” I said and quickly turned to my father. "Dad… I saw mom." I said weakly. "I saw her." I repeated while looking at him seriously.
Bumaling sa akin ang Doctor at tiningnan ako gamit ang nagtatakang tingin samantalang nakakunot naman ang noo ng aking Ama.
“Thanks Doc. Is there anything else? Wala bang problema sa katawan niya?” he asked the doctor and ignored me.
Bumalik ang tingin ko sa doctor ng umiling ito. “Wala naman, we made some test and she’s all normal. There’s no need to worry about, I suggest you let her rest.” She said and smiled at me. "She can leave now after she rests a bit."
“Dad, I said I saw mom.” Ulit ko.
“Thanks Doc.” Pagtatapos ng aking Ama.
“Maiwan ko na kayo.” The Doctor said and smiled slightly at me. Tinanguan ko lang siya at agad tinignan ang aking Ama na nakatingin na din ngayon sa akin.
“Dad, si mommy. I said I saw her.”
Muling nangunot ang noo ng aking Ama. “Your just probably tired. Magpahinga kana muna.”
"But I said I saw mom!" I said annoyingly and forced to get up.
Hindi siya umimik ng ilang segundo, tinitigan niya lang ako.
“I saw her at the mall, with my classmate. And she called her…mom.” Nangunot ang aking noo ko at umiwas ng tingin. “Then…Does it mean…sh-she’s, her daughter?” Aniya ko at nag-angat ng tingin sa kanya saka siya hinarap. “But then mom’s surname is not a Cervantes, but I’m sure it’s her, I can’t be wrong. Siya yung nakita ko. Pero ang sabi mo sa akin noon…she went out of the country with her new family, how come na nandito sila sa Pilipinas? Umuwi sila dito? Bakit hindi mo sinabi sa akin?”
He shifted his weight and stared at me for a while.
“Dad?” tawag ko sa kanya dahil hindi siya nagsasalita or magpaliwanag manlang.
“They came back last year. I didn’t know. Nalaman ko lang nitong nakaraang buwan.” Marahan na sambit niya.
“Is that it? What else? He didn't talk to you o kinumusta man lang ako? ” I asked with a laugh. "I know it's impossible for her to talk to you, pero kahit man lang sana bisitahin ako o kumustahin ako, wala?”
He shook his head. My lips then parted at mas lalo lang akong natawa. I felt like I’m going crazy right now. Pagkatapos niya kaming iwan ay hindi na siya bumalik ng Pilipinas, though I knew in myself that there was a part of me that was still hoping for her come back, I’m still waiting for her. Siguro dahil nadin sa sobrang pagkasabik na makita siya kaya nagawa ko pa silang sundan. Funny because this is how I react. I should be mad at her for leaving us. For not staying, even just for me. But I felt like a fool for following them, I felt like I was crazy for wanting to see her despite everything.
They didn’t see me, but I saw them. This isn’t the first time I’ve felt this kind of pain, but this was more painful than the previous one, knowing that she never asks for me either visited me for once.
Naiintindihan ko iyon, habang lumalaki ako na hindi siya kasama ay naruon ang palaisipan sa akin, bumuo ako ng mga sagot sa aking tanong at isa iyon sa mga naging sagot ko. That Love will make you stay, but maybe, she doesn't love us enough to make her stay. Naiintindihan ko, pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi niya manlang ako bisitahin, kumustahin, kontakin. Talagang pinutol niya ang komunikasyon sa akin. Ang alam ko, may mga pamilya naman na separted, pero kahit papaano ay may koneksyon padin sila sa kanilang mga anak, pero bakit ako? Bakit ako wala?
I laughed even harder even though I could feel the heat in my eyes when I turned to my father.
“Sienna Cervantes… Is she, my half-sister?”
Nanatili ang tingin sa akin ng aking Ama. Hindi ko iyon Mabasa pero unti unti siyang tumango. “Yes.”
“Paanong nangyari yun?! We’re both in the same class and we’re almost the same age— ”
“Your one years apart.”
My lips then parted. “One years apart?” Hindi makapaniwalang aniya ko, at tila mas naguluhan. “Paanong one years apart Dad? What I remember then is that mommy was pregnant when she left the mansion, but I was 6 years old that time. Kaya paanong naging one years apart kami? Diba lalaki ang anak niya, at mas matanda ako duon ng ilang taon. So how?” Umiling ako ng ilang beses bago nagpatuloy. “Ano yun? Ng ipinanganak niya ako, nabuntis siya agad? Ganun? Kaya isang taon lang ang pagitan?”
Umigting ang bagang ng aking Ama at umiwas ng tingin. “Yes. Your mother first child to that man was her, isang taon lang ang pagitan niyong dalawa. Her second child to that man was the boy in her womb when she left the mansion.”
My lips parted in shock. Does it mean, my mother had been cheated my father many times? She got pregnant with that man two times while she’s still married to my father? What the!
“Nabuntis siya ng ibang lalaki pagkatapos akong ipanganak? Is that even possible?” Hindi parin makapaniwalang aniya ko, pero hindi na siya sumagot. Nanatili sa gilid ang kanyang mga mata.
“She-she’s a Cervantes now? Does it mean she married that man? I thought you were married Dad? Your just separated! So how did they get married ?!” Nakakunot na tanong ko at mas lalong naguluhan.
"She's a foreign citizen too, they got married in the U.S." he said weakly, my father’s jaw clenched repeatedly while his forehead furrowed though I couldn’t see his eyes.
My lips parted to see his reaction. How insensitive of me. Hindi ko naisip na mahirap din ito sa kanya, na hindi lang ako ang nasasaktan dito. My father loves my mother so much. Alam ko iyon. Dahil lumipas na ang ilang taon pero hanggang ngayon ay wala padin siyang kinakasamang babae. Lahat ay dinadaan niya sa laro. Kaylan man ay wala siyang pinakilala sa akin na ibang babae.
Hindi ko alam kung gaano iyon kasakit sa aking Ama. Ang malaman na may mahal na iba ang aking Ina kahit kasal sila. Ang malaman na mas pinili ng aking Ina ang ibang lalaki kaysa sa amin. Ang malaman na nabuntis ang aking Ina ng dalawang beses kasama ang lalaking iyon. Ang malaman na nagpakasal ang babaeng mahal na mahal ni Daddy sa ibang lalaki. How does he cope with all the pain? How does he still able to stand and continue with life despite what he had gone through? Hindi ko alam, hindi ko alam kung paano niya nakayanan ang lahat ng iyon.
Bigla ay nagbago ang tingin ko sa aking Ama. Sabi ko noon, he was not a good father in my eyes because of the way he treated me. Because somehow, he neglected me. But now, there is a part of me that admires my father. He’s so strong, he’s a good father for not leaving me even after all the pain my mother cause.
Sumagi sa isipan ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang lingo at buwan. Kaya ba siya biglang nagbago at nagsimula muling mambabae dahil nalaman niya na umuwi na ang aking Ina kasama ang bago nitong pamilya? Siguro nga. I wanted to ask him, though I didn’t have the courage to ask him right now, because seeing how her react hurt me more.
“Uuwi na ako. Sa bahay nalang ako magpapahinga.” I said weakly after averting my eyes.
I felt him turned to me. "Okay, I'll talk to the doctor and settle your bill after so you can discharge now." Aniya na tinanguan ko naman.
I heard his footsteps until I heard the door close. I then sighed heavily, muli ay humiga ako at tumalikod mula sa pintuan. I looked out at the window, I then burst into tears. Sunod sunod na tumulo ang luha ko sa aking pisnge patungo sa aking unan. Kasabay din noon ang pagpasok ng mga lumang ala-ala.
“Mom, where are you going?” I asked my mother when I saw her packing her things. I stood on the edge of the door as I watched her put her clothes inside her luggage.
Natigil siya sa ginagawa at sinulyapan ako ng isang beses pero agad din siyang nagpatuloy sa ginagawa bago nagsalita. “I’m leaving.” Sagot niya.
“But where? Kasama po ba kami ni Dad, should I pack my things too?” I asked softly but she just shook her head.
"I'm going alone." Aniya.
Naguguluhan ko siyang tiningnan. Umatras ako at binalingan sa corridor ang mga katulong na nakasilip sa akin. Nilapitan ko si Nanang at nagtanong.
“Nanang si Daddy po?” tanong ko pero umiling ito sa akin. Nanang took my little hand and pulled me towards the master’s door where my mother was.
“Natasia, hindi ba pwedeng mag-usap muna kayo ni Dominador bago ka umalis?” si Nanang pero muli ay umiling ang aking Ina.
“I can’t, and we already talk. I have to leave. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya. I don’t deserve him.” Sagot ng aking Ina na siyang nagpagulo sa aking isipan.
What does she mean by that? Nag-away ba sila ni Daddy?
“Hindi puwede ang ganyan. Tatawag ako mismo ngayon kay Dominador.” Nakakunot na sagot ni Nanang. Umalis siya at iniwan ako sa kinatatayuan habang tinitingnan ang aking Ina na mas nagmadali ngayon sa pagliligpit.
The last thing I remember is my mother descending our grand staircase towards the double door after she kissed my forehead.
“I’m coming back for you, alright?” tanging sambit niya sa akin bago ako tuluyang iniwan. Nakasunod naman ako sa kanya habang patuloy na nagtatanong.
“Mom, where are you going? Can’t I go with you?” I asked again.
“Tasia! Pauwi na si Dominador. Mag-usap muna kayo bago ka umalis!” Sigaw ni Nanang habang nakasunod din sa aking Ina.
Narinig ko ang malakas na mura ng aking Ina ng makita ang papasok na sasakyan ng aking Ama.
"Daddy!" I called and hurriedly and approached him after he got out of the car.
Agad naman niya akong sinalubong. Hinawakan niya ang braso ko at nag-angat ng tingin kay Mommy. Umigting ang bagang ng aking Ama at kita ko ang galit duon. He glanced at Nanang with a meaningful look. I then felt Nanang holding my arm and pulling me away from my parents who are facing each other now.
“Daddy! Mommy! What’s going on?” I asked but my eyes widened as my father violently pulled my mother’s arm.
“Nanang, ano pong nangyayari? Bakit parang galit si Daddy?” Naiiyak na tanong ko kay Nanang pero inilayo niya ako sa kanila. Kita ko ang pababangayan nila pero hindi ko sila marinig lalo pa ng tuluyan akong napapasok ni Nanang sa masnyon at isinarado ang pintuan ng double door.
“Nag-uusap lang sila, Nasia. Huwag kang mag-alala. Halika, sa kwarto kana muna.” Nanang said softly but I shook my head in fear.
“No, there’s something wrong Nanang, nag-aaway si Mommy at Daddy.” I said and went straight to the large window of the mansion. Hinawi ko ang mahabang kortina at sinilip sila duon. Malayo sila pero natatanaw ko sila.
Nagbabangayan silang dalawa.
“Nasia, halika na, sa kwarto kana muna.” Sambit muli ni Nanang at lumapit sa akin pero agad akong umiwas sa kanya at kumaripas ng takbo ng makitang tinulak ni mommy si Daddy. My father didn’t move after my mother shout at him.
“Mommy!” Sigaw ko at padabog na binuksan ang pinto ng double door. Mabilis akong bumaba ng hagdan at tumakbo patungo sa kanya.
Tumalikod si Mommy at hinila ang hawak ng maleta patungo sa labas ng gate kung saan naka-abang ang isang taxi.
“Mommy!” Sigaw ko. Humarap ang aking Ama ng makita ang pagtakbo ko, ambang sasalubungin niya ako pero umiwas ako at dumeretso sa aking Ina.
“Mommy!” Paulit ulit na sigaw ko ng hindi niya ako pinansin. Papalapit palang ako sa gate ng isang beses niya akong binalingan bago tuluyang pumasok sa loob ng taxi.
“Anastasia!” Sigaw ng aking Ama.
Our security guard pulled me over as soon as I got out of the gate. "Let me go." I shouted angrily at him but because I was small and he was stronger than me, I couldn’t get away from him that easily. “I said let go. Mommy!” Tawag kong muli at kinakagat ang kamay ng security. Dumaing siya pero hindi niya ako binitawan imbis ay binuhat niya ako gamit ang kabila niyang braso.
Pinagtatampal ko ang security namin ng umangat ako sa ere. I cried out in so much irritation and frustration. Tears began to trickle inside my eyes as I tried to kick and wriggle from his hold.
“Anastasia!” Tawag ng aking Ama at tuluyan akong binawi sa security guard.
He lifted me up and hugged me. “Calm down, darling. Calm down.” He said weakly.
"Mommy!" I shouted and started to scream.
“Shh…” My Father comforted me, but I did not stop from crying and calling my mother.
Gumalaw ang mga balikat ko ng magsimula akong humikbi habang nakatingin padin sa bintana ng kwarto ng hospital. It’s been so long since that memory came back to me again.
Pagkatapos ng araw na iyon ay gulong gulo ang utak ko sa kung bakit kami iniwan ni Mommy. Inisip ko pa na nagbakasyon siya na hindi kami kasama dahil nag-away sila ni Daddy but then habang tumatagal ay naririnig ko ang usapan ng mga katulong sa bahay. Hanggang sa isang araw nalaman ko din ang dahilan ng lahat lalo na ng komprontohin ko ang aking Ama tungkol duon.
My mother got pregnant by another man. Sumama siya sa lalaki niya at iniwan kami ng aking Ama. That’s all I know. My father is very secretive to me, he doesn’t tell me the detail about my mother. I was then so young when I encountered the word crush, I became curious about it until I heard about romantic love. The love that my father and Mother had come to my mind. What kind of love do they have? Bakit sa kabila ng pagmamahal na iyon ay nagawa paring magtaksil ng aking Ina.
Hanggang sa nalaman ko na kaya pala, kaya pala iniwan kami ng aking Ina. Because they’re arrange marriage. They did not get married because they loved each other. They got married because of an agreement between the two families. My grandmother in my father side was so guilty and she regrets her decision to marry my father to my mother. Because of that, my father was so broken and hurt. Because of that, we became a broken family.
Kahit ang paglabas ng bansa ng aking Ina kasama ang lalaki niya ay hindi ko alam. Nalaman ko lang iyon ng last year ko na sa elementarya ng magsimula muli akong magtanong sa aking Ama dahil sa pang-bubully sa akin ng mga kaklase ko at ng iba pang mga estudyante.
And now, I’m here right now with another revelation. My mother’s other daughter. I used to think that I only have a brother to her, hindi ko alam na may kapatid ako sa kanya na babae, at, kakalse ko pa. Ang hindi ko maintindihan ay bakti niya ako iniwan? Bakit sila, kasama niya? Bakit ako, iniwan niya.
Dumating ang aking Ama dala ang isang nurse na may dalang wheelchair. I was about to told him na kaya kong maglakad but then ayaw kong makipag talo. We went home with my Dad and our bodyguards. Nanang and our other helpers was waiting at the door of the mansion when we got home, but my father didn't let them talk to me and asked me questions, he wants me to rest kaya siya na din ang kumausap sa kanila.
I received a few missed calls from V. Ilang sermon din ang inabot ko sa kanya ng malaman ang nangyari sa akin. Sinabi niya na pinuntahan niya ako sa ospital pagktapos malaman ang nangyari pero hindi siya makalapit dahil sa higpit ng security. Tinanong ko siya kung paano niya nalaman, he told me my location was on so he easily tracks my phone. Mayroon din akong natanggap na mensahe at tawag galing kay Appolo at lahat yun ay hindi ko nasagot.
“Bakit hindi mo sa akin sinabi na na-ostpital ka kahapon! If V hadn't told me I wouldn't know!” Si Abby sa tabi ko ng bumisita siya sa mansyon kinaumagahan ng linggo.
Kinuwento ko sa kanya ang nangyari at puro buntong hininga naman niya ang sumalobong sa akin.
“You’re not just stress…your traumatized.” Sagot niya sa huli pagkatapos kong mag-kwento.
"I'm just tired, Abby."
“Anong pagod? You've been happy lately and I saw that, Nasia. In the past few weeks, I can say that it was your best mood. But you fainted just because you saw them? Really?” Umiling siya habang nakakunot ang noo.
“Your traumatized.” Ulit niya pa.
Napabuntong hininga naman ako duon. I could feel his gaze on me but I couldn’t look at her. We were silent for a few seconds until I heard Nesa's voice.
“Ms. May bisita daw po kayo sa labas. Hindi po pinapapasok dahil hindi pamilyar ang mukha.”
Kumalabog ang dibidb ko sa kaba. Nagkatinginan kami ni Abby saka sabay na bumaling kay Nesa.
“Sino?” Sabay din na tanong namin ni Abby.
“Appolo Lorenzana daw po.” Humagikhik si Nesa. “Ang gwapo ma’am.”
My forehead furrowed and turned to Abby. "What is he doing here?" I asked with a frown.
Abby sighed. “Akala ko kung sino na, si Appolo lang pala.”
“Anong ginagawa niya dito?” Ulit ko at pinanliitan siya ng mga mata.
Ngumuso siya at tiningnan ako. “He contacted me because you’re not replying to his texts and calls…Na-nakwento ko sa kanya ang nangyari sayo.” Mas lalong humaba ang nguso niya at nanliliit ang bose niya. “Kaya siguro nandiyan sa labas.”