Umuwi siya sa kanilang bahay na mabigat ang dibdib. Alam niyang hindi na niya dadatnan doon si Alex. Wala na ang kanyang asawa. Muli niyang nakuyumos ang envelope na naglalaman ng annulment paper na may pirma na ni Alex. Napaismid siya. Masaya siya, masayang-masaya siya! Iyon dapat! Iyon ang kailangan niyang maramdaman dahil malaya na siya. Makakalaya na siya sa isang relasyong mali ang simula. Pero bakit kahit anong pilit niyang ngumiti? kahit anong pilit niyang maging masaya? tila naman lalo siyang lumulubog sa isiping wala na ang kanyang asawa . Wala na ang taong kumakapit sa kanya. Hindi na niya ito mahahawakan, hindi na niya ito makikita kahit sa malayo lamang. Pinilit niyang ngumiti nang makapasok na sa loob ng bahay kahit labis ang panginginig ng kanyang labi. "Ricardo," tum

