"N-nasa San Antonio hospital daw po si senyorita, Alex." Gumaralgal at namamaos ang boses ni Manong Dado. "Tumawag po ang kaibigan ni senyorita, Chester daw." Nabitawan niya ang matanda. Nanlalaki ang kanyang mga mata at hindi maproseso sa utak ang sinabi nito. Napatawa siya habang muling namalisbis ang luha sa kanyang mga mata. Umiling-iling, ayaw niyang maniwala. Halos mabuwal siyang napalayo rito. Napailing muli siya habang walang humpay na rumagasa ang luha niya sa mga mata. "No, hindi iyan totoo," iling niyang tumakbo palabas. Iniwanan ang matandang lalaki na nanginginig pa rin sa ibinalita. Hindi rin pinansin ni Rick si Nanay Mering na humahagulgol na sa may sofa. Basta ang gusto niya, makarating agad kay Alex. Madaluhan niya ang asawa. Tila nilipad niya ang daan papunta sa kany

