Chapter 36.2

1169 Words

Muli niyang itinuon ang kanyang mata sa binabasang papeles habang hinihintay na pumasok ang asawa. Nang may mga yabag ng sapatos ang pumaibabaw sa wood flooring ng kanyang opisina. Hindi siya nagtaas ng tingin, ni hindi niya sinulyapan si Alex pagkapasok nito sa loob ng opisina niya. Basta nakapako ang kanyang mata sa papel na hindi naman na niya maintindihan kung anong naroon dahil ang atensiyon ng kanyang sistema ay nasa babaeng alam niyang nasa mismong harap na ng mesa. Nang isang brown envelope ang nilagay ni Alex sa mesa niya. Agad napaangat ang kanyang tingin dito. Nakangiti si Alex. Ngunit hindi man lang umabot sa mga mata nito. Naipinid niya tuloy ng husto ang kanyang labi habang pilit na tumititig sa mga mata nito. "Belated happy birthday," pauna nito. Napalunok siya. Hindi n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD