Chapter 36.1

1143 Words

Sunod-sunod na katok ang narinig ni Alex pagkaraan ng tatlumpong minuto. Pinilit niyang tumayo dahil sa walang humpay na pagtawag ni Nanay Mering sa labas ng pinto. "Alex," humahangos na saad nito pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto. Pinasadahan siya ng tingin. "Anak namumutla ka, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong nito. Hinawakan ang nanlalamig niyang kamay. Tumango siya kahit pa sobrang sakit pa rin ng nararamdaman niya. Tagaktak rin siya ng pawis. Medyo nanlalabo rin ang kanyang paningin. "H-hindi ho makakarating si Rick, tayo na lang po ang mag-celebrate," gumaralgal ang boses niya dahil hindi niya mapigilan ang lumuha. Inabot ng matanda ang pisngi niya at pinunasan ang luhang dumaloy doon. "Tama na ang pagdurusa mo, Alex. Anak, mahalin mo ang sarili mo ha. Hindi deserve ni Rica

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD