"No!" sigaw ng isip ni Alex. Bago pa man lumalim ang halik ay nagawa niyang itulak si Rick at padapuin ang palad niya sa pisngi nito. "Wala kang karapatang halikan ako!" sigaw niya rito at pinunasan ang labi sa pamamagitan ng likod ng kanyang palad. Namumula ang kanyang pisngi kasabay ng pagdausdos ng masaganang luha sa mga mata niya. "Wala kang karapatan!" muli niyang sigaw rito saka patakbong umalis. Hindi alintana kung halos magkandapa-dapa na siya sa buhanginan. Walang nangahas na staff ang tumakbo para habulin si Alex. Lahat sila ay gulat na gulat sa nangyari at nasaksihan. Tila sila nanood ng pelikula, bitin nga lamang at nakalilito, hindi kasi buo. Mabilis naman na tumakbo si Rick para habulin ang babaeng papalayo na sa kanila. Sa may kakahuyan ito nagsuot kaya mabilis niyang s

