Gumising si Alex na masakit ang ulo. Naupo siya sa kama at nakapikit na sinabunutan ang sariling buhok. Pinakiramdaman niya ang sarili, hindi lang ang ulo niya ang mabigat, bakit maging sa kanyang ibaba ay parang namamanhid rin. Tuloy, agad niyang iminulat ang mga mata, laking panlalaki niyon nang mabungaran ang pamilyar na lugar. Pamilyar din ang amoy kahit limang taon na ang nakararaan. Ang amoy na gustong-gusto niyang samyuin kahit noon pa man. "Bakit ako narito?" tanong niya sa sarili. Bumalikwas siya ng tayo. Napaawang ang kanyang bibig dahil iba na rin ang kanyang suot. Naka-t-shirt lamang siya ng mahaba. Dumagundong ang malakas na kaba sa kanyang dibdib. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng pananakit ng ulo sa pag-iisip kung ano ang nangyari kagabi. "Paanong..." Tinaas niya ang k

