Nakahinga ng maluwag si Alex nang agad din naman tinapos ni Keila ang pagpili ng wedding gown nito with some touch up. Hindi na nag-inarte at agad na sumang-ayon sa suhestiyon niya. Pinuntahan pa nga nito ang dalawang lalaki na nag-uusap para sa opinyon ng mga ito. Habang ginagawa ng babae iyon ay pinagmasdan niya si Rick. Mataman na nakatitig ito sa gown na napili ng mapapangasawa. Agad na tumango pagkatapos ipaliwanag ni Keila ang detalye. Si Eizer naman ay sumang-ayon din dahil maganda talaga ang disenyo ng gown. Simple lamang iyon. Bagsak ang tela na sirena style ang hapit nito mula sa beywang hanggang sa baba. V-cut ang likod nito at natatakpan naman sa harapan. May palamuting beads at pearls sa harap. Pinili rin ni Keila ang may lace na manggas. Simple, napakasimple talaga kaya sob

