Itinakbo ni Rick si Keila sa pinakamalapit na hospital. Kinakabahan siya at nag-aalala sa kalagayan ng kanyang mag-ina, marami ang dugong lumabas kay Keila, halos panawan na rin ito ng ulirat dahil sa paghi-histerikal kanina sa takot na malaglag ang kanilang anak. "Rick, save our baby, please!" Umiiyak na pagsusumamo ni Keila sa kanya habang nanghihina. Nanginginig ang mga kamay niya habang nagmamaneho dahil sa isiping puwedeng mawala ang anak nila ng babae. Bumakas ang matinding takot sa mga mukha nila. "Please hang on in there, malapit na tayo," sabi niyang mas binilisan pa ang pagmamaneho. Wala na siyang pakialam kung mas mabilis na siya sa tamang metro. Importante sa kanya ang mailigtas ang mag-ina niya. Nakarating sila sa San Antonio hospital at agad siyang humingi ng tulong. Dina

