Chapter 40

1902 Words

"Are you sure you are okay? Baka gusto mo muna magpahinga pa bago talaga tayo umuwi sa Manila?" tanong ni Chester na ikinailing ni Alex. Mas mabuting umalis na sila agad kesa ang manatili sa lugar na iyon. Baka maisipan pa niyang bumalik kay Rick at muling ipagpilitan ang sarili, lalo na at may anak silang dalawa. "Umalis na tayo. Maayos naman na ang pakiramdam ko dahil nakapagpahinga ako saglit," sagot niya rito at ngumiti sa kaibigan. Ayaw na talaga niyang ipagpaliban pa ang pag-alis. Mas makakabuti sa lahat ang paglayo niya agad. "Sige," ika ni Chester at binuhat na ang kanilang maleta. Nasa hotel suite sila ngayon dahil kinailangan ni Alex na makapagpahinga saglit. "Ibababa ko na ang gamit natin. Mag-che-check out na rin ako. Wait for me here, susunduin kita rito. Okay?" Matipid na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD