Napaigik si Rick dahil sa paninikip ng dibdib at sa hindi mapigilan na luha. Napaupo siya sa kamang gamit kanina ni Alex habang patuloy ang pagluha. Tinampal niya ang kanyang dibdib dahil ayaw maalis ang sakit na galing doon. Aminado naman siyang malaki talaga ang kasalanan niya kay Alex. Pero pinagsisisihan na niya ang lahat ng iyon. Nagdusa na siya ng maraming taon na hindi kasama ang babae. Hindi pa ba iyon sapat para mapatawad siya ni Alex? Hindi pa ba sapat na halos ikamatay niya ang paglayo nito? Sa totoo lang, si Alex lang ang tanging hangin na kaya niyang hingain. Ito na ang iniikutan ng madilim niyang mundo. Ang pag-asang muli ay makapiling ito ang nagbibigay sa kanya ng lakas para muling tumayo. Mahirap ang bawat araw na hindi niya kasama ang babae. Mahirap ang pagpatuloy ni

