Hemira II 41 - Pagkabasag ~Hemira~ Hindi ko inaasahan na makikita ko si Mades dito sa lugar na ito. Nakalutang lamang siya sa ere at nakatingin sa amin. "Ano?! 'Yan 'yung Mades?!" hindi makapaniwalang tanong ni Yohan at siya'y itinuro pa. Galit na galit ang kaniyang mukha. "Napakapangahas n'yo Hemira at ng Arthan na iyan! Niloloko n'yo lamang pala kami na naroroon kayo sa kabundukan ng Hatim upang magsanay ngunit ang totoo ay naririto kayo at sinusubukang ibalik ang iyong mga alaala!" Gumawa siya ng itim na mahika at ibinato iyon sa akin. Kaagad na naging kalasag si Euvan sa aking harapan na nakabaon sa lupa. "Barrier Gent! I humbly summon thee! Baro release!" bigkas din agad ni Yohan ng kaniyang mahika at bigla na lamang isang diwata ang lumabas. Gumawa kaagad iyon ng mahika na nag

