Hemira II 42 - Tadhana ~Hemira~ "Yohan... Serafina... Pilitin n'yo na walang mangyaring masama sa inyo. Dadalhin ko muna kayo sa ligtas na lugar upang magamot kayo pareho," sabi ko sa dalawang taong napakahahalaga sa akin. H-huwag kang mag-alala sa akin, Hemira... Ayos pa naman... ako. B-bilisan mo na lamang ang iyong lipad para kay Yohan dahil kaya ko pa naman, sabi ni Serafina sa loob ko. "Salamat, Serafina. Tiisin mo lamang at maaalis na rin ang sakit na iyong nararamdaman ngayon." Binilisan ko ang aking lipad kahit na alam ko na nahihirapan na siya sa aking loob. Ito lamang ang paraan upang mailigtas ko sila pareho. Malayo na ang aking nalilipad at nang tingnan ko ang aking likuran, natatanaw ko sa malayo na mga nakasunod sa akin ang mga mostro na panghimpapawid kasama na roon an

