Hemira II 40 - Pagkatunton ~Hemira~ Naramdaman ko ang mahapding likido na bumasa sa aking katawan at ako'y napaubo dahil sa masangsang na amoy ng aking paligid. Malambot ang aking inuupuan ngayon at madulas. Napakadilim din ng paligid. Gumalaw ako at kumalansing ang kadenang nasa akin pa ring katawan. "Hemira?..." Natigilan ako nang marinig ko ang tinig ni Yohan. "Yohan? Ikaw ba iyan?" paninigurado ko. Nawala ang kadena sa aking katawan at naramdaman ko na may humawak sa aking braso na tila nangangapa. "Hemira!" Bigla niya akong niyakap at ramdam ko ang labis na naging pag-aalala niya. Gumawa muna ako ng mahika upang makakita kami pareho sa dilim. "Bakit ka naririto?! Hindi ba't ika'y kasama ng diwatang iyong tinawag?" Inihiwalay ko siya sa akin. Bakas na bakas ang matinding pa

