Hemira II 39 - Kiribit ~Tagapagsalaysay~ Nang makakuha na ng halamang gamot si Euvan ay bumalik na siya kaagad sa kanilang kampo. Nang makarating na siya roon ay nagimbal siya nang makita niya ang walang malay na si Hemira na nakahandusay sa tabi ni Yohan. Agad niya itong dinaluhan. "Hemira!" Wala nga talaga itong malay kaya naman binuhat niya kaagad ito at inihiga sa latag nito kanina bago sila umalis. Tiningnan niya ang mukha nito at pagod na pagod iyon. Namumutla rin ang mga labi nito. Ginawa niya na ang gamot na para sana kay Yohan. Nilagyan niya ng tubig iyon mula sa boteng inuman sa kaniyang palad at kinatasan iyon doon saka ipinainom dito. Pinunasan niya pa ang mga labi nito nang may maglandas na katas ng dahon pababa ng baba nito. Tiningnan niya si Yohan di gaanong malayo

