DAHLIA POINT OF VIEW Paglapit ko sa kanila ay agad nila akong niyaya na umupo. Sandali akong nag-alangan, pero sa huli ay umupo rin ako sa gilid ng sofa habang pilit na ngumiti, kahit na ramdam ko ang kaba at paninikip ng dibdib ko. “Miss, bakit para ka namang tuod diyan?” sabi ng isang lalaki habang nakangisi. “Hindi mo ba kami sasayawan o aakitin man lang?” Lumapit pa siya sa akin at bahagyang yumuko, parang inaamoy ako. Naramdaman ko ang panlalamig ng katawan ko. Narinig ko ring tumawa ang mga kasama niya, malakas at parang nang-aasar. Agad ko siyang tinulak palayo. “Pasensya na po,” sabi ko, pilit pinapakalma ang sarili ko. “Hindi po ‘yan ang trabaho ko.” Mas lalo silang tumawa. “Paanong hindi?” sagot ng isa. “Nandito ka sa bar tapos sasabihin mong hindi ‘yan ang trabaho mo?

