AELIX POINT OF VIEW Isang linggo ang lumipas, pero wala pa ring nagbabago sa routine ko. Pareho pa rin trabaho, meeting, papeles, at walang katapusang responsibilidad sa kompanya. Abala ako sa pagre-review ng ilang documents sa laptop ko nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ko. Pumasok si Cendric, ang secretary ko. Halata sa mukha niya ang kaba, parang may gusto siyang sabihin pero nag-aalangan. Hindi ko man lang siya tinignan agad. “Anong kailangan mo, Cendric?” malamig kong tanong habang patuloy sa ginagawa ko. “Sir…” panimula niya. “Tumawag po si Sir Laurence. Tinatanong niya po kung anong oras daw po ang byahe ninyo papunta sa probinsya.” Napahinto ako. Napabuntong-hininga ako at isinandal ang likod ko sa upuan. Naalala ko na naman ang tungkol sa bachelor’s party niya is

